Kabanata 3

577 Words
"Huli na ang lahat para sayo Santiago. Paalam Santiago..." Nagtagumpay siya sa pagtulak sa akin upang mahulog at makabitaw. Wala akong nagawa kung hindi ang pagmasdan siya habang ako ay nahuhulog. Agad din siyang umalis at hindi na sumilip pa, marahil ay ganun siya kasigurado na hindi ako makakaligtas sa aking pagbagsak mula sa mataas na palapag. Lumagapak ang aking katawan sa semento sa labas ng gusali. Nagsigawan ang mga tao na nakasaksi sa aking pagkahulog. Nagsimula magkumpulan ang mga tao sa akin at aking naririnig ang kanilang mga bulungan. "Tumawag kayo ng doktor!" "Kaawa-awa naman ang binatilyong ito" "Teka- hindi ba si Nathan Santiago ito?" "Dalian ninyo ang pagtawag sa ambulansya!" "Siya diba yung sikat na milyonaryo?" Wala man lang akong lakas upang igalaw ang aking sarili. Hindi ko maigalaw ang aking mga braso, kamay, at binti. Ramdam ko ang sakit at ang paglabas ng dugo sa aking katawan. Ito na nga marahil ang aking katapusan. Sa kabila ng aking pagsisikap mamamatay lang din pala ako ng maaga.  Tanging ang aking mata at tenga ang nagsilbing paraan sakin upang ma obserbahan ko ang aking paligid. Nais ng pumikit ng aking mata pero hindi pwede na mamatay ako. Ayaw kong pumikit at alam ko na kailangan manatiling mulat ako hanggang sa dumating ang tulong mula sa mga doktor. Sa pinto ng gusali ay nakita ko ang lalakeng nagtangka sa aking buhay. Nakasumbrero, naka mask, at naka hoodie na lalake. Lumapit siya upang tingnan ako kung ako ba ay patay na. Nais kong sumigaw at sabihin sa mga tao na siya ang may kagagawan nito ngunit wala na akong kakayahan na magsalita.   Tumalikod na siya at tangkang papaalis na. Teka! Huwag kang umalis! Hindi ka pwedeng umalis! Magbabayad ka pa sa kasalanan mo! Wala man lang akong nagawa kung hindi pagmasdan ang kanyang paglayo habang nakahandusay ang duguan kong katawan sa kalsada. Nais ng pumikit ng aking mga mata. Nagsimula ng dumilim ang aking paningin at tanging ingay na lang ng tao ang aking naririnig. Ito na siguro ang aking kamatayan. Magbabayad ka sa ginawa mo sa akin. Hindi magtatapos ang lahat ng ito dito! Hindi maaari! Pagbabayarin kita! Kailangan ko ng hustisya! "Magbabayad ka!" sigaw ko. Napahawak ako sa aking leeg dahil sa aking pagkabigla na may tinig na lumabas mula sa aking mga labi. "Magbabayad ka..." bulong ko sa hangin. Sa aking pagmulat ako ay nasa ospital. Wala na akong matandaan pagkatapos kong pumikit at mawalan ng malay.  Ligtas ako, buhay ako... Maswerte na ako ay buhay pa rin hanggang ngayon. Kailangan kong bigyan ng pabuya ang mga tao na tumulong sa akin bilang pasasalamat sa kanila. Biglang bumukas ang pinto at isang lalake na hindi ko kilala ang dali daling nagbukas nito. Nang ako ay kanyang makita siya ay halos maluha at bakas sa kanyang mukha ang labis na pag aalala. Niyakap niya ako ng mahigpit sabay sabi "Buti naman gising ka na. Pinag alala mo ako ng sobra"   Hindi ko kilala kung sino siya kung kaya't hindi ko man lang magawa na yakapin siya pabalik. Wala akong kilala na lalakeng tulad niya sa buong buhay ko. "Ipangako mo sa amin na hindi mo na kami pag aalalahanin. Mahal na mahal ka namin Marcus" banggit niya. Marcus? Tinawag niya akong Marcus... Napatingin ako sa salamin na nasa aking gilid at doon ko nasaksihan ang aking anyo. Isang anyo na hindi pamilyar sa akin, isang katauhan ng binatilyo na hindi ko kilala na nag ngangalang Marcus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD