"Pinagpapawisan ka na, ah?" puna ni Marco saka lumapit sa mesa kung saan nakaupo si Rosie.
"Yeah, dami nila. Naubos ang boses ko, char!" sagot ng dalaga.
"So, kinabahan ka pa rin ba kanina?"
"H-Hindi na naman. Salamat, ha?" sagot ni Rosie.
"Anything for you," he answered and winked.
"Mukhang ang dami ko nang utang sa 'yo, Marco. Paki lista na lang muna, ha?" natatawang sagot ng dalaga.
Marco chuckled and shook his head. "That's nothing, Rosie. besides, friends do help each other, right?" ani Marco na pilit ikinukubli ang nararamdaman.
Taliwas ang sinasabi niya sa totoong laman ng puso niya. This isn't the right time to confess. Hindi ngayong nagmo-move-on pa si Rosie. He'll end up confusing her at baka mas lalong makagulo lang siya sa dalaga. Saka isa pa, hindi naman 'yon lang ang intensyon niya rito. He's really sincere in wanting to help her recover from her past at hindi niya ite-take advantage iyon para pormahan ang dalaga. Not now, not sooner. Maybe someday soon. Dinadaan na lang niya muna sa biro ang lahat.
"Gusto mo ba magkape? Wala tayong customers ngayon. Let's sit for a coffee saka natin i-screen iyang mga list of applicants natin today, based on your interview results," ani Marco.
Tumungo si Rosie. "Sure! I'd love to," aniya saka tumayo na siya para lumabas.
They'll just talk outside. Nakaka-suffocate na kasi ang enclosed space na iyon dahil sa kaliitan. Isang upuan ba naman siyang nag-interview ng labing-limang tao. Pinagpawisan din siya do'n.
"Iced-coffee?" tanong ni Marco na nakatayo sa tapat ng counter.
"No, I want the hot one. Puwede bang turuan mo akong gumawa?" tanong ni Rosie saka nag-puppy eyes pa.
"How can I say no with those eyes?" ani Marco.
"Haha! Sira!" Sabay sapok sa kanya ni Rosie.
"Nananakit ka na, ha."
Natawa si Rosie. "Ay, sorry! Na-carried away lang ako," pabirong sagot niya kahit ang totoo ay sinadya niya iyon.
"Ano? Gusto mo bang turuan kita gumawa ng kape rito o, turuan kita magmahal?" ani Marco sabay tawa. "Which do you prefer?" dugtong pa niya.
Napahagalpak ng tawa si Rosie. "Baliw ka na!"
"Baliw na nga ako sa 'yo," pabulong na sagot ni Marco.
"Anong binubulong-bulong mo riyan? Nagmumukha kang lamok sa panay bulong-bulong mo."
"Ang sabi ko, hindi ako baliw. Guwapo ako. Guwapo!" pagpapalusot niya.
"Ay, napalakas ba ang aircon? Check ko nga," pagbibiro ni Rosie sabay palinga-linga sa magkabilaang aircon sa coffee shop at kunware ay chine-check iyon.
"Ikaw yata ang baliw, e."
Ngumiti ng mapait si Rosie. "Dati na akong nabaliw, Marco."
Alam agad ni Marco kung ano ang ibig nitong sabihin. Alam agad ng binata kung sino na naman ang sumagi sa isip ng dalaga.
"Right," tipid na naisagot ng binata.
"Pero dati 'yon, Marco. Iba na ang ngayon. Kung may kababaliwan man ako ngayon, iyon ay kung paano makakaahon," ani Rosie.
Marco smiled hearing her response. "Puwede ka namang mabaliw sa'kin if you want?" aniya sabay ngisi. Yes, he's just kidding. Pero deep inside, sana hindi.
"Hay! Panay biro. Kaya siguro hindi ka pumapasa do'n sa babaeng nagugustohan mo, e. Puro ka biro."
"Nope."
Napalingon sa kanya si Rosie. "B-Bakit? E, ano pala?"
Huminga siya ng malalim. "She's just. . .she's just so inlove with s-someone else, so bad."
"So you mean, hindi ka talaga niya napapansin no'n?"
Umiling-iling si Marco bilang sagot. Naalala niya pa, kahit anong pagpapapansin ang gawin niya kay Rosie no'n, hindi talaga 'yon tumatalab. Para itong nagayuma ng pagmamahal ni Rich. Ito lagi ang hinahanap-hanap niya. Isa lang siyang dakilang extra sa pag-iibigan nina Rosie at Rich noon. Pero ngayon, he's hoping to be the lead of the story sooner or later.
"Nakakalungkot naman. Siguro, etorps ka noon, 'no?" pang-aasar ni Rosie.
Napakunot-noo si Marco. "Etorps?" pag-uulit niya.
"Torpe! Haha!" napahagalpak ng tawa si Rosie.
Napa-frown si Marco. "Hindi na kita tuturuang gumawa ng kape," aniya na pabiro.
Rosie pouted. "Uy! Grabe siya, biro lang, e." Napatakip siya ng kanyang bibig at pinipigilang tumawa ulit.
"Ayan, o. Natatawa ka pa, e. Pinagtatawanan mo 'ko."
Umiling-iling si Rosie hawak pa rin ang kanyang bibig. "Hindi, ah!"
"Nakikita ko pa rin 'yang nakatawa mong bibig kahit nakatakip pa 'yang kamay mo. Hali ka na rito kung gusto mong magpaturo. Limited lang ang oras ng boss mo. Alam mo bang madaming pumipila para lang sa oras ko?" aniya pa.
"Ito na nga, o!"
Mabilis na lumapit sa direksyon niya si Rosie. Tumapat siya sa coffee machine tapos nasa bandang likoran niya si Marco. Ramdam na ramdam ni Rosie ang pagkakadikit nilang dalawa ni Marco. She can also feel his heavy breath.
"M-Marco, t-turuan mo akong gumawa ng espresso," naiilang niyang sabi. Hindi niya gaanong malingon si Marco dahil maling galaw niya lang ay maghahalikan na silang dalawa sa sobrang lapit nila sa isa't isa.
"Sure. Iyon lang naman pala, e." sagot ni Marco. "But before that, let's first warm the cup. Para hindi mabilis na mawala ang init ng kapeng gagawin mo."
Medyo lumayo siya ng kaunti kay Rosie dahilan para makahinga ng maluwag ang dalaga. Pinagpawisan siya sa sobrang lapit nilang dalawa kanina.
"T-Tapos?"
"Check natin itong portafilter. Baka kasi may naiwan pang residue ng last na kapeng ginawa natin at makaapekto pa sa lasa ng kapeng gagawin mo. Syempre, dahil first espresso na gagawin mo ito, dapat masarap," pagpapaliwanag ni Marco.
Na-excite tuloy si Rosie. Marco really knows his business. Nakakamangha lang.
"Kailangan natin ng right dose of coffee na igi-grind natin. Dito rin kasi nakasalalay ang lasa ng kape. Here, start grinding these." Sabay abot niya ng kape.
Lahat ng proseso ay step by step na itinuro ni Marco ng dahan-dahan para makuha agad ni Rosie. Kung tutuusin, hindi naman niya ito gawain pero for the experience manlang. Bilang manager, importante rin naman na marunong siyang gumawa ng kape.
"Wow! Mukhang tapos na. Can I have a taste?" ani Marco sabay usisa ng espresso na ginawa ni Rosie. Kumalat ang amoy no'n sa buong coffee shop dahil airconditioned ito, mabilis lang kumalat. Nagmukha tuloy itong air freshener.
"Nakakahiya, baka hindi mo magustohan. Laklakin ko na lang 'to lahat," natatawang sagot ni Rosie.
"Paano kung masarap?"
"E, 'di good para sa first timer?"
"Patikim na nga kasi," pagpupumilit ni Marco.
"Saglit lang naman, Sir. Ako muna, puwede ba 'yon?" saka niya kinurap-kurap ang kanyang mga mata na nagpapa-cute.
"Ako ang huhusga, kaya ako dapat ang mauna."
"Ako muna, para kapag pangit ang lasa, hindi mo na matitikman!" napa-peace sign si Rosie.
"Hay! Ang kulit naman."
"Mas makulit ka. Ako gumawa nito, e."
"Sino ba nagturo sa 'yo?"
"Ikaw?"
"O, 'di ako ang dapat maunang timikim."
"Fighting over a cup of coffee?" wika ng isang lalaki na kakapasok ng coffee shop. Nakasuot ito ng gray v-neck shirt na fit sa bulky niyang katawan. Bakat na bakat ang triceps nito. Mukhang nag-gi-gym.
"Sorry, Sir pero close ang coffee shop namin— C-Cavin?" Si Marco ang nagsalita. It's Cavin! His best friend. Sisitahin niya sana ang lalaki but to his surpise, it's his friend.
"Hi, bro! Are you having an argument over a coffee?" kunot-noong tanong ni Cavin. "Who's this pretty girl with rosy cheeks?" dugtong pa niya sabay kindat kay Rosie. Sa kahihiyan ay napaiwas ng tingin ang dalaga at napainom ng espresso na kanyang ginawa.
"Oh, this one's Rosie," maagap na sagot ni Marco. He can already sense na gumagana na naman ang pagiging chickboy ng kaibigan. Cavin is a half Filipino and a half American. He's fond of playing with girls even abroad at hanggang dito sa Pilipinas ay dala-dala niya ang hobby niya. Hobby niya ang mga babae—a certified playboy indeed.
"Rosie with rosy cheeks! So cute," pagpuri ni Cavin.
"Hehe," Rosie answered uneasy.
Inakbayan naman ni Marco si Cavin saka bumulong. "‘Wag si Rosie, bro," bulong niya.
"Is she your type?" bulong na sagot rin ni Cavin.
"Let's talk about it over a drink. Later at my place," mahinang sagot ni Marco dahilan para mag-agree si Cavin.
"So, why are you here?" pag-iiba ni Marco ng usapan.
Nakapamulsang sumagot si Cavin. "Well, I just wanted to see your place. It's good, ah? Not bad. Isa pa, it's near the front beach. Maraming makakakita," Cavin answered.
"Yeah. Na-swertehan lang. Mabuti na lang, Rosie is with me to help me with the errands. We are planning to hire some service crew para mapagaan ang work namin. You can come here often if you want, but remember. . .no playing with girls," ani Marco na pinapaalalahanan agad ang kaibigan.
"Fine, bro. But let me introduce myself first to this pretty girl. Hi, miss. I'm Cavin Winser." Inilahad niya ang kanyang palad.
Kamuntik pang mabulunan si Rosie do'n. Nahihiya siya no'ng inabot niya ang kamay niya para makipaglamano. "I-I'm Rosie Lim."
"Are you half chinese?" Cavin asked.
"Yes, bro." Si Marco ang sumagot saka pinandilatan ng mata si Cavin na tila wina-warningan ito.
Cavin chuckled seeing how his friend gets jealous obviously.