Kabanata 2

572 Words
"Hanggang diyan lang ba ang kaya mo Santiago? Sumagot ka. Hanggang diyan na lang ba kaya mo? Bakit hindi ka makalaban? Sagot!"  Mas lalo pa nitong hinigpitan ang kanyang pagkakasakal sa akin. Kung sinilip ko lang sana ang pintuan kanina marahil ay kahit papaano ay may laban ako sa kaniya. "Ang mahirap kasi sayo Nathan hindi ka marunong sumunod. Hindi ka marunong tumahimik. Kahit na alukin ka ng pera ay napaka hirap mong pakiusapan" banggit nito. Madami ng nag subok umalok ng pera sa akin ngunit kahit isa ay wala akong tinanggap. Mananatili akong tapat at malinis sa aking trabaho. "S-sino k-a ba?" tanong ko sa kaniya. Mas lalo niyang pinanggigilan ako dahil sa aking tanong. "Nang iinsulto ka ba Santiago? Marahil nga ay di mo ako kilala. Dahil sa dami na ng taong binagga mo, hindi mo na kilala kung sino ang aatake sayo. Nakakaawa kang nilalang Santiago" "Nathan, huwag kang umasta na ikaw ang batas at kaya mong iligtas ang lahat" "Kung magsalita ka akala mo kung sino kang tama ah" "Di mo kilala binabangga mo Nathan..." "Milyonaryo ka pero baka nakakalimutan mo na milyonaryo din kaming mga kaaway mo" Bigla kong naalala ang mga pahayag ng mga tao na kailan man ay hindi ko nakilala na labis ang galit sa akin. Hindi siya nagkakamali sa kanyang sinabi na sa dami kong binangga ay hindi ko na kilala ang mga taong maaaring magpahamak sa buhay ko. Pilit kong kinakapa ang aking mesa upang makahanap ng bagay na maaari kong ihampas sa kanyang ulo ngunit bago pa yata ako makahanap ng bagay na aking magagamit ay mauubos na ang aking hininga. "Manlalaban ka pa ba Santiago? Dalian mo dahil baka mawalan ka na ng hininga" Tinitigan ko siya ng masama at hinigpitan ang kapit sa kaniyang mga braso. "Kahit kamatayan ay hindi ako mapipigilan sa paghahanap sayo. Sinasabi ko na sayo ngayon na pagbabayaran mo ang ginagawa mo sa akin" banggit ko. "HAHAHHAHHA hoy Nathan Santiago! Baka nakakalimutan mo na hawak ko ang buhay mo ngayon. Anong magagawa mo kapag namatay ka na ngayon? Magiging isa ka na lang malamig na bangkay na ibabaon sa ilalim ng lupa. Kapag wala ka na edi magiging laganap na kami dito sa Manila"  Habang sinasakal niya ako ay tinulak nito ang sliding door sa aking opisina at pilit niyang tinutulak ako upang mahulog sa terrace ng aking opisina. Walang awa, masamang nilalang, at halang ang bituka ang lalakeng ito.  "Gaano na nga kataas ang Gusaling ito? Gaano ba tayo kalayo sa baba? 9 na palapag o 13 na palapag? HAHAHAH di ko na siguro kailangan na tanungin dahil mamamatay ka na din naman ngayon" Siguradong walang ligtas ako kung sakaling mahulog ako mula sa palapag na ito. Sa dami ng laban na aking hinarap mukhang dito lamang ako matatalo. Hanggang dito na lang ba talaga ang buhay ko? Imbis na hawakan ang kanyang braso at pilitin na tanggalin ang mga ito sa pangsasakal sa akin, wala akong nagawa kung hindi humawak sa mga bakal na aking nasasandalan upang pigilan ang aking sarili sa tangka niyang panghuhulog sa akin. "Hindi ka man mahulog kung patuloy mong gagawin yan mauubusan ka naman ng hininga" Lalo nitong hinigpitan ang pagsakal sa aking leeg na naging dahilan ng aking pagkaubo ng dugo at pagbitaw sa bakal na aking kinakapitan. Napahawak ako sa kanyang braso at napatingin sa kanyang mata. "Huli na ang lahat para sayo Santiago. Paalam Santiago..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD