bc

Solving My Own Death

book_age16+
10
FOLLOW
1K
READ
boss
serious
mystery
brilliant
genius
expert
detective
realistic earth
crime
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Rise From The Ashes: King from Nobody

Matapos ang lahat ng pagsisikap at pagtitiyaga, nakamit ni Nathan ang kanyang hangarin at ambisyon sa buhay. Si Nathan ay isa sa mga pinaka magaling na detective at kilalang milyonaryo sa Pilipinas. Hindi na naging bago sa kanya ang bumangga ng mga malalaking tao na taliwas sa batas kung kaya’t ang mga tangka sa kanyang buhay ay di na nakapagbibigay ng takot sa kanya. Isang araw ay nakatanggap siya muli ng banta sa kanyang buhay ngunit ito ay kaniyang di sineryoso at isinawalang bahala. Isang pangyayari ang di inaasahang tumapos sa buhay ni Nathan at bago pa man ito maisugod sa ospital ay binawian na ito ng buhay. Di niya inaasahan na siya ay muling mabubuhay sa katawan ng isang binatilyo na ang pangalan ay Marcus. Si Marcus ay isang lalakeng walang diskarte sa buhay, mahirap, at baon sa utang. Ang pagkamatay ni Nathan ay naging mainit sa publiko at naibalita na si Nathan ay nagpatiwakal ngunit alam ni Nathan na ito ay planado at may nagtangka sa kanyang buhay. Sa pamamagitan ng bagong buhay na pinagkaloob sa kanya sa katauhan ni Marcus, nais niyang alamin at bigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay sa nakaraang buhay.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"Ayusin mo yang tono mo Nathan baka nakakalimutan mo kung sino mga kinakalaban mo" "Baka mag malay ka nakahandusay na iyang duguan mong katawan sa tabing kalye o kaya naman ay lumulutang na lang ang katawan mo sa ilog" "Huwag mo akong subukan Nathan..."  Napahawak na lang ako sa aking ulo habang binabasa ang mga bagong mensahe sa aking email mula sa isang tao na hindi ko kilala. Lumapit sa akin ang aking ka trabaho upang bigyan ako ng kape. "Ayos ka lang ba?" tanong nito sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at pasimpleng tumawa. Marahil ay alam na niya ang dahilan ng aking pagtawa. Sumilip siya sa aking computer at binasa ang mga email. "May nagbigay na naman pala sayo ng mga banta. Kailan ba titigil ang mga iyan sa pagbatikos sayo?" Napakamot na lang ako sa aking ulo dahil sa totoo lang kahit ako ay di maintindihan kung bakit may mga taong magagalit sa akin ng dahil sa mas pinili kong maging tapat at mag serbisyo ng ayos sa aking trabaho. "Wala naman akong magagawa kung gusto nila magalit sakin. Hindi ko naman ikamamatay ang pagbibigay nila ng banta. Limang taon na ako sa trabahong ito at halos lahat naman ng nagbigay sakin ng banta ay hanggang banta lang" banggit ko. "Grabe talaga boss. Wala ka talagang takot sa mga taong katulad nila. Talagang ikaw nga si Nathan Santiago"  Nathan Santiago, isang pangalan ng lalakeng sinasabi nila na maswerte sa buhay. Pero sa kabila ng swerte sa buhay ang naging pundasyon ko ay tiyaga, sipag, at talino upang makamit ang kung anong meron ako ngayon. Lahat ng taon na aking ginugol sa pagsisikap ay nagbunga at naging kilala akong detective at milyonaryo sa Manila. "Boss uwi na siguro ako. Masyado na yata akong over time at tyaka hanap na din siguro ako ng Misis ko" sabi nito habang tinitingnan ang oras sa kaniyang relo. "Naku ma 11:00 pm na pala!" Kumaway siya sa akin bago lumabas ng opisina. Nakakatuwa ang mga katulad niya na nagtatrabaho dito sa aking opisina.   Tumayo ako sa may harap ng aking malaking bintana sa opisina kung saan tanaw ko ang iba't ibang gusali na nagpapagandahan ng ilaw at nagpapalakihan. Nagsimulang umulan at ramdam ko ang biglang paglamig ng hangin. Narinig ko ang dahan-dahan na pagbukas ng pinto sa aking opisina. Hindi ko na ito sinilip dahil marahil ito ay ang aking katrabaho na bumalik para kumuha ng payong. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at patuloy na pinagmasdan ang ganda ng tanawin. Ngunit ang nakapagtataka imbis na yapak na palayo upang lumabas ng opisina ang aking marinig ay tila ba ang mga ito ay papalapit sa akin.  "Kamusta Nathan Santiago?" sambit nito.  Dali-dali akong humarap para tingnan kung sino ito ngunit sa aking pagharap ay sinakal ako nito gamit ang makapal na goma na naging dahilan para mahirapan akong huminga. May takip ang kaniyang mukha, nakasuot ng sumbrero at naka jacket. Tanging ang kaniyang mata na may balak pumatay ang aking nakikita. "Masyado ka kasing pakilamero, hindi ka marunong tumahimik! Diba sabi ko sayo bawas-bawasan mo pagiging matapang mo? Paano yan mukhang wala ka yatang kalaban laban sa akin ngayon? " Ang tanging nagagawa ko lamang ay hawakan ang kanyang braso at subukang alisin ang kanyang pagkakasakal sa akin. Nagsisimula na akong kapusin ng hinga at magdilim ang paningin. Ang tanging naririnig ko na lamang ay ang kanyang halakhak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
81.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
183.3K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.1K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.7K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
53.5K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook