"Bro, I'm asking this girl over here. Hindi ikaw, okay?" ani Cavin na may halong pang-aasar. Saka ito lumapit kay Marco saka bumulong. "You're obvious, dude!" aniya sa mahinang boses.
Si Rosie naman ay kanina pa nagtataka kung bakit nagbubulungan ang dalawa. Pinagbutihan na lang niya ang pag-inom ng kape para hindi na 'yon matikman pa ni Marco.
"So, bakit kayo nag-aaway dalawa sa kape?" tanong ni Cavin.
"I just taught her how to make coffee, bro. Ang dugas, ayaw sa 'kin ipatikim," ani Marco.
"E, baka iba ang gusto ipatikim—"
"Shut it, bro!" sita ni Marco.
"Ah, Marco, dun muna ako sa labas nang makapag-usap kayo ng kaibigan mo," pagpapaalam ni Rosie. Mukhang nakatimbre siyang dapat munang mag-usap ng dalawa ng masinsinan and she'll just make her presence awkward kapag patuloy siyang tumunganga do'n.
"O-O, sige. S-Sundan na lang kita maya-maya."
Ngumiti lang si Rosie saka lumabas na. Ngumisi si Cavin sa kaibigang si Marco. Para siyang isang lalaking chismoso.
"Is he the girl from high school?" tanong ni Cavin. He still remembers how die hard Marco was way back high school.
Tumango lang si Marco.
"Goodness, bro! How did she end up here? I thought she has a long term boyfriend? pag-uusisa ni Cavin.
"They broke up. . .two years ago, bro. Hindi ko rin alam kung bakit dinala siya rito ng tadhana. Kasal na iyong dati niyang boyfriend. She's here to recover from her awful past," mabilis na sagot ni Marco.
"Woah? So you're helping her recover? Correct me if I'm wrong, dude."
"I-I g-guess you're right, dude," nauutal na sagot ni Marco.
"That Rosie is cute, she's also pretty. I can see bakit patay na patay ka sa kanya."
"It's not the only reason, bro. I love her being herself. Mula noon, siya lang ang ginusto ko. At ngayon, the cards are on me, I'll make sure to win it. I'll win her heart this time," pursigidong sagot ni Marco.
"Great! I like the energy. Sayang, kung hindi sana siya ang tipo mo. . ." ani Cavin na tila may nais ipahiwatig.
"Sorry ka na lang, dude. Sa akin na siya."
"Hindi pa naman, dude."
"May balak ka ba sa kanya?"
Napakamot ng ulo si Cavin. "Sana, pero sa 'yo na sabi mo, e."
"Just find other girls to play with. But let me remind you, Cavin, baka karmahin ka riyan sa ginagawa mo at ang dating playboy na kilala ko ay iiyak isang araw?"
Ngumisi si Cavin saka umiling-iling. "That will never happen, bro."
Ngumiti si Marco. "You will never be sure, bro. Akala ko nga hindi rin darating ang puntong 'to sa 'kin, but just look at me now, ang akala ko'y imposible noon, is actually happening to me now."
"I'm happy for you, bro!" ani Cavin saka ito tinapik sa balikat ang kaibigan.
"Yeah, anyway. You are always welcome here at my coffee shop. Will look forward in seeing you here," wika ni Marco na siyang sinang-ayunan naman ni Cavin.
"Sure, I will."
Iyon lang ang kanyang naisagot saka lumabas na ito ng shop. He saw Rosie sitting at a table outside.
"Hey, Rosie. I'll get going. It's nice to meet you!" aniya saka matamis na ngumiti sa dalaga. Kung hindi lang talaga ito nagugustohan ni Marco, interisado siya rito.
Natigilan pa saglit si Rosie. "A-Ah, gano'n ba. S-Sige, mag-iingat ka, Cavin," sagot ng dalaga saka ngumiti. Kumaway lang si Rosie sa kanya habang pinagmamasdan ito hanggang sa maglaho sa kanyang paningin.
She remained sitting there. Enjoying the breeze.
"Ehem."
Napalingon si Rosie sa kanyang likuran na pinanggalingan ng boses. It's Marco. Hawak ang folder ng mga applicants kanina.
Napakamot ng ulo ang dalaga. "Ay, sorry. Nakalimutan ko, pipili na pala tayo ng mga papapasukin ngayon, ano? Masyado akong nag-enjoy dito sa labas, e."
Naupo si Marco sa kanyang tabi. "It's okay," aniya sabay lapag ng folders sa mesa. Isa-isa niya 'yong binuklat.
"Mayro'n ka na bang nagugustohan sa kanila?" tanong ni Marco sa dalaga.
"Oo, pero siyempre, ikaw pa rin ang masusunod."
"Okay, so tell me who among them here?" tanong muli ni Marco.
Sinulyapan muli ni Rosie ang mga folders saka nag-isip.
"Hmm, gusto ko 'yong applicant number one. Si Ms. Susie Indelible. Feeling ko napaka-cheerful niya. Although, wala nga lang siyang experience sa ano mang coffee shops, pero marunong naman daw siya mag-operate ng coffee maker/machine."
"Then, we'll let her in!" masiglang tugon ni Marco.
Rosie stared at him na hindi makapaniwala. "S-Sure ka?"
"Oo naman, gusto mo siya hindi ba?" tanong ni Marco.
"Y-Yes, hehe. Feeling ko magkakasundo kaming dalawa."
"So, mayro'n ka pa bang gusto sa kanila rito?"
"Iyong pang apat na applicant. Si Mr. Bustamante, gusto ko siya."
Kunot-noo namang tiningnan siya ni Marco. "Gusto mo siya?" anito sa malisyosong tanong.
"What I mean is, gusto ko siyang papasukin. He had several part time jobs na pala before. Feeling ko masipag siya. Puwede natin siya ilagay kahit taga linis ng tables at taga ayos ng chairs."
Tumango-tango si Marco. "Sure."
"Sigurado ka ba, Marco? Ba't parang sinasang-ayunan mo lang ang mga sinasabi ko?" nagtatakang tanong ni Rosie.
Nginitian lang siya ni Marco. Isang nakakabaliw na ngiti. "I trust you, Rosie."
"Fine, then. Gusto ko rin itong si Cuejas. Sabi kasi niya she's a solo parent. Naawa ako, e. Madami na naman siyang experiences as service crew before. Kaya feeling ko hindi niya tayo bibiguin."
Tahimik lang na pinagmamasdan ni Marco ang dalaga habang patuloy ito sa pagsasalita. Nalulunod na yata si Marco sa mga sinasabi ni Rosie. She's so pretty when she talks. Tinititigan niya lang ito at at hindi pinakikinggan ang sinasabi. Masyado nang nakakabingi ang paligid sa kanya. He's focused on her angelic face. I think I found my heaven in you, Rosie. Aniya sa kanyang isipan.
Kumaway-kaway sa harapan niya si Rosie na nakakunot ang noo.
"Marco? Are you still listening to me?" tanong niya.
Napakurap-kurap tuloy ang binata. He immediately came back to his senses dahil sa mga sinabing 'yon ni Rosie.
"A-Ah, yeah," maagap na sagot niya.
"Sigurado ka ba? You still want me to continue? Mayro'n na kong apat na napili.
"A-Apat na?"
"Oo, hehe."
"S-Sige, ayos na 'yan."
"Pero hindi ba lima ang hinahanap natin?" tanong ni Rosie.
Maya-maya pa'y napatingin silang dalawa sa isang binatang hapo sa pagtakbo. Napataas ng kilay si Rosie. It's Cavin, again.
"Cavin? Nandito ka ulit?" tanong ni Marco.
"Y-Yup! I-It's m-me a-again. I w-wanted to v-olunteer here, p-puwede pa ba?" humahangos niyang sagot
Nagkatinginan ang dalawa sa sinabing iyon ni Cavin. Is he serious? He really want to volunteer?
"S-Sigurado ka ba?" tanong ni Rosie. Nakikita kasi nitong hindi bagay kay Cavin na magtrabaho sa coffee shop. Mas bagay siyang maging model. Sa pustora at built pa lang ng katawan nito ay hindi maipagkakailang bagay na bagay siyang maging model ng magazine o 'di kaya ay mag-artista.
"I saw your posting earlier before I left, hehe. I don't need money, I just want something to do while I'm staying here in the province."
Nagkibit-balikat si Marco. "Okay, bro. You're in. Basta ba, maghakot ka ng madaming customers na babae, e."
Mukhang hinahamon siya ni Marco.
"Basic," maagap na sagot ni Cavin saka pilyong ngumisi.
"So, ayos na tayo? Si Cavin na lang ang pang lima?" tanong ni Rosie.
Tumungo lang si Marci bilang sagot.
"Hindi pa ba kayo uuwi?" tanong ni Cavin.
"Uuwi rin kami maya-maya, bro. We'll just fix some things here sa shop then magsasara na." Si Marco ang sumagot.
"I'll wait you, then. We'll grab some drinks, right?" ani Cavin.
Ngumisi si Marco sa kanya. "Tindi mo, tanghaling tapat. Puwede namang mamayang gabi 'yan, ah?"
"It's sizzling hot in here, dude. Let's grab some drinks saka tumambay sa sea shore."
Nagtaas ng kamay si Rosie. "Puwedeng sumali?"
"Sure/No!" sabay na sagot ni Cavin saka Marco.
Napakunot-noo si Rosie. "Eh?"
"Marco, bakit no ang sagot mo? Ayaw mo bang maki-join si Ms. Rosie sa atin? Saka isa pa, get to know each other stage naman 'yon," pang-aasar ni Cavin.
"She has a low alcohol tolerance," pagpapaliwanag ni Marco sabay iniwas ang kanyang tingin dahilan para mas lalong kumunot ang noo ni Rosie.
"How did you know?" nagtataka niyang tanong.
"I-I just know? Hinulaan ko lang," pagpapalusot nito.
"Bro, I'm not talking about liquor." Si Cavin ang sumagot.
Napahiya tuloy doon si Marco. Pakiramdam niya umurong ang dila niya. Basta si Cavin kasi ang nagyayaya, inom agad ang pumapasok sa isip niya. Hindi naman niya hahayaang sumali si Rosie sa inuman ng mga kalalakihan. He's that protective.
"G-Gano'n ba, sorry naman," nahihiya niyang sagot sabay kamot ng ulo niya.
Namumula naman si Rosie habang pinipigilan ang pagtawa niya.
"O, alam ko na iyang pamumula ng pisngi mo. Pinagtatawanan mo na naman ako," aniya kay Marco.
"H-Hindi, ah!" maagap na sagot ni Rosie habang nagpipigil ng tawa.
"You too are something. . ." ani Cavin na sumingit sa dalawa.
"Something?" sabay na sabi ni Marco at Rosie.
"Tara na, let's grab some drink!" paglilihis ng usapan ni Cavin. He doesn't want to say something. Kahit na alam niyang tipo ng kaibigan si Rosie. Hindi niya puwedeng pangunahan ang binata.
Sumenyas lang si Marco ng thumbs-up sa kanya saka inayos muna ang mga bagay-bagay sa loob ng coffee shop. Sumama naman sa loob si Rosie saka tumulong sa kanya.