bc

Dawn of Daylight

book_age16+
55
FOLLOW
1K
READ
forbidden
kickass heroine
dare to love and hate
twisted
sweet
bxg
deity
sword-and-sorcery
realistic earth
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

The martial world is in chaos one thousand years ago because of the battle between gods and demons. The deity of war put all her life essence in his sword and promise to bring the demon lord to its demise.

But as long as there is life, there always be darkness. The remaining subject of the demon lord continues to spread their evil doings until the present time. A new hero was born. Inside her lies the primordial spirit of the deity of war.

A new generation unfolding her adventure in seeking an answer for the absence of senses in her body.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01: Simula ng Pagbabago
  When the water is as calm as the wind and the moon engulf the world, A two especial beings will be born. The one that is deprived by senses and the one that is overflowing with talents, they will meet their unavoidable destiny that soon be the reason for a catastrophe. The phoenix will soon be arisen and the flower will soon be bloomed. The fire that can be consumed in the world will disrupt the balance of nature. How high could a phoenix reach? How long will the flower last? How much cost will be wasted so that two dying hearts can beat with a maximum rhythm? What force should prevail ‘til the last chapter? “Sometimes, love is not enough.”   ****   Sa pagkakahulma ng sansinukob, ang mga bathala na ang nangingibabaw sa tatlong mundo — Sa mundo ng mga mortal, demonyo, at diyos. Sila ang naghari sa buong sangkalawakan. Datapwat ang isang paghahari ay hahantong sa sariling sukdulan. Matapos ang sampung (10) siglo, dahil sa isang nilalang na nabibilang sa Balaak kung saan hindi sang-ayon sa paghaharian ng mga diyos, ay gumawa siya ng isang malakihang hukbo upang magsimula ng isang digmaan. Digmaan na siyang sisira sa balanse ng tatlong mundo at siya ring sanhi upang dumanak ang dugo sa mismong tarangkahan ng Kaluwalhatian. Ang lugar ng mga diyos. Nagpatuloy ang walang hanggang digmaan sa panig ng mga diyos at demonyo, wala ni isa man sa kanila ang gustong sumuko at ang bawat isa ay desedidong ipaglaban ang paghahari sa buong sangkalawakan. Ang buong akala ng mga immortal na diyos ay kampante na ang kanilang hanay na maipanalo ang laban, ngunit ang hindi nila inaasahan ay may isang nilalang pa lang ihinanda ang pinuno ng mga demonyo upang magpabagsak sa kanila. Ang Orion Star — Si Libukaw. Ginapi niya ang halos lahat ng kawal sa panig ng mga immortal na diyos at binigyang daan ang mga demonyong mas mapalapit sa kanilang pakay na paglusob sa Kaluwalhatian. Dahil dito ay napilitan ang pinuno sa hanay ng mga diyos na magpadala pa ng mas maraming kawal ngunit bigo pa rin silang mapaatras ang mga kalaban. Nawawalan na ng pag-asa ang lahat ngunit muling may isa na namang natatanging nilalang ang biglang sumulpot sa gitna ng laban. Ang Heneral na Deity of War. Sa isang iglap lang gamit ang kanyang mapaminsalang sandata ay pinalaho niya ang lahat ng kawal sa hanay ng kalaban. Sa huling sandali ay nagharap ang dalawang tandayag na nilalang ng bawat panig. Ang Orion Star laban sa God of War. Subalit dahil sa angking galing ng Diyos ng Digmaan ay tuluyan niyang nagapi ang Orion star. Nawala ang kaliit-liitang diwa nito at nawasak ang buong spirito. Nagwakas ang napakahabang digmaang iyon sa pag-atras ng hanay ng mga demonyo kasama ang nalalabi na lamang nilang bilang, habang ang sentro ng buhay ng Orion Star ay minabuting ikulong na lamang sa isa sa limang sekta sa mundo ng mga mortal. Lumipas muli ang sampung (10) siglo, kasabay ng pag-iiba ng daloy ng buong kalawakan. Ang nawasak na spirito ay unti-unti nang nabubuo habang ang noon ay naglahong diwa ay dahan-dahan nang nakakalikom ng lakas. Tila yata’y hindi pa roon nagwawakas ang malakihang digmaan sa kasaysayan ng kalawakan. Ang nakakubli at nagtatago lamang sa dilim na mga nilalang ay muli na namang lilitaw at mag-iipon ng panibagong lakas upang ituloy ang naudlot nilang pangarap. Sa oras na mabuong muli ang diwa at spirito ng Orion Star ay magiging hudyat ito ng katiyakang pagkawasak hindi lamang ng tatlong mundo kundi ng buong kalawakan.   ****   Sa lungga ng mga Asura, isang lahi ng mga demonyong siyang may sanhi ng malawakang digmaan noon, nagtipon-tipon ang gahiblang myembro ng kanilang lahi. Ilang sandali pa ay isang pinaghalong kulay pula at itim na usok ang bigla na lamang lumitaw sa harap ng nakahilirang mga nilalang na nakasuot ng itim ng roba. Sa usok na iyon ay humulma ang isang bulto ng tao, hindi makita ang mukha nito dahil na rin sa natatakpan ang buong mukha nito ng isang balabal habang sa ilalim ay tuloy-tuloy ang paglabas ng mga kulay itim na usok. “Maligayang pagbati, aming Pinuno!” sigaw ng lahat ng mga nilalang na nasa lugar na iyon kasabay pa ng kanilang pagyuko na halos lumuhod na sila sa sobrang baba nito. Ikinumpas ng kanilang pinuno ang isa niyang kamay na puno ng kinakalawang na palamuti at iyon ang naging hudyat upang maging tuwid na muli ang tayo ng lahat. Isang may edad nang nilalang ang humakbang palapit sa kanilang pinuno kasabay ng paglahad niya sa kanyang harapan ng isang patag na itim na bato. Maya-maya pa’y may mga ilaw na lumabas dito sabay lumutang sa ere. Isa itong imahe ng kalawakan kung saan makikita ang mga planeta at dalawang maka-agaw pansing bituin. “Nakatatandang Sage, ang iyo bang ipinapakita ay tungkol sa dalawang bituin?” usal ng kanilang pinuno matapos matunghayan ang nakalutang na imaheng galing sa bato. Kaagad namang yumuko ang tinawag nitong Nakatatandang Sage at kaagad na sinagot ang katanungan ng kanyang pinuno. “Opo, Pinuno. Pagkatapos mamatay ni Libukaw nang nakaraang sampung siglo ay siya ring paglitaw ng dalawang bituin na iyan. Tinatawag namin itong Orion Star at Jade Star.” Tumigil sandali ang matanda at maiging tiningnan ang kanyang pinuno ng ilang saglit. “Noong nakaraang sampung siglo ay patuloy silang umiikot sa kanilang magkahiwalay na pwesto at parang wala man lamang pakialam sa isa’t isa... pero ngayon... ay bigla na lamang itong nagkasalubong.” Dahil sa sinabing iyon ng matanda ay napukaw nito ang atensyon ng kanilang pinuno at naging interesante sa kanilang pinag-uusapan. Hindi kaagad sumagot ang kanilang pinuno ngunit mababanaag sa kilos ng kamay nito na ito ay nag-iisip. “Pupwede kayang malapit na siyang magising muli?” mahina ngunit puno ng mensaheng wika ng kanilang pinuno. Bigla namang may nagwikang isang nilalang na ngayon ay nasa tabi na ng matanda. “Pinuno, kahapon lamang ay napag-alaman namin ang paglitaw ng diwa ng Star of Mosha, sa kasalukuyan ay nasa lungsod ito ng Fuego. Nagpadala