Kasalukuyan na silang nasa dalampasigan at ine-enjoy ang sariwang hangin. Naglatag ng blanket si Marco sa buhangin saka malaking payong na sinisilungan nila ngayon. May dala-dala rin silang maliit na cooler saka snacks na nakalagay sa basket. Picnic at the beach ang datingan. "So, bro how's life abroad?" seryosong tanong ni Marco kay Cavin habang binubuksan ang drink niya. Ngumisi lang si Cavin. "You already know it, bro." "Hell, yeah. Collecting girls," iiling-iling na sagot ni Marco. "Babaero ka ba, Cavin?" diretsang tanong ni Rosie. Hindi na niya naipreno ang dila niya. Natawa naman tuloy si Marco sa sinabi niyang iyon. Mukhang maha-hot seat si Cavin ngayon. Napakamot siya ng batok at medyo nahiya. "Um, Rosie I can't really say na hindi ako babaero, pero parang. . ." "Parang gano

