CHAPTER THIRTEEN: Going to Paris

1658 Words
-=Arnold's Point of View=- Finally! After so may trials ang aloof na si Jake Angelo ay kaibigan ko na! Napuyat talaga ako sa kakahanap ko sa online accounts, pero mukhang wala talaga itong f*******: account. Nabanggit nito sa akin na may pasok ito ngayon kaya naman nagdecide akong puntahan ito mamaya sa trabaho nito, nagdecide akong pag-out na lang niya ito puntahan, ayoko naman makaistorbo sa trabaho niya, at baka mapagalitan pa siya ng manager nila. Bakit pakiramdam ko sobrang bagal ng oras ngayon, nagising ako ng ten at natapos na din akong mag almusal, nakaligo na nga ako at nakapagtoothbrush na din ako pero nang tignan ko ang oras ay eleven pa lang. Minabuti kong linisin na lang ang buong condo unit ko, natapos ako ang paglilinis sa loob lamang ng dalawang oras. Ala una pa lang nang tignan ko na naman ang oras. Medyo wala pa akong ganang kumain kaya naman nagdecide na lang ako manood ng TV. Sakto naman Eat Bulaga. Bahagyang nawala ang pagkayamot ko nag makita ko ang JOWAPAO. Finally two pm na kaya naman agad kong tinurn off ang TV ko, at nagmamadali akong naligo at nagtoothbrush. Pumili na din ako nang susuotin ko at napili ko nga ang blue checkered long slleve na tinernuhan ko naman ng gray semi skinny pants, at grey sneakers, nagpabango na din ako ng paborito kong CK1, katulad kahapon ay sinipat ko muna ang sarili ko, napangiti na lang ako nang makita ko ang reflection ko sa salamin. Muli kong ginamit ang black audi ko, at ilang sandali nga lang ay nagdadrive na ako papuntang SM North. Naisipan ko kasing ayain naman itong manood ng sine. Napaisip naman ako kung ano bang movie ang magandang panoodin ngayon, hindi ko nga sigurado kung anong klase nang movie ang gusto nito. Nasa ganoon akong pag-iisip nang bigla naman magring ang cellphone, agad ko naman sinagot iyon nang makita ko ang pangalan ni Mommy na nakaregister sa screen. "Nasaan ka ngayon Arnold?" narinig kong bungad nito. "Papunta po ako ngayon sa mall, what's up?" tanong ko dito, nanatiling tutok ang mga mata ko sa kalsada. "I need you to go home now, something urgent came up." seryoso naman nitong sinabi, bigla tuloy akong kinabahan sa paraan ng pagkakasabi nito, dahil ibig sabihin ay importante kung bakit ako nito pinapauwi. Mabigat man sa loob ay nilagpasan ko ang SM North, kung kailan malapit ko nang makita si Jake saka naman ako papauwiin ni Mom. Habang nasa biyahe, ay patuloy pa din ako sa pag-iisip kung anong maaring importanteng dahilan ang gustong sabihin sa akin ni Mommy, ngunit kahit anong isip ko ay walang pumapasok na ideya sa akin, hanggang sa makarating nga ako sa subdivision kung saan nakatayo ang bahay namin. Agad akong bumusina at ilang sandali lang ay pinagbuksan na ako ng gate ng guard namin. Pinark ko lang ang kotse ko katabi ng Porsche ni Mommy "Mom?" tawag ko dito pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob. "I'm here in my room!" narinig ko naman na sigaw nito sa second floor, kaya naman agad ko itong pinuntahan. Naabutan ko naman siyang nakaupo sa gilid ng kama nito, mukhang hinihintay talaga ako nito, mas lalo akong kinabahan nang makita kong seryosong seryoso itong nakatingin sa akin, minuwestra nitong umupo ako sa couch na nasa bandang kanan nito. "May problema po ba?" naguguluhan tanong ko, nakakunot noo ako habang nakatingin dito ng diretso. Isang malalim na paghinga ang ginawa nito na tila na tinatanya nito ang gusto nitong sabihin, na mas lalong nagpatindi ng kaba ko. "Arnold anak, alam mo naman na mahal na mahal kita, at gusto ko lang ay ang makakabuti sayo, hindi ba?" paninimula nito, hindi nakatulong ang sinabi nito para pakalmahin ang nararamdaman ko bagkus ay mas lalo pa iyong nadagdagan, minabuti ko na lang na patapusin itong magsalita. "Mahirap para sa akin ang sabihin ito sayo at sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula." pagpapatuloy nito. Parang sasabog na ang dibdib ko sa kaba, lalo na't ayaw pa akong diretsuhin nito kung ano ba talaga ang importante kong malaman. I was about to speak nang muli itong magpatuloy. "I'm sorry Arnold, pero para sa ikakabuti ng future mo, nagdecide akong pag-aralin ka sa Paris." talaga naman na nabigla ako sa sinabi nito, bigla akong natulala habang nakatingin dito, nablangko ang isip ko kaya naman hindi ako agad nakapagsalita. "You... can't, I mean I ...I can't, I can't go to Paris, I don't want to go to Paris." sa sobrang gulat ay hirap na hirap akong magcompose ng sentence. Hindi ako makapaniwala na after all my effort para maging kaibigan si Jake ay mawawalan lang pala ng saysay ang mga paghihirap kong iyon, hindi kayo papayag na mag-aral sa Paris, hindi ako aalis sa Pilipinas. Please tell me this is just a bad dream. "I'm sorry Arnold, pero nakapagdecide na ako naipasa ko na din ang lahat ng requirements mo para matransfer ka sa school sa Paris. Don't worry dahil magandang school lilipatan mo doon." walang kakurap kurap nitong sinabi. "Imposible ang lahat ng ito." sa loob loob ko, hindi ko matatanggap ang gustong mangyari ni Mom. "As of today, you are no longer a student of that university, nawithdraw ka na namin sa university at alam na iyon ng lahat ng professor mo." pagpapatuloy nito. Pinilit kong mag-isip ng paraan para malusutan ang sitwasyon ko ngayon, pero hindi naman nakikisama ang utak ko. "Reason!" kailangan ko siyang paliwanagan kung bakit hindi makakabuti kung magtatransfer ako sa Paris. "Hindi ako puwedeng umalis, paano naman ang mga kaibigan ko, sigurado malulungkot sila kapag umalis ako." sagot ko, totoo naman dahil for sure malulungkot ang tropa kapag nabawasan kami. "Huwag kang mag-alala, for sure naman madali kang makakanap ng mga kaibigan mo sa bago mong school." kibit balikat nitong sagot. "Uhmmmm paano naman ikaw, hindi mo ba ako mamimiss kapag umalis ako?" sadya kong pinalungkot ang boses ko, umaasa akong madadala ito sa drama ko. "Sus maliit na bagay, para saan pa't merong Skype at messenger. para makapag usap tayo." balewala na naman nitong sagot, parang hindi man lang siya naapektuhan sa pagdadrama ko. "How about... how about." wala na akong maisip na dahilan pa para makumbinsi ko si Mommy na huwag na akong ilipat ng school. "Final na ang decision ko, next week ay lilipad ka na papuntang Paris sa ayaw mo man o sa gusto." sobra na akong nagpapanic dahil sa kasiguraduhan nitong sinabi. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa sinabi nito, tulala na lang akong napatingin sa sahig. Sa sobrang pagkatulala ay hindi ko man lang napansin na kanina pa pala nagpipigil ng tawa si Mommy. Nagulat na lang ako nang makarinig ako ng pagbungisngis mula dito, hanggang tuluyan na itong humulagpos nang makita nitong nahuli ko na siya. "Bakit ka tumatawa?" hindi ko naman maiwasang hindi mairita, para kasing wala itong pakialam sa akin, at sa nararamdaman ko sa binabalak nito. "Natatawa ako dahil hindi ako makapaniwala na nahulog ko sa biro ko." halos mangiyak ngiyak nitong paliwanag. Natigilan naman ako sa sinabi nito, pero para makasigurado ay agad ko iyong kinumpirma. "Ang ibig po bang sabihin nito hindi talaga ako pupunta ng Paris?" tila nananantiyang tanong ko dito, matapos malaban na joke lang pala ang lahat ng ito. "Tama ka, pero meron talaga na pupunta sa Paris ngayon." nagpose pa ito para maemphasize ang obvious. "Ikaw? Pero bakit anong meron at..." ngunit natigilan ako nang marealized ko naman kung bakit nito kailangan umalis. "Please tell me, dahil ba ito sa transaction na tinatrabaho mo ng ilang buwan para mapenetrate ang Paris?" hindi naman ako makapaniwala sa nalaman ko, naconfirm ko lang iyon nang nakangiti itong tumango. Ilang buwan na din kasi itong nakikipag-usap para ipromote ang textile namin sa Paris, at sobrang saya at proud ko kay Mommy dahil alam ko kung paano nito pinaghirapan ang bagay na iyon, maliban pa sa magiging tulong nito sa kumpanya. "Congrats Mom, I'm happy and so proud of you." ang sinabi ko dito, sabay yakap nang mahigpit sa pinakamamhal kong Mommy. "Thank you Arnold, kaya naman pinauwi kita ngayon dito sa bahay ay para man lang makita muna kita bago man lang ako umalis. I might be gone for two month, well depende kung gaano katagal bago namin masara deal." paliwanag nito na tumugon sa yakap ko. "Sobrang tagal naman noon, pero sobrang mamimiss kita." mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. "Madali naman gawan nang paraan yan, puwede nating totohanin ang pagtransfer mo sa Paris." muli nitong seryosong sinabi, pero alam ko naman na nagbibiro lang ito. "Katulad ng sinabi ko kanina, may Skype at messenger naman kaya puwedeng puwede tayong mag-usap kahit anong oras mo gustuhin, tapos nandyan din naman ang yaya mo." pagpapatuloy nito. "Well, iba pa din siyempre ang makausap ka nang personal, but still I'm happy for you Mommy." muli kong sinabi. Saka ko lang napansin na nasa labas pala ng kuwarto si Yaya. "Beverly nasa van na ang mga gamit mo, nandyan na din si Diego." ang sinabi ni Yaya Lydia, ang tinutukoy nito ay ang driver ni Mommy. Matapos nga noon ay hinatid na namin siya sa NAIA at isang mahigpit at matagal na yakap ang namagitan sa amin dahil matatagalan bago kami muling magkita. Alam ko kung gaano pinaghirapan ni Mommy ang meeting nito sa Paris, kaya naman alam kong tuwang tuwa ito na magkaroon ng chance na penetrate namin ang Paris. Hindi ko man nakita si Jake ngayong araw ay ok na din sa akin, dahil hinatid ko naman ang isa ang mahalagang tao sa buhay ko. I must admit mama's boy talaga, dahil na din siguro mas nakasama ko si Mommy nang matagal nang mamatay si Daddy. Napatingin namana ko sa langit nang may dumaang eroplano. "Take care Mom, and see you soon." bulong ko, not even sure kung doon ba nakasakay si Mommy o hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD