Napabuga ng hangin si Derrick. Habang nagpe-present kasi ang kaibigan na si Stanley ay nakatitig lang ito kay Anna na abalang sinusulat ang minutes ng nagaganap na meeting.
Nang hindi nakatiis si Derrick, sinupla niya ang kaibigan.
“Focus on your presentation Stanley!” namumulang sita ni Derrick sa kaibigan. Naningkit ang mata ng binata nang nginitian lang siya nito at kinindatan si Anna.
Sa inis, binagsak ni Derrick ang makapal na bunton ng papeles sa lamesa at tumayo. “This meeting is adjourned! Anna, come to my office right now!” Tumalikod si Derrick at napasinghap ang mga ka-meeting.
Dali-daling sumunod si Anna habang kipkip ang kanyang writing tablet. Hindi niya kinalimutang isulat lahat at i-save at baka ipabasa sa kanya ng amo at wala siyang masagot ay lagot talaga siya.
Nakasunod ang dalaga sa kanyang amo na namumula sa inis sa kaibigan. “Close the door behind you!” anito sa dalaga.
Sinunod naman ni Anna ang instruction ng amo, kaya sinara niya ang pinto pagkapasok sa opisina nito.
“Do you know what you just did in my meeting?” Namumula si Derrick at nag-igtingan ang kanyang mga ugat sa leeg. Halos dumagundong ang boses niya sa loob ng kanyang opisina pero nanatiling kalmado si Anna.
“I took down notes in the meeting. Meron pa po ba akong ginawa na iba, Sir?” anang dalaga. Alam niya ang tinutumbok ng amo pero patay-malisya lang siya.
Napatingala si Derrick sa pagiging piliosopo ng sekretarya. Kung lalaki lang ito ay baka nasuntok na niya ito. Bumuntong-hininga muna siya at pilit na hinahamig ang sarili pero naiinis talaga siya.
“It is because of your goddamn uniform that’s why they are distracted!” bulyaw niya sa dalaga. Tumayo si Derrick at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng dalaga. Hantad ang kalahati ng mapuputi at mahahaba nitong hita kaya distracted si Stanley.
“Hindi ko naman kasalanan kung ganito ang design ng uniform, Sir. Aba. nanahimik iyang long legs ko. Hindi naman inaano ang kaibigan ninyo,” asik ni Anna.
“Can you just shut up!” nangagalaiting asik ni Derrick.
“Wala akong kasalanan! At bakit ako magshu-shut up! Hindi ko kasalanan kung manyakis ang kaibigan mo Sir Derrick!” gigil na rin na saad ni Anna.
“Out!” Kaagad na tinuro ni Derrick ang pinto.
Walang lingon likod na umalis si Anna sa opisina ng amo. Binagsak niya ang pinto nang lumabas siya at nakita pa niya kung paano nagulat ang kanyang amo.
“Hmp! Akala ko naman kung ano na! Aba, kasalanan ko ba kung manyakis ang kaibigan niya!” Nagmamaktol si Anna habang abala naman niyang pini-print ang minutes ng meeting at i-file iyon sa isang folder. Kabilin-bilinan ng kanyang pinalitang sekretarya na gawin iyon dahil madalas na nagre-review ang kanilang amo sa mga minutes ng meeting.
“Hi, Anna!” Malaki ang ngisi ni Stanley habang nakatingin sa mga hita ni Anna. Hindi nakatiis ang dalaga at tumayo na siya at lumabas sa kanyang cubicle. Naglakad siya palabas sa opisina para sana pumunta ng CR ngunit hinawakan ni Stanley ang kanyang braso.
“Sandali, huwag mo naman akong iwasan. Alam mo ba na type na type ko ang mga katulad mong maganda at sexy?” Parang asong ulol na pinasadahan nito ang kabuuan ng dalaga. Kaya, padaskol na binawi ng dalaga ang kanyang braso. Nilapitan niya ang lalaki at binulungan.
“Alam mo ba Sir? Nang dahil sa iyo ay sinigaw-sigawan ako ng amo ko ng walang dahilan? Alam mo kung ano ang gusto kong gawin ngayon? Gusto kong dukutin iyang bayag mo at ipakain sa buwaya, letse ka!” Nginitian ni Anna si Stanley bago tinapik ang balikat nito at umalis.
Samantala, nagtaka si Derrick kung ano ang binulong ng sekretarya sa kaibigan at namutla na lang bigla si Stanley. Nilapitan niya ang kaibigan at kung hindi pa niya pinitik ang ilong nito ay hindi siya nito napansin.
“Hoy! Mukhang kang naengkanto, gago!” Imbes na maasar sa kaibigan na siyang dahilan ng init ng ulo ay natawa siya sa itsura nito matapos bulungan ni Anna.
“Pare, ayoko na pagtripan ang sekretarya mo! Nakakatakot pala ang isang iyon!” Napailing si Stanley at hinamig ang sarili. Ngayon lang siya nakaengkwentro ng babaeng tinakot siyang ipakain ang bayag niya sa buwaya.
“What did she do?” amused na tanong ni Derrick.
“Nagalit siya dahil pinagalitan mo raw siya kaya pinagbantaan ako na dudukutin ang bayag ko.” Napangiwi si Stanley sa huli niyang sinabi.
Sukat sa narinig ay humagalpak ng tawa si Derrick. Nalusaw bigla ang inis niya sa kaibigan at bumilib siya sa tapang ng sekretarya. Sumakit na ang kanyang tagiliran sa pagtawa pero umaalpas pa rin ang pananaka-naka niyang pagtawa dahil sa kagagawan ni Anna.
“Iyan, masyado ka kasing mahilig. Hindi mo inakala na tatakutin ka ni Anna ano? Ako nga binagsakan ng pinto at sinagot ako ng pabalang.” Napailing si Derrick sa ugali ng sekretarya.
“Sorry na Pare. Wala nga naman siyang kasalanan at ginagawa lang niya ang trabaho niya. Ako itong sinaniban ng kamanyakan ko at nasilaw sa long legs niya.” Napahawak si Stanley sa kanyang baba at nabigla siya ng hampasin ng kaibigan.
“Manyak ka talaga, Pare. See? You are having a boner!” Napailing si Derrick sa kaibigan.
********
Samantala, babalik na sana si Anna sa kanyang cubicle pero nagtsitsismisan pa ang amo at ang kaibigan nitong manyakis. Naglakad siya ng marahan na halos hindi namalayan ng dalawa na naroon na siya. Awtomatiko naman na pumasok ang mga ito sa opisina ng kanyang amo. Kaya, nagtimpla siya ng kape para sa dalawa. Bitbit ang tray, kumatok siya at binuksan ang pinto ng opisina ng amo. Tahimik ang dalawa at nanlaki ang mga mata ng dalawa.
“Magkape po muna kayo mga Sir, habang pinag-uusapan ako.” Buong tamis na nginitian ni Anna ang dalawa na namilog ang mga butas ng ilong. Pakendeng-kendeng na naglakad palabas ng opisina. Kinindatan niya ang dalawa bago lumabas ng silid.
*******
Buong hapon na inabala ni Anna ang sarili. Dahil unang araw niya sa trabaho, inuna niya ang pagsasaayos ng mga nakaschedule na apppointment ng amo. Hindi niya namalayan na alas singko na pala at nang tumunog na ang kanyang alarm sa cellpone, napukaw ang kanyang atensyon.
In-off na niya ang kanyang computer at inayos ang kanyang mga gamit para umakyat na sa kanyang penthouse. Bitbit ang kanyang canvass bag, lumabas na siya ng opisina. Sumakay siya sa elevator at ilang sandali pa, naroon na siya sa penthouse. Kaagad niyang hinubad ang kanyang sapatos at inilagay iyon sa shoe rack. Itinaas muna niya ang kanyang mga paa habang nakahiga sa sofa. Nang mainitan siya, hinubad niya ng kanyang coat at pinikt ang kanyang mga mata.
Samantala, may itatanong pa sana si Derrick sa kanyang sekretarya ngunit alas singko y medya na pala. Bakante na ang cubicle nito at malamang ay umakyat na ito sa penthouse na nagsisilbing tirahan nito. Dina-dial niya ang numero nito sa cellphone pero hindi naman sinasagot ni Anna ang kanyang tawag.
Bitbit ang access card, umakyat sa penthouse si Derrick para na rin kumustahin ito kung okay ito sa accomodation nito. Nag-doorbell na siya ng tatlong beses pero hindi pa rin siya pinagbubuksan ng pinto kaya binuksan niya ang penthouse gamit ang penthouse. Tahimik ang kabuuan ng penthouse at paglingon niya sa sala ay naroon sa sofa si Anna na nakaangat ang mga binti at tulog.
Napailing na lang si Derrick. Kaya pala hindi sinasagot nito ang tawag niya dahil naidlip ito. Kung sabagay naman ay nakita niya kung gaano nito sinubsub ang sarili sa trabaho. Kitang-kita niya iyon sa CCTV na tanging siya ang may access. Tanging coffee break lang ang pahinga nito at tuwing nagbabanyo. Hindi pala nagkamali ang kanyang Lolo Vicente na ito ang ipalit sa kanyang sekretarya. Kahit matapang ito, maayos naman magtrabaho.
Lumapit siya sa tulog-mantika na si Anna. Siya namang paggalaw nito at nalislis ang suot nitong uniform. Napalunok si Derrick nang makita ang mapuputi at mahahabang hita nito. Biglang nag-iinit ang kanyang pakiramdam. Namilog ang kanyang mata nang maramdaman ang pagsaludo ng kanyang sandata na parang nakakita ng watawat.
F**K! sigaw ng utak ng binata. Tatalikod na sana siya nang magising ang dalaga. Hindi man lang ito nabigla sa kanyang presensya at mas lalong namilog ang mata ni Derrick nang masilayan ang cleavage ng sekretarya sa malapitan. S**T! mura niya sa kanyang sarili. Tuluyan na siyang tumalikod at nagsalita.
“Ayusin mo muna ang sarili mo at may sadya ako sa inyo na importante,” kunwari ay malamig na saad niya sa dalaga. Nagtungo siya sa kusina at uminom ng malamig na tubig buhat sa water dispenser. Nakadalawang baso na siya ng tubig pero hindi pa rin humuhupa ang init na nararamdaman.
Halos mabitawan ni Derrick ang basong hawak nang maramdaman ang presensya ni Anna sa kanyang likuran. Kagaya niya, kumuha ito ng baso at nagsalin ng tubig. Napaawang ang labi ni Derrick nang pagmasdan niya kung paano unti-unting lagukin ng dalaga ang laman ng baso nito. Nanunuyo ang kanyang lalamunan at biglang uminit ang kanyang pakiramdam. Para siyang sinisilaban na kung ano kaya minabuti niyang luwagan ang kanyang kurbata.
“Ahh,” anas ni Anna. Kanina pa niya napapansin ang kakaibang kilos ng kanyang amo. Kaya, umandar ang kalokohan niya. Sa gagawin niya ay tiyak may lalaking sasakit ang puson. Kanina pa niya napapansin ang nakaumbok sa slacks ng amo. Napakagat siya ng labi lalo at alam niyang mga pinagpala ang mga Valderama sa aspetong iyon. Nilapitan niya si Derrick at kiniskis niya ang kanyang dibdib sa braso nito nang kunwari ay napadaan siya pabalik sa sala.
Hindi na nakapagtimpi pa ang binata at dali-dali niyang inagaw ang hawak na baso ng dalaga at nilapag iyon sa kalapit na lamesa. Sinunggaban niya si Anna at sinibasib ng marubrob na halik ang labi ng kanyang sekretarya. Ni hindi nakagalaw ang dalaga sa pagkabigla lalo na nang iangat niya ang palda nito at hinawakan ang kaselanan ni Anna. Nalunod ang pagsinghap ng dalaga dahil sa knayang halik. Mas lumalim ang kanyang halik at tila matamis na kendi na sinipsip niya ang labi nito.
“Anong kabulastughan ito, Derrick?” Dumagundong ang boses ni Don Vicente sa kabuuan ng penthouse.