MSME5: Nakaraan

1143 Words
Natauhan kaagad si Derrick sa sinabing iyon ni Anna. Tila wala sa sarili na lumabas sa penthouse sa sobrang pagkapahiya niya sa inasal. “Moron!” sermon niya sa sarili. Napasabunot siya sa kanyang buhok at na napiga niya ng mariin ang kanyang tainga. Para siyang isang lalaking tigang na kung tutuusin ay palagi naman sila nagkikita ng kanyang nobya na si Chelsea at madalas silang nagsasalo sa mainit na sandali. Naalala niya bigla ang nobya at dali-dali niyang tinipa ang kanyang cellphone para tawagan ito. Kanina pa siya naghihintay kung kailan muling aakyat ang elevator pero sadyang busy nang mga oras na iyon. Nag-ring na ang cellphone nito ngunit hindi man lang nito sinasagot hanggang maging unattended na ito. Nagtataka si Derrick kung bakit ayaw sagutin ng nobya ang cellphone nito. Kaya, sumakay na muna siya ng elevator para bumaba sa building. Nang tumunog na ang prompt at bumukas ang pinto ng elevator ay naroon na si Mang Lito na nakaantabay sa kanya. “Manong Lito sa condo tayo ni Chelsea,” ani Derrick sa tauhan. Nagulat pa siya nang napakamot sa ulo ang tauhan. Kaya, umangat ang kilay ni Derrick at hinintay na magsalita ito. “Eh, Sir pasensya na po at mahigpit ang bilin ng Don Vicente na ihahatid ko po kayo kaagad sa inyong bahay at doon siya matutulog. Hihintayin daw po kayo at may pag-uusapan kayong importante.” Napayuko ulit si Lito matapos sabihin ang bilin ng matandang amo. “What? Hindi naman nag-text si Lolo sa akin!” Kunot-noong saad ni Derrick ngunit na napatda siya nang tingnan ang cellphone. Mayroong tatlong text message at pawang galing iyon sa kanyang abuelo. Nang basahin niya iyon ay tama nga ang sinabi ng tauhan. Kailangan na niyang umuwi at malamang na tatalakayin na naman nito ang kasal na binanggit nito kanina. Sumakay na siya sa sasakyan at kaagad iyong pinaharurot ni Mang Lito. Muling nagbalik sa kanyang alaala na ayaw na sana niyang balikan. Five years ago Fiesta sa San Joaquin, ang bayan kung saan matatagpuan ang Hacienda Valderama at naimbitahan ang lahat ng mga kilalang pamilya sa lugar nila. Isa na roon ay ang pamilya Cadena na kinaiinisan ni Derrick dahil sa pangungulit ni Callista sa kanya. Ayaw na ayaw niya sa ginang lalo na at ipinangangalandakan nito na magiging asawa ng binata ang anak nitong si Callista. Nagkakatuwaan pa sina Derrick at magpipinsan kasama ang mga kaibigan na galing pa ng Maynila sa likod bahay. Ayaw kasi makihalo ni Derrick sa mga bisita ng abuelo lalo at ang pakay lang ng mga ito ay ireto sa mga anak nilang dalaga na wala naman siyang gusto ni isa dahil may nobya naman siya, si Chelsea. Nang lumalim na ang gabi ay isa-isa ng natulog ang mga bisita ni Derrick sa guestroom. Nagtataka siya kung bakit hindi pa rin nauuwi ang mag-inang Cadena. Umakyat na rin siya sa kanyang silid dahil pagod na siya sa maghapon na inuman. Nagulantang ang lahat nang kinabukasan ay may sumigaw sa kwarto ni Derrick. Ang isa sa mga tumulong sa handaan na dalagita ang inutusan ng matandang Valderama na katukin na ang kwarto ni Derrick. Nang hindi man lang bumukas ang pinto ay pinihit iyon ng dalagita. Nabungaran kaagad nito ang hubad na si Derrick na may katabing hubad na babae. Hindi napigil ng dalagita na mapatili na siyang dahilan para maalarma ang lahat at dali-daling tinungo ang kwarto ni Derrick. Hubad din pala si Callista na naroon katabi ni Derrick. Ang binata ay naalimpungatan sa lakas ng tili ng dalagita at huli na para pagtakpan ang eksenang iyon dahil naroon na ang abuelo ng binata at ang ina ni Callista. “Kailangan mong panagutan ang anak ko!” iyon lang ang salitang paulit-ulit na umikilkil sa kukote ni Derrick. Kahit anong pilit ni Derrick kay Callista na magpasuri sa clinic ay hindi pumayag ang mga Cadena. Pinagpilitan ng mga ito na pakasalan ni Derrick ang dalaga. At dahil nakataya ang reputasyon ng mga Valderama ay napilit ni Don Vicente ang apo na pakasalan ni Derrick si Callista. Nagbunyi ang mga Cadena dahil sa wakas ay napasakanila na ang isa sa tagapagmana ng mga Valderama. Pero, dahil tuso si Don Vicente ay hindi nakuha ng mga ito ang gusto sa kanila. Binigyan niya ng kondisyon na kung sa loob ng dalawang taon ay hindi pa rin magkaanak ang mag-asawa ay malaya si Derrick na ipa-annul ang kanilang kasal. Iyon nga ang naganap dahil ni minsan sa dalawang taon ay hindi man klang nakuhang tabihan sa pagtulog ang asawa na si Callista. Kahit na binago na nito ang makalumang pananamit at naging kaakit-akit ito ngunit ni hindi man lang nagawang sipingan ni Derrick si Callista. Sa annulment proceeding ay non-consumnation of marriage ang nilagay na grounds ni Derrick at doon nila nabisto ang panloloko ng kanyang asawa. Birhen pa rin si Callista kaya nalaman nila na plano pala iyon ng mga Cadena dahil pabagsak na ang mga kabuhayan ng mga ito kaya naisipan na pikutin si Derrick. Magalit man sa dalawang taon na naaksaya sa buhay niya at sa lamat na nagawa sa relasyon nila ni Chelsea ay nagpasalamat pa rin si Derrick dahil muli niyang nasungkit ang matamis na oo ng dating nobya. Huminto ang kanilang sasakyan at nagbalik ang isip ni Derrick sa kasalukuyan. Nasa harap na sila ng higanteng pamamahay ng kanya abuelo. Dito ito namamalgai kapag nasa Maynila ito. Siya ay may sariling condo naman na regalo sa kanya ng abuelo limang taon na ang nakakaraan. Pakonswelo nito sa pagkakasayang ng dalawang taon niya sa piling ni Callista. Bumaba na siya sa sasakyan at nakasunod kay Mang Lito. Doon namamalagi ang matapat na tauhan ng abuelo. Kung katapatan din lang ang pag-uusapan ay isa na si Mang Lito sa masasabi niyang numero Uno. Binatilyo pa lang siya ay kasama na niya ang tauhan na noon ay nakokonsumi sa kakasunod sa kanya. Bumukas ang main door at mula roon ay lumabas ang kanyang abuelo. nagmano kaagad si Derrick dito at naglakad kaagad papasok ng bahay. Umupo na ang abuelo sa paborito nitong upuan at naktayo lang si Derrick habang hinihintay ang sasabihin nito. “Alas nueve ang kasal bukas at sa opisina mo magaganap ang seremonyas. Pagkatapos noon ay ikaw na ang bahala sa buhay mo. Pero, ngayon iba ang kondisyones ko. Dapat magkaroon ka ng tagapagmana sa loob lang ng isang taon kung hindi ay mapupunta kay Dustin ang kalahati ng mamanahin mo. Kung gusto mong makuha ang buo mong mana, sundin mo ang gusto ko!” Tumikhim si Don Vicente at hinay-hinay na naglakad paakyat sa kanyang kwarto. Alam niyang nagiging masyado na siyang pakialamero sa buhay ng apo pero hindi niya nagustuhan ang nalaman sa kasintahan ng apo ngayon na si Chelsea. Buti na lang at may rason siya na ipagpilitan na ipakasal si Derrick sa sekretarya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD