PERSISTENT rin ni Silva na sinundo si Marco sa kabilang unit. Hindi sana papayag si Marco, pero mapilit ito. Nahiya naman siyang mag-refuse dahil magkaibigan rin naman sila. Pero ang totoo, he hates to admit that he's jealouse of Cavin kahit alam naman nitong hindi siya bibiguin ng kaibigan. Kahit alam naman niyang inaasar lang siya nito, nagseselos pa rin siya. Hindi na yata niya iyon mawala sa sistema niya. "He's here!" masiglang sabi ni Silva. Napatingin si Cavin at Rosie sa pintuan. Kasalukuyan silang nasa terrace na dalawa at umiinom ng soft drinks. Sa direksyon agad nila napatingin si Marco at isang matalim na titig ang ibinigay nito kay Cavin. Dahil mapang-asar si Cavin, ngumisi lang siya sa kaibigan niya. "Cavin, gabi na. Puwede na nang umuwi," ani Marco. Napakunot-noo si Ros

