Saktong pagkalabas ni Marco ay tapos na ang usapan nina Rosie at Silva. Pakiramdam ni Rosie ay matatapos na rin siya. Gusto na niyang umiyak ngayon pero kailangan niya munang isantabi 'yon. "Marco!" ani Silva nang makalabas ang binata. "So, kunin ko na ba 'yung mga boxes ng cream puff sa kotse? Iyong dinala mo?" sagot ni Marco. Tumango lang si Silva. "You want me to help?" sagot niya but Marco refused. "No. I can manage. I know napagod ka sa paggawa no'n," sagot nito saka dumiretso na sa labas para kunin sa loob ng kotse ang mga box. Kinikilig na hinarap ni Silva si Rosie. "See?! He's a gentleman, right?" she said and giggled. Napabuntong-hininga si Rosie. Masaya siyang nakikitang masaya ang kaibigan niya, kahit na ang kapalit no'n ay ang pagpiga ng puso niya. "Oo, gentleman tala

