MAAGANG umuwi si Silva. Gagawa pa kasi siya ng pastry na order sa kanya ngayon. Mukhang magiging busy siya sa araw na ito pero bago 'yon ay naibigay na niya agad kay Rosie ang letter na para kay Marco. Ilang minuto pang tinitigan ni Rosie ang letter na 'yon. Nasapok niya ang kanyang noo. "Ano ba 'tong pinasok mo, Rosie?" Isang malalim na buntong-hininga na lamang ang binitawan niya. Inilagay na muna niya sa bag niya ang letter na 'yon saka naghanda na sa pagpasok sa trabaho. Si Cavin agad ang bumungad sa kanya pagpasok niya pa lang sa shop. Ngumiti ito at kumaway lang dahil naglilinis pa siya ng mga mesa. Si Eldon naman ay nagma-mop ng sahig. Wala pa sina Susie at Anica, malamang sa malamang ay nagpapaganda pa 'yon. Girls will always be girls. "Hans! What's with that face?" Puna