na ako ng tao roon upang mag-imbestiga,” maligalig nitong pagbibigay impormasyon sa kanilang pinuno. “Ngayong araw ay kalahati ng diwa ng sinaunang spirito na ‘yon ay dadaan sa lagusan ng karma at sasailalim sa kanilang paghuhukom.” Ang usok na nanggagaling sa mukha ng pinuno nila na kanina ay purong itim lamang ngayon ay nahahaluan na ng pula. “... Ayon din sa aking nakalap ay sabay na sasailalim ang Diyos ng Digmaan at Bituin ng Minokawa sa kanilang paghuhukom.” Pagpapatuloy ng nilalang na iyon sa pagbibigay impormasyon sa kanilang pinuno. Mukha namang nagalak ang kanilang pinuno dahil sa uri ng pagtugon nito. “Kung ganon ay ang Diyos ng Digmaan at Bituin ng Minokawa ay ipapanganak sa magkaparehong taon, buwan at araw?” Puno ng kyuryosidad na pagtatanong ng kanilang pinuno. Tumango lamang ang nilalang na tinanong nito na nagpatango rin sa kanya. “Mainam, napakainam...” usal niya. Sa gitna ng pagnamnam niya ng kanyang kagalakan ay bigla namang nagsalitang muli ang nakatatandang sage. “Pinuno, hindi ba’t ang diyos ng digmaan at ang bituin ng minokawa ay mortal na magkaaway? Hindi kaya magiging hadlang sila sa ating planong pagpapabalik ng lahing demonyo sa pinakamataas nitong antas?” tanong ng nakatatandang sage. “Hindi... Noon ay ginamit ng diyos ng digmaan ang sandata ng bituin ng minokawa na ang kampilan,” — tumigil sandali sa pagsasalita ang pinuno at dahan-dahan siyang tumayo sa kanyang pagkakaupo — “Kailangan natin ang diyos ng digmaan pati na rin ang kampilan upang magawa nating buhaying muli ang bituin ng minokawa. Kailangan ko ang dalawang batang iyon.” Mahabang usal ng kanilang pinuno. Ilang sandali pa ay bigla naman itong bumaling sa nilalang na nasa tabi ng matanda at ito’y inutusan. “Magmadali kayo at magimbestiga, kung saang pamilya ipapanganak ang diyos ng digmaan at ang bituin ng minokawa.” Walang pag-aatubiling sumunod ang nilalang na inutusan nito at humayo kaagad upang gawin ang iniutos ng kanyang pinuno.   ****   Samantala, habang ang isang buntis ay naghihirap sa panganganak ng kanyang kambal na anak ay nagkakagulo naman sa Kaluwalhatian kung saan naroon ang mga sinaunang diwa na sasailalim sa kanilang paghuhukom dahil sa hindi inaasahang paglitaw ng hindi imbitadong bisita. Walang iba kundi ang nilalang na inutusan ng pinuno ng mga Asura na mag-imbestiga. Ang kanina’y matiwasay na proseso ng pagpapadaan sa lagusan ng mga sinaunang diwa na sasailalim sa paghuhukom ay nagulo at napilitan ang mga kawal na naroon na bilisan ang kanilang pagpapapasok ng mga ito sa lagusan. “Bilis, inumin niyo nang lahat ang tubig ng paglimot at bilisan niyo nang pumasok sa lagusan.” Sigaw ng isang kawal roon sa lahat ng mga sinaunang diwa. Tatlong bolang usok ang pinakawalan ng nilalang na nanggugulo roon at ito ay matagumpay naman na nasalag ng mga kawal, sinagupa nila ang isa’t isa upang pigilang makalapit ang nilalang na iyon sa mga sinaunang diwa. Ngunit dahil sa katataranta ng mga sinaunang diwa na iyon ay aksidenteng nabangga ng isa sa kanila ang diwa ng diyos ng digmaan at ito’y nahulog sa tubig na nakapalibot sa lugar. Matagumpay naman nilang napigilan ang nilalang na iyon kung kaya’t nakapasok na lahat sa lagusan ang mga sinaunang diwa liban na lamang sa isang nahulog sa lawa ng paglimot. ****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.7K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook