Chapter 3

1091 Words
Pagkatapos kong maglunch ay pumunta ako sa room ko kahit wala na akong klasi. Morning lang kasi ang mga bata. Inayos ko ang mga gamit doon at pagkatapos kong linisin ang lahat ay umupo ako sa upuan ako na may desk. May tinuturuan pa kasi si Rika kaya wala akong mapagchikahan dito. Ilang minuto ang lumipas at nainip ako sa loob ng classroom. Tumayo ako at kinuha ang mga importante kong gamit. Isinara ko na rin ang pintuan, pati ang mga katabi kong classroom ay nakasara na rin. Babalik na lang ako sa faculty at gagawa na lang ako ng lesson plan. Para pag-uwi ko ay kakaunti na lang ang gagawin ko. Habang naglalakad ako pabalik sa faculty ay nakasalubong ko yung familiar na estudyante sa akin. Siya yung may sinabi sa matanda e. So, dito siya nag-aaral? Nilampasan lang ako nito kaya hindi ko na lang pinansin. Pero akala ko lang pala 'yon. Nagtaka ako dahil bigla na lamang siyang sumulpot sa harapan ko. Bumalik siya, bakit kaya? "May kailangan ka, Hijo?" diniinan ko ang huling salita na sinabi ko. Nakita kong nagtiim bagang siya, "Thank you for helping me earlier," sabi niya at wala man lang siyang galang! Matanda pa rin ako sa kaniya. Siya pala yung Tito ng bata kanina. "Ganyan ka ba talaga makipagusap sa isang teacher? Nakakabastos. Matanda pa rin ako sayo." Matapang na sabi ko sa kaniya. Nakatitig lang ito sa akin parang tinutunaw ako. "I'm sorry. Komportable lang kasi ako sayo at saka mukha ka pa kasing bata. Sigurado ka bang teacher ka na?" Natawa ako sa mga sinabi niya. Kakalokang bata! "Hay naku, maniwala ka sa reyalidad. Sige na, aalis na ako. Mag-aral ka ng mabuti para sa kinabukasan mo." Nakangiting sabi ko sa kaniya at nilagpasan na siya. Nakaisang hakbang pa lang ako nang magsalita siya. "Wait!" aniya. Lilingunin ko na sana siya nang kumaway sa 'di kalayuan si Sir Evans sa akin, ngitian ko lang siya. "Miss Pinky." May humawak sa braso ko kaya napatingin ako rito. Siya pa rin. "Bakit?" tanong ko sa kaniya. Naguguluhan ako sa kaniya nang makita kong matalim ang tingin niya. Anong nagawa ko? "Nothing," sabi niya at iniwan na ako. Siraulo ba 'yon? Mabuti na lang at hindi ko siya estudyante kung hindi...naku! Pinagmasdan ko siyang umalis at nakita kong may kasama na siya. Dalawa pang lalaki. So, he have a group of friends. That's good. Bumalik na ako sa faculty at inayos ang mga gamit ko. Inilagay ko sa bag ang mga kailangan ko pang tapusin. Maglilibot-libot na lang muna siguro ako rito sa university. Tinext ko na rin si Rika na kapag tapos na siya ay i-te-text niya ako para sabay na kaming umuwi. Nasa right shoulder ko ang aking bag. Hindi ko naman kasi dinala yung laptop ko, nagloloko na rin kasi ang isang 'yon. Wala akong pampalit kaya, no choice. Ang ganda nitong University, napakalaki at parang ang hirap kung titingnan na makapag-aral dito. Napakasaya ko ng makuha ko ang opportunity na ito. This is such a blessing. Habang naglalakad-lakad ako ay hindi ko maiwasan na isipin yung sa probinsya. Napakalayo at marami talagang pagkakaiba rito. Binabati ako ng mga estudyante tuwing nakakasalubong ko sila, ganoon din naman ako. Hindi ko na namalayan na sa paglalakad ko ay mapunta ako sa isang garden dito sa tabi ng Agriculture Department. Nakita ko kasi na nakapaskil ang departamento nito. Nasa College area na pala ako. Maliit lang ang graden na 'yon, punong-puno ng mga halaman at mga gulay ito. Nasisiyahan ako sa nakita ko kaya kinuhanan ko ito ng litrato at kasama na rin ako. Pagkatapos ay umupo ako sa bench na naroon sa loob. Nakakarelax naman dito. May bunga rin ang halaman dito, puwede kayang kumuha? Joke lang. Natawa ako sa sarili kong naisip. Hawak ko ang cellphone ko at naglaro ako ng kung ano-ano. Muntik ko nang maitapon ang sariling kong cellphone nang may pekeng umubo sa harapan ko. Napaayos tuloy ako ng upo. "Why are you here, Miss?" sabi niya at umupo sa tabi ko. Automatic akong napausog papalayo sa kaniya. Ano na lang ang sasabihin ng mga estudyante? or worst baka may makakitang isang Teacher sa amin. "Kung saan-saan ka na lang lumilitaw. Wala ka bang pasok?" Medyo naasar na sabi ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin kaya napatayo na ako sa kinauupuan ko kanina. Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko. Duh, ano bang ginagawa niya? "Why you asking? Are you interested to me?" Napairap ako sa kawalan dahil sa tanong niya. "Isa akong teacher kaya ko 'yon tinatanong. Puwede bang huwag kang lumalapit sa akin baka kung ano pa ang isipin nila." "Kaya pala tumayo ka, Miss. Do you like this place?" tanong niya sa akin. "Oo, maganda rito. Nakakarelax, bakit mo natanong?" "Ako ang gumawa nito, lahat-lahat. Masaya ako na nagustuhan mo, Miss." "Oh okay! Hindi ka ba talaga papasok? Sayang ang mga oras na lumilipas, oh." Ipinakita ko sa kaniya ang phone ko kung saan nakikita ang oras ngayon, It's four in the afternoon. "Tapos na ang klasi ko. May kasama ka bang uuwi?" Natigilan ako sa akmang pagsasalita nang sabihin niya 'yon, ni hindi ko magawang kumurap dahil sa sinabi niya. "Hey, are you okay?" He snapped his finger in the front of my face. Nabalik ako sa ulirat ko. "Ha? Anong yung sinabi mo?" tanong ko at bahagyang umatras dahil nakalapit na pala ito sa akin. "Miss, bakit?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya at unti-unti siyang lumalapit sa akin. "Tigilan mo ang binabalak mo," sabi ko sa kaniya pero patuloy pa rin siya sa kaniyang paglapit. "Bakit pinaparamdam mo sa akin 'to?" "Sandali, ano ba kasing ginagawa mo!" Halos pasigaw na sabi ko. Ang kulit niya! Kinabahan ako nang maramdaman kong wala na akong mapag-aatrasan. I'm trap! Nasa likod ko ang mga halaman. "Pakiramdam ko pinapalapit mo ako sa'yo kahit wala ka naman sinasabi. Noong una kitang makita, mukha mo lang ang tangi kong naiisip. Hindi ko alam kung bakit." Seryosong sabi niya at ako naman ay nakahawal na sa dibdib niya gamit ang dalawa king kamay. Pinipigilan ko siyang mas lalong lumapit sa akin. Nagkatitigan kami at sa huli ay siya na ang nag-iwas ng tingin. Umatras na din siya pero napahawal ako sa white polo niya nang muntik na akong ma-out of balance. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko ang posisyon namin. Hawak niya ang bewang ko at ako naman ay ang dibdib niya. Para akong nakayakap sa kaniya! Hindi ito maaari! Hindi. Hindi. Hindi! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD