It's friday today kaya hindi ako naka-uniform. Nakasuot ako ng black jeans at white blouse with my black flat shoes. Dala ko rin yung laptop ko dahil may kailangan akong gawin mamaya.
Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin si Indigo. Hindi na rin naman siya nagpakita. Ilang araw na ba? Isang araw lang naman baka busy. Pakialam ko ba?
Pumasok na ako sa loob ng classroom ko at katulad lang ng dati. Nagcheck ako ng attendance at nakita kong absent si Alex. Bakit kaya? Nung isang araw ay ayos pa naman siya.
Tumayo na ako harapan at nagsimula na akong magturo. May pinanood din ako sa kanila gamit yung laptop ko. May TV naman kaya ki-no-nek ko na lang.
Mabilis na lumipas ang oras at natapos din ang klasi ko. Nakalabas na silang lahat at ako naman ay inaayos ko ang mga gamit ko.
Nang maayos ko na ang mga gamit ko pati na yung laptop ay umupo muna ako sa isa sa mga upuan ng mga estudyante ko. Maliit lang pero kasya naman ako. Kinuha ko ang phone ko at may nakita akong isang message sa akin. Binuksan ko ito.
Unknown Number:
Hi, Miss! :)
Hindi ko na siya ni-reply-an dahil wala akong load. Gusto ko sanang tanungin kung bakit hindi nakapasok si Alex. Binuksan ko na lang f*******: ko naka-free data lang ako. Nakita kong may nag-friend request sa akin. Nakita kong si Sir Evans ito. Kinonfirm ko agad ito. Kahit sa profile picture niya ay guwapo siya. Napangiti ako bigla.
"Ma'am Pinky?" Napalingon ako sa pintuan nitong room nang may tumawag sa pangalan ko.
Agad akong tumayo nang makita ko kung sino ito. Si Sir Evans.
"Sir Evans? Bakit po?" Pormal na tanong ko sa kaniya at lumapit ako sa kaniya nang may tamang distansya.
"Drop the formality, please. Puwede bang sabay na tayong maglunch?"
"Ah-eh...Okay sige."
Sinabi ko sa kaniya na iiwan ko muna ang mga gamit ko sa classroom ko at babalikan ko na lang ito mamaya. Kinuha ko lang bag ko dahil naroon ang wallet ko. Nakakahiya kung ililibre niya pa ako.
"Kumusta naman ang pagtuturo mo rito, Pinks? Puwede bang Pinks na lang ang itawag ko sa'yo?" Napakamot pa siya sa kaniya ulo habang nakangiti.
Tumingin ako sa kaniya. "Maayos naman kahit nakakamiss sa probinsya. Oo naman, ayos lang."
Naglalakad kami habang nag-uusap. Sa tuwing may mga estudyante na dumadaan ay bumabati sila, gaya ng nakasanayan ay bumabati rin kami pabalik. May ilang estudyante nagsasabi na bagay raw kami ni Sir Evans pero tumatanggi lang ako. Nakakahiya kaya.
"Mabuti naman. Halos lahat ng estudyante rito ay mataas ang expectation sa University na ito. By the way, saan ang probinsya mo?" tanong niya.
"Nueva Ecija. Anong grade level yung tinuturuan mo, Evans?"
"Senior High," sagot niya at pumasok na kami rito sa cafeteria.
Ngayon lang ako nakapunta rito dahil sa faculty ako kumakain ng lunch. Malaki ito na parang nasa isa kang mamahaling restaurant.
Pinanghila niya ako ng upuan at umupo ako roon.
"What do you want? Ako na ang bibili," sabi niya.
"Kahit ano, basta yung masarap. Ayos na ako roon at yung bayad ko." Kukunin ko na sana ang wallet ko na nasa bag nang pinigilan niya ako.
"Huwag na, libre ko na 'to. Pakihintay na lang ako rito," sabi niya at tumango lang ako.
Mukhang matatagalan pa siya dahil dumarami na rin ang mga estudyante na papasok. Kinuha ko na lang ang phone ko at tiningnan ang family picture na naka-save sa phone ko. Namimiss ko na sila. Hindi ko pa kasi alam kung kailan ako makakuwi, baka kapag natapos na lang ang school year.
Ibinaba ko na ang phone ko at tiningnan si Sir Evans kung nasaan na siya pero nakapila pa rin siya. Tumingin na lang ako sa labas nitong cafeteria. Glass wall kasi kaya kita lahat pati dito sa loob. Nahagilap ng mga mata ko si Indigo at kasama niya ang mga kaibigan niya. They're having a chitchat at nagtatawanan pa.
Hindi ko alam kung sa akin siya nakatingin. Ang mga mata niya kasi ay parang nakatingin sa direksyon ko kung hindi lang siya kinalabit ng isa pa niyang kaibigan ay hindi matatanggal ang tingin niya sa kung saan man. Kinabahan ako nang pati ang mga kaibigan nito ay napatingin na rin dito, masasabi kong may angking kagwapuhan silang tatlo. Halos lahat naman ng estudyante ay may kaniya-kaniyang kagandahan lalo na't alagang-alaga sila sa mga sarili nila.
"Ehem," Ibinaling ko ang tingin ko kay Evans ng peke itong umubo para makuha ang atensyon ko.
Umayos ako ng upo. "Binili kita ng Chickenjoy with rice tapos may snacks din. Ayos lang ba 'tong binili ko?" taning niya habang nilalapag ang mga pagkain namin.
"Oo naman. Ang dami nito, mauubos kaya natin?"
Pagkatapos niyang ilapag ang mga pagkain ay umupo na rin siya. Kaharap ko siya ngayon.
"Yup, basta kasama kita. Uubusin natin ang lahat ng ito," sabi niya at nginitian ako.
Dahil nagugutom na rin ako ay nagsimula na kaming kumain.
"Kilala mo ba yung tatlong tinitingnan mo kanina?" tanong niya sa habang kumakain kami.
"Yung isa lang, bakit?"
"Sino roon?"
"Si Indigo, relative kasi siya nung isa kong estudyante." At uminom ako ng tubig.
"Yung isa doon ay anak ng nila Mrs. Sarmiento, ang may-ari nitong school. Tapos yung dalawa, kasama na yung si Indigo ay parehong may shares dito ang mga magulang nila sa University." Tumango-tango lang ako sa sinabi niya.
"Oh, okay. Puwedeng magtanong? Tungkol sa'yo," nahihiyang sabi ko.
Uminom muna siya ng tubig at pagkatapos ay pinunasan niya ang kaniyang bibig.
"Ano 'yon?" at tiningnan ako.
"Ilan taon ka na?"
"Twenty-five, why?"
"Ha, Nothing."
"You?"
"Twenty-three," maikling sabi ko.
"You're cute, Pinks. Alam mo ba? Namumula ka." Natatawang sabi niya. Napahawak ako sa pisngi ko dahil nakaramdam ako ng hiya.
"Nakakahiya naman," sabi ko.
Mas lumakas ang tawa niya, "I like you na," sabi niya na at tila natigil ako sa paggalaw ko. Tama ang narinig ko?
"As my friend," dagdag niyang sabi at doon ako nakahinga ng maluwag.
"Akala ko naman kung ano na. Hindi yata ako nakahinga roon, Sir Evans. " Tumawa ako para mawala ang kaba na naramdaman ko.
"So, friends?"
"Yeah, friends." Nakangiting sabi ko kahit sobra-sobra na ang kaba ko.
Napakaguwapo niya kaya!
***