Bandang alas otso y medya ay nakahilera na ang mga bagong crew suot ang uniforms nila. Free ang uniform kaya wala na silang problema pa bukod sa sapatos na susuotin nila. Dalawang babae at tatlong lalaki kasama na si Cavin. Better na rin dahil mas kailangan nila ng malalakas sa mga mabibigat na gawain at mga babae naman sa mga gawaing kinakailangan ng pulidong gawa. "Good morning, everyone!" bati ni Rosie. Nakangiting tumungo silang lahat pati na ang ngingisi-ngising si Cavin na career na career ang pagvo-volunteer. Palibhasa, may dalawang chicks na kasama. Nabuhay ang katawang babaero niya. "Welcome to our coffee shop! Wala naman akong iba pang masasabi kundi ay pagbutihan sana natin lahat ang trabaho. One more thing, I want to be friends with all of you here. I hope we'll get along w

