Chapter 4

1255 Words
"Hindi 'yon nangyari. Walang nangyari kahapon." Pangungumbinsi ko sa sarili ko at napahilamos pa ako sa mukha ko. Nasa faculty room ako ngayon at pilit kong iwinawala sa isipan ko ang nangyari kahapon. Hindi kaya guni-guni ko lang 'yon dahil wala akong magawa? "Nakakaasar naman," sabi ko sa sarili ko. Mahina lang 'yon dahil may iilan pang teacher na narito. "Pinks, ayos ka lang? May problema ba?" Nilapitan ako ni Rika. Inayos ko ang buhok ko na nagulo pati na ang upo ko. Tiningnan ko siya at ngumiti sa kaniya. "Ayos lang ako, lalabas ka na ba?" tanong ko sa kaniya dahil nakita kong naka-ready na siyang magturo. "Oo. Pinks, kapag may problema sabihan mo lang ako, okay?" Tumango ako sa kaniya. "Salamat." Pagkaalis niya ay inayos ko na rin ang mga gamit ko at lumabas na rin ng faculty. Habang naglalakad ako ay hindi mawala-wala sa isipan ko ang nangyari kahapon. Lintik na isip na 'to! Pagkatapos niya akong mahawakan sa bewang ko ay itunulak ko siya at nagmadali akong umalis. Ano ba kasing iniisip ng batang 'yon?! Napakalapit niya sa akin. Pinapakaba niya ako. Para mawala sa isipan ko 'yon ay nag-isip na lang ako ng mga masasayang pangyayari sa buhay ko. Effective naman dahil nakarating din ako sa wakas sa classroom ko at hindi ko na naisip pa 'yon. Natigil ako sa paglalakad ko nang makita ko siyang nasa harapan ng classroom ko. Napalunok ako at huminga ng malalim. Teacher ka, Pinks! Estudyante lang 'yan. Dire-diretso lang ang lakad ko at pumasok na ako sa classroom ko. Mabuti na lang at hindi niya ako pinansin. Nag-attendace muna ako bago ako tumayo sa harapan. Napatingin pa ako sa labas at nakita kong wala na siya roon. Mabuti naman. "Good day, class! Ingat sa pag-uwi at huwag lalabas ng school hanggat walang sundo, okay?" Payo ko sa kanila nang matapos ang klasi namin. "Aye aye, Ma'am! Good day po!" Ngumiti ako sa kanila at isa-isa silang lumabas ng room para walang tulakan na mangyayari. Napatingin ako kay Alex, yung pamangkin nung estudyante. Hindi ko pa pala alam pangalan ng isang 'yon. "Oh, Bakit, Alex? May sasabihin ka ba?" tanong ko sa kaniya dahil hinawakan niya ang kamay ko. Umupo ako para magkapantay kami, ang isang tuhod ko ay nakaluhod dahil nahihirapan ako. "I like you, Teacher Pinks! But..." Napayuko siya kaya ini-angat ko ito pataas gamit ang baba niya. "But, what?" tanong ko sa kaniya. "Sabi po ni Tito hindi raw tayo puwede. That's why I'm sad," sabi niya at nakanguso pa ito. Napangiti ako. "I like you, too. As my student, you're one of my babies okay?" Tumango ito at tila agad na naintindihan. "Do you like Tito po? He's handsome and you're pretty. Perfect match!" Hinawakan ko ang magakabila niyang balikat. "You need to go now. Baka hinihintay ka na ng service mo, gusto mo ihatid na kita?" tanong ko dahil wala na lahat ang mga kaklasi niya. "Okay po, salamat po!" Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya para hindi siya mawala. "Lets go," sabi ko at isinara ang pintuan ng room. Babalikan ko na lang bukas ang mga gamit ko. "Teacher, you do have boyfriend?" Napatingin agad ako sa kaniya nang tanungin niya 'yon. "Alex, paano mo nalaman 'yon?" balik tanong ko sa kaniya. Ang bata niya pa para malaman ang tungkol doon. "Napanood ko lang po sa TV. Why po? Is that a bad word po?" "Nope. Huwag mo munang isipin 'yon, okay? Sinong magsusundo sa'yo?" "Si Tito Indigo po. Ang sabi po kasi niya, half day lang po ang class nila." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sinong Indigo?" "I'm here!" Napatingin ako sa nagsalita at siya!? Lumapit si Alex kay Indigo kaya lumapit rin ako para magpaalam na sa kaniya, kay Alex. "Alex, nandito na pala si Tito mo. Aalis na ako, mag-iingat kayo." Nakangiting sabi ko sa kaniya. "Okay po, Teacher!" Tumango ako at tiningnan ko si Indigo, nakatingin lang ito sa akin. "Mauuna na ako," sabi ko at tatalikod na sana ako nang magsalita siya. "Babalikan kita, Miss." Pagkasabi niyang 'yon ay bigla akong kinabahan na ewan. Iniwan ko na sila roon at mabilis na naglakad. Nakasalubong ko si Rika kaya sabay na kaming naglakad pabalik sa faculty. "Sino 'yon?" tanong niya habang naglalakad kami. "Sino? Si Alex ba? Estudyante ko 'yon, hinatid ko lang." "Hindi, yung isa. Yung kasama nung bata. Sino 'yon?" "Ha! Si Indigo, Tito siya ni Alex. Bakit?" tanong ko sa kaniya. Nakita niya pala kami kanina. "Indigo. Anong surname niya?" "Ewan. Bakit ba?" "I think siya yung isang anak sa mga may shares dito sa university," sabi niya na bahagyang ikinagulat ko. Alam kong may kaya lahat ang nag-aaral dito pero hindi ko naisip na ganon pala kayaman ang isang 'yon. Hindi na ako nagsalita pa at naglakad na lang kami. Pinagku-kwentuhan na lang namin ang mga estudyante naming makukulit pero cute. Nang makapasok na kami sa faculty ay kan'ya-kan'ya na kami nang ligpit ng gamit. Isinukbit ko na sa kanang balikat ko ang aking bag at nakita kong handa na ring umalis si Rika kaya sabay na kaming lumabas sa faculty. Hindi pa man kami nakakalayo sa faculty nang tumunog ang phone ko. Sinabi ko kay Rika na mauuna na siya at hintayin ako sa labas ng University. Tumatawag kasi si Mama. Sinagot ko na ito habang naglalakad. "Hello po, Ma?" paunang sabi ko sa kabilang linya. "Anak ko! Kumusta ka na riyan sa Maynila? Pasensya ka na at hindi kami nakakatawag ngayon lang kasi ako nakapagpaload." "Naku, Ma. Ayos lang ako rito. Kayo po ba? Huwag po kayong masyadong magpapagod lalo na si Papa. "Sa awa ng Diyos ay mabuti pa naman. Huwag mo kaming gaanong alalahanin, maayos kami rito." "Kapag nakasahod na ako, Ma. Ipapadala ko kaagad sa inyo. Mahal na mahal ko po kayo." "Maraming salamat talaga, anak ko. Mahal na mahal ka rin namin." "Sige na po, Ma. Uuwi na po kasi ako," "Osiya, sige. Mag-iingat kayo." "Opo, kayo rin po." Pagkatapos ng tawag na 'yon ay nagmadali na akong naglakad palabas. Nasa labas na ako ng University pero hindi ko nakita si Rika, ni anino niya ay wala. Nasaan na ba ang babaeng 'yon? Tumingin ako sa kanan pati na sa kaliwa pero wala talaga e. Kinuha ko ang phone ko at tatawagin ko na sana si Rika nanng may kumuha ng phone ko mula sa akin. Napatingin ako kung sino ang may gawa non. Si Indigo! "Ibigay mo sa akin ang phone ko," sabi ko sa kaniya pero siya ay nilaro-laro niya lang ang phone ko. "Hey! Baka mahulog 'yan," dagdag ko pang sabi. "Relax lang, Miss. Can I get your number?" "No. Ibigay mo sabi sa akin ang phone ko!" Napataas na ang tono ng boses ko dahil sa kaniya. "Wait, Miss. There is something—look!" Napatingin naman ako doon sa itinuro niya. Napakunot ang noo ko dahil pinagloloko lang ako ni Indigo e! "Bwiset! Akin na ang phone ko!" "Here." Iniabot niya sa akin ang phone ko at kinuha ko naman 'to. "Umuwi ka na nga. Hindi ako nakikipaglaro sa isang estudyanteng katulad mo." Tinalikuran ko siya at kung ano-ano ang kinakalikot ko sa phone ko para lang ma-distract ako. "Hindi rin naman ako nakikipaglaro sa'yo, Miss. Hindi naman ako magsasayang ng oras kung walang dahilan. Hindi ko sasayangin ang bawat oras ko kung hindi ako interesado sa isang bagay o taong 'yon." Natigil ako sa ginagawa ko at umiling-iling ako. Mali ang iniisip ko. Hindi puwede 'to. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD