bc

CHARLES MONTEMAYOR THE TWINS ( Tagalog )

book_age18+
78.6K
FOLLOW
319.5K
READ
spy/agent
forced
warrior
bxg
cruel
tortured
affair
punishment
brothers
brutal
like
intro-logo
Blurb

Tahimik ngunit tapat na minahal ni Yza Lupez si Charles Montemayor.

Ngunit sa halip na pagmamahal, kahihiyan ang kanyang natanggap.

Sa harap ng lahat, tinawag siyang gold digger, pinaratangang magnanakaw, sinampal, at pinaluhod upang halikan ang mga paa ng lalaking pinakamamahal niya kapalit ng trabahong matagal niyang pinaghirapan.

Bilang isang abogado, alam niyang isa lamang siyang biktima ng isang malupit na sabwatan.

Ngunit sa halip na ipagtanggol ang sarili, pinili niyang manahimik. Iniwan niya ang kompanya at ang lalaking minahal, dala ang sakit at pangakong hinding-hindi na siya lilingon pa.

Ngunit hindi pa pala iyon ang katapusan.

Nang magsimulang mabunyag ang mga lihim na katiwalian sa loob ng Montemayor Group, isang pangalan ang gumimbal sa buong bansa—Yza Lupez.

Ang babaeng minsang tinawag na magnanakaw...

Ang babaeng ipinahiya at itinakwil...

Siya pala ang tunay na biktima.

Ngayon, sa harap ng korte at ng katotohanan, ano ang pipiliin ni Charles Montemayor?

Ipaglalaban ba niya ang kanyang kayabangan bilang isang Montemayor billionaire...

O luluhod siya upang humingi ng tawad sa babaeng minsan niyang winasak?

chap-preview
Free preview
Chapter- 1
Chapter 1. “Hindi porke’t gusto ka ng kapatid ko ay maaari nang maging tayo! Hindi ikaw ang babaeng pinangarap ko. Tandaan mo ’yan!” Masakit ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng Charles, ngunit nanatili siyang nakikinig. Kahit nasasaktan siya sa mga sinasabi nito, kailangan niyang tiisin. “Hindi ka ba nakakaintindi o sadyang bobo ka lang? Tsk! Maganda ka, yes. Pero iyon lang ang katangian mayroon ka. Hindi iyan sapat para magustuhan kita! Now, can you please get out of my way?” Napaatras ang dalaga at hinayaang talikuran siya ng binata. Luhaan sinundan na lamang niya ng tingin ang papalayong lalaki. “Hoy! Ayos ka lang ba? Anong nangyari sa ’yo? Bakit ka tulala at umiiyak? Sinong umaway sa ’yo?” tanong ng kaibigan niya. Boss niya si Charles Montemayor. At kaya siya naririto sa kumpanya ng pamilya nito dahil iyon sa pangako niya sa ina. “W-wala. Okay lang ako. Sige, mauuna na ako sa ’yo.” Pilit siyang ngumiti bago iniwan ang umiling-iling na kaibigan. Pagdating sa kanyang floor ay agad siyang dumiretso sa restroom. Doon niya pinakawalan ang impit na pag-iyak. Sobrang sakit at pakiramdam niya’y sasabog ang kanyang puso. Halos sampung minuto siyang nanatili roon. Nang mahimasmasan ay naghilamos siya, inayos ang sarili, saka bumalik sa kanyang cubicle upang ipagpatuloy ang trabaho. Nang sumapit ang uwian ay inayos niya ang mga papel sa ibabaw ng kanyang desk. Marahan niyang hinila pababa ang tumaas niyang mini-skirt uniform at inayos ang mahaba niyang buhok. Isa sa kanyang mga ipinagmamalaki ang buhok na kasing-itim ng gabi. Maingat niya iyong itinali, saka kinuha ang kanyang bag at tuluyang umalis. Nakayuko siyang naghihintay sa pagbukas ng elevator. Hindi niya napansin ang matangkad na lalaking nakatayo sa kanyang likuran. Nang bumukas ang elevator ay akmang sasakay na siya… ngunit bigla siyang natigilan nang marinig ang boses ng kanyang boss. “Sumakay ka sa ibang elevator. Ayokong may ibang tao sa paligid ko.” Napaatras siya dahil sa malamig at mariin na boses ng kanyang boss. Gumilid na lamang siya at hinintay na magsara ang pinto ng elevator. Nang masigurong nasa ibabang palapag na ang binata ay saka niya pinindot ang buton. Ilang minuto pa ang kanyang hinintay bago muling bumukas ang pinto. Mag-isa na lamang siya kaya agad siyang sumakay at pinindot ang basement, kung saan nakaparada ang kanyang kotse. Iilan na lang din ang sasakyan doon. Agad siyang sumakay at pinausad ang sasakyan. Pagdating niya sa kahabaan na siya ng highway nang tumunog ang kanyang phone. Sinilip niya iyon at nakitang may pumasok na message. Hindi muna niya binasa ang mensahe at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Maya-maya pa ay muling nag-ring ang kanyang phone. Napilitan siyang sagutin iyon at halos matulig ang tainga niya sa lakas ng boses nang amo sa kabilang linya. “What the f*ck?! Bakit hindi mo sinasagot ang text messages ko?!” malakas na sigaw nito. “P-pasensya na po, Sir. Nagmamaneho po kasi ako.” “Kung hindi mo kayang gampanan ang trabaho mo, mag-resign ka na!” dagdag pa nito. “S-sir, sorry…” Dial tone na lamang ang narinig niya. Iginilid muna niya ang sasakyan at saka huminto. Pakiramdam niya ay mas nanghina ang katawan niya. Kanina halos hindi siya nakakain sa opisina. Nawalan siya ng gana dahil sa sunod-sunod na pambubulyaw ng kanyang boss. At heto na naman, wala yata talaga pakialam ang lalaking iyon sa nararamdaman ko. Hindi na niya matiis ang pamamahiya nito kaya nang marating ang bahay ay dumiretso siya sa banyo. Mabilis siyang naligo, saka humiga at sinikap na matulog. Ngunit nanatiling gising, kahit anong posisyon sa higaan hindi siya makatulog. Halos madaling-araw na siya dinalaw ng antok dahil sa kakaisip. Nalilito siya kung ipagpapatuloy pa ba niya ang pagtatrabaho sa Montemayor Company. Kinabukasan ay napabalikwas siya ng bangon. Nasilaw siya sa liwanag na nagmumula sa lace curtain ng bintana. “Oh my God!” Wala na siyang oras kaya agad siyang tumalon mula sa kama at mabilis na naligo. Isinuot niya ang kanyang uniform at sa loob na lamang ng kotse magsusuklay. Malapit na siya sa stoplight nang biglang mag-red light. Agad siyang nagpreno, dinukot ang suklay mula sa kanyang bag, at mabilis na sinuklay ang mahaba niyang buhok. Nang mag- green light ay agad niyang pinasibad ang kotse. Binilisan niya ang pagmamaneho. Panay ang tingin niya sa orasan. Alanganin na siya sa oras at malamang ay hindi siya aabot sa kanyang schedule. Muntik na siyang mapasubsob nang bigla niyang apakan ang preno. Isang humahagibis na sasakyan ang dumaan sa gilid ng kanyang kotse. Eksakto namang nag-red light kaya kinailangan niyang ihinto ang sasakyan. Hinagilap niya ang face powder mula sa kanyang bag at mabilis na nagpahid ng manipis sa kanyang pisngi. Naglagay rin siya ng lip gloss. Isang malakas na busina ang nagpaangat ng kanyang mukha. Agad niyang pinaandar ang sasakyan. Pagdating sa parking agad na bumaba at tumakbo na papasok sa loob ng building. Late na siya nang limang minuto. Pagkaupong-pagkaupo niya ay ipinatawag siya agad sa opisina ng kanyang boss. Kabado na naman siya. Alam niyang sermon ang muli niyang matatanggap mula sa amo. Nakatikwas ang nguso ng secretary ng kanyang boss nang makita siya. “You’re late again. Kasalanan mo kaya nadadamay kami sa init ng ulo ni Boss!” Napapahiyang na patungo na lamang siya. “Sorry.” “Pumasok ka na. Kanina pa sumasabog sa galit si Boss.” Marahang itinulak niya ang glass door at lumapit sa desk ng kanyang amo. “What time is it, Ms. Lupez?” malakas na sigaw nito na muntik na niyang ikatalon. “I’m so…” “Sorry again?” putol nito sa paghingi sana niya ng tawad. “I don’t need you in my company! Now, bring all your things and get out!” Natigilan siya sa sinabi ng kanyang boss kaya hindi siya agad nakahuma. Naramdaman na lamang niya ang mah!gp!t na paghawak nito sa kanyang braso nang kaladkarin siya palabas. Isang malakas na tulak ang nagpaikot sa kanyang katawan at nawalan siya ng balanse. At napasubsob siya sa makintab na tiles. “Idiot!” Hindi agad napansin ni Yza ang malaking sugat sa kanyang noo kaya nagmamadali siyang tumayo. Hinagilap niya ang kanyang mga gamit, saka patakbo ng umalis sa lugar. Halos habulin siya ng tingin ng mga kapwa niya empleyado. Marami ang nakapansin sa malakas na pagdaloy ng dugo mula sa kanyang noo. Akala niya ay luha ang umaagos sa kanyang mukha kaya panay ang pagpahid niya rito gamit ang likod ng kanyang palad. Hindi na niya pinansin ang pagtawag sa kanya ng gwardiya nang madaanan niya ito. Agad siyang nagtungo sa nakaparada niyang kotse at saka sumakay. Nang makaupo sa driver’s seat ay saka lamang niya napansin ang dugong dumadaloy mula sa kanyang noo. Umabot na iyon sa kanyang uniform. Inabot niya ang tissue at pinunasan ang duguang mukha, ngunit ayaw pa ring tumigil ng pagdurugo. Hinayaan na lamang niya muna iyon at pinaharurot ang kotse pauwi sa kanyang condo unit. Pagkapasok sa loob ay dumiretso siya sa banyo at mabilis na naligo. Matapos ang ilang minuto ay lumabas din agad at kinuha niya ang first-aid kit. Nilagyan niya ng alcohol ang bulak at tiniis ang sakit habang nililinis ang sugat. Mabuti na lamang at malapit sa kanyang buhok. Kung nagkataon ay makikita ang pilat, malalim pa naman ang sugat Nang malagyan niya ng gamot ay inabot niya ang kanyang phone at nag-dial siya ng isang numero. “Book me as soon as possible.” Agad din niyang ibinaba ang phone. Hinagilap niya ang kanyang malaking maleta at binuksan iyon. Pumunta siya sa closet at pumili ng mga damit na maaari niyang gamitin sa pupuntahan. Isang maleta at isang hand-carry bag lamang ang kanyang dadalhin. Doon na lamang siya bibili ng iba pang gamit. Habang nag-iimpake ay walang tigil ang pag-agos ng kanyang mga luha. Ngayon niya lubos na naunawaan ang kanyang kawawang sitwasyon. Pumasok sa isipan ang salitang iniwan niya sa puntod ng ina. “I’m sorry, Mommy, but I am leaving. Akala ko kaya ko pang ti!sin ang masamang trato niya. Ngunit hindi pala… I love him so much, pero masyado na akong nasasaktan. Aalis ako habang kaya ko pa… habang may natitira pa akong kaunting respeto para sa sarili ko.” Pagkatapos mag-impake ay gumawa siya ng resignation letter. Ipinadala niya ang kanyang resignation letter sa Montemayor Company, effective immediately. Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na siya ng condo unit. Bago tuluyang umalis minsan pa niyang nilingon ang loob ng bahay bago iyon ikinandado ang pinto. Habang hila-hila ang kanyang maleta at bitbit ang hand-carry bag. Magulo ang isipan niya, paulit-ulit bumabalik sa alaala ang ginawa sa kaya ni Charles. Matapos maisakay ang mga bagahe sa kanyang kotse ay sumakay na rin siya at pinausad na ang sasakyan. Hindi kalayuan ang airport at walang gaanong traffic kaya mabilis nakarating sa airport parking. Bago siya pumasok upang mag-check in, ay tinawagan ang kaibigan at pinakiusapan kunin ang kotse niya sa parking lot. Suot niya ang malaking shades habang tulak ang cart patungo sa check-in counter. Pagdating ko sa immigration. “Ms. Lupez, pakialis po ang shades ninyo.” Agad siyang tumalima at ibinalik din agad ang matapos makumpirma ang kanyang pagkakakilanlan. Dumiretso siya sa boarding area. Nang tumaas na ang eroplano doon pa lang siya tuluyang nakahinga. Pakiramdam niya ay malaya na siya. - Samantala… malakas ang bulungan ng mga empleyado sa buong department, lalo na sa canteen. “Poor Yzabel! Malaki siguro ang sugat sa noo niya. Ang daming dugo.” “Ano ba ang nangyari? Ang sabi, kinaladkad daw siya ni Big Boss palabas.” “Napalakas ang pagtulak ni Boss kaya tumama ang ulo niya sa sahig.” “Napaka-violent naman pala ng boss natin. Nakakatakot.” “Psh! Enough. Baka makarating iyan sa head office at madamay pa tayo.” Pasimpleng tumayo ang isang babae at lumabas ng canteen na may mapanuyang ngiti. “Amb!syosa! Tama lang sa ’yo ang ginawa ni Boss. B*tch!" - Sa mansyon… Napahinto si Charles sa paghakbang nang marinig ang gal!t na boses ng ama. “Anong ginawa mo, Charles? I can’t imagine… kaya mong manakit ng isang babae!” gal!t na tanong ng kanyang amang si Dave. “Una, hindi ako makapaniwala sa mga usap-usapan. Pero nang makita ko ang CCTV… Tsk! Son, sana hindi mo pagsis!han ang mga ginawa mo pagdating ng araw.” Hanggang makarating siya ng opisina ay hindi siya makapagtrabaho ng maayos. Naguguluhan siya sa mga nangyari. Masyado siyang nagal!t kahapon at hindi niya napigilan ang sarili. Inangat niya ang intercom tinawag ang secretary. “Come here, pakidala rito ang personal information ni Ms. Lupez!” Sasagot pa sana ang secretary ngunit nawala na sa linya ang kanyang amo. Dala ang bagong print na resignation letter ni Ms. Ma. Yzabelle Lupez, pati ang kumpletong impormasyon, ay pumasok ang secretary sa opisina at inabot ang mga iyon sa amo. Pinasadahan naman agad ng tingin ni Charles ang laman ng folder. Name: Ma. Yzabelle Lupez Age: 27 years old School: University of the Philippine Degree: Political Science - Summa c*m Laude Law School: San Beda College of Law - Magna c*m Laude Napasandal si Charles sa kanyang upuan. Nanliit siya sa natuklasang background ng dalaga. Binalingan niya ang secretary. “Go and do not disturb me.” “Sir, here’s her resignation.” Napamaang siya bago inabot ang papel. Paulit-ulit niyang binasa ang resignation letter. Hindi siya makapaniwalang wala na sa kanilang kompanya si Yzabell. Wala sa sariling lumabas siya ng opisina. Parang hindi siya makahinga sa loob ng building. Kailangan niya munang lumabas at sumagap ng hangin. Gusto niyang matawa sa sarili. Napakayabang niya noong minumura at iniinsulto ang dalaga, samantalang wala pala siya sa kalingkingan ng katalinuhan nito. Nagkataon lamang na nagmula siya sa isang pamilyang bilyonaryo. Ngunit kung tutuusin ay parang ordinaryong tao lamang siya kumpara kay Yza. Nanliliit siya nang maalala ang mga sinabi, pananakit, at pang-insultong ginawa niya sa babaeng walang kalaban-laban. Napailing siya. Kung tutuusin ay kaya siyang sampahan ng kaso ni Yza at ipakulong. Sa halip ay nanahimik ito at piniling lisanin ang kanilang kompanya. Sumakay siya sa kotse at nagmaneho. Hanggang hindi niya namalayang nasa harap na pala siya ng condo ni Yza. Kahit siya ay hindi alam kung ano ang ginagawa niya sa lugar na iyon. Ngunit wala siyang lakas upang pigilan ang kanyang sarili. Kusang humakbang ang kanyang mga paa patungo sa floor ng condo unit ni Yza. Ilang beses siyang nag-doorbell ngunit walang nagbukas ng pinto. Minabuti na lamang niyang umalis. “Si Ms. Ganda po ba ang hinahanap ninyo, Sir?” “Yeah,” agad na sagot niya. “Naku! Maaga pong umalis. May dala siyang mga gamit. Mukhang out of the country ang punta niya. May iniwan po ritong card. Ipinabibigay niya po sa owner ng room na ’yan.” “Oh, salamat. Pakibigay na lang ho sa akin dahil ako po ang anak ng may-ari nito.” Agad namang inabot ng may edad na babae ang card key. Bumalik si Charles sa condo ni Yza at ginamit ang card key. Pumasok siya agad napansin ang paligid. Malinis ang loob at parang wala nang nakatira roon, maliban sa ilang paintings na nakasabit sa dingding. Dalawang silid ang nakita niya. Nilapitan niya ang isa at marahang itinulak ang pinto. Isang queen-size bed at katamtamang laki ng closet ang bumungad sa kanya. Nilapitan niya ang closet at binuksan iyon. Marami pang damit ang naiwan doon. “Siguro ay hindi naman magtatagal si Yza at babalik din.” Napansin niya ang isang nakatiklop na papel sa bedside table. Dinampot niya iyon at binasa. “She’s not coming back,” naisip niya. Isa pala iyong note na nagbibigay ng pahintulot na itapon ang lahat ng gamit na naiwan sa loob ng condo. Wala sa sariling napaupo siya sa gilid ng kama. Kusang gumalaw ang kanyang mga kamay upang haplusin ang ibabaw ng higaan at ang unan ng dalaga. Nakaramdam siya ng pamimigat ng ulo kaya sumandal muna siya sa headboard at pumikit. Naalimpungatan si Charles nang makaramdam ng lamig. Agad niyang hinagilap ang kumot. Niyakap niya ang isang unan at muling nakatulog. Ang tunog ng alarm clock ang gumising sa kanya. Huh? Kailan pa ako nagkaroon ng alarm clock? Napilitan siyang imulat ang mga mata at abutin ang maingay na aparato. Pinatay niya iyon dahil pakiramdam niya ay kulang pa siya sa tulog. Ngunit biglang bumalik ang realidad. Napabangon siya at nilibot ang paningin sa paligid. Saka lamang bumalik sa ayos ang kanyang isipan. Wala sa sariling dinampot niya ang unan at inamoy iyon. Nalanghap niya ang pabangong palaging ginagamit ng dalaga. Pakiramdam niya’y bigla siyang nakaramdam ng kapanatagan. Pagkatapos ay agad siyang tumayo at isinara ang pinto ng kuwarto. Dinampot niya ang card key at mabilis na lumabas ng condo. Nagpasya siyang panatilihin ang condo ni Yza. Hindi niya hahayaang may ibang gumamit niyon. Sa halip, siya ang matutulog doon kapag gusto niyang mapag-isa… upang walang mang-abala sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
601.3K
bc

The Ex-wife

read
241.6K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
91.6K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
61.8K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
119.0K
bc

Worth The Wait

read
204.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook