CHAPTER 05: The Guy from Midnight Sect

1417 Words
“Ang pagtitipon na iyon ay nangyayari isang beses sa loob ng apat na taon na gaganapin sa lungsod ng Aero. Hindi natin ito pwedeng palagpasin. Sumali ka sa pagtitipon at siguraduhin mong mabuti na magagalugad mong lahat ng mga batang ipinanganak ng ika-siyam ng gabi roon.” “Masusunod.”   **** Sa tarangkahan ng isang malawak na dausan naroon ang magkakambal na Manawari at Hiraya  na nakatalagang magbantay at salubungin lahat ng lalahok sa pagtitipong gaganapin na siyang sisimulan ng hair ornament ng kanilang tiya. Tungkulin nilang siguraduhing walang sino mang makakapasok na hindi kabilang sa listahang ibinigay ng kanilang ama na siya ring pinuno ng kanilang kinabibilangang sekta. Ang sektang Dawn. Abala si Manawari sa pakikipag-usap sa mga dumarating na panauhin habang si Hiraya naman ay nakaupo lang sa tabi nito at mahimbing na humihilik. Lahat ay kinakausap ni Manawari, inuutosan ang kanyang mga nakabababang kapwa disipolo. Lahat ng gawain na sana ay hati nilang magkapatid ay siya na ang umako lahat. Wala lang naman iyon sa kanya, kumbaga ay hindi na rin niya iyon binibigyan pang lalo ng malalim na pansin. Hindi naman ito ganoon kaimportante sa kanya. Naiintindihan niya ang kalagayan ng kanyang kakambal. “Nakatatandang disipolo mula sa sektang Dusk, Sa bahay panuluyan ng langit kayo pananatili habang naririto kayo. Dito po ang daan,” ani ni Manawari sa mga bagong dating. “Paki-gabayan sila patungo sa kanilang panuluyan.” Lumingon siya sa gawi niyang kanan, doon niya nakita ang kanyang kakambal na nahihimbing sa pagkakatulog nito. Isang buntong hininga ang kanyang napakawalan saka niya bahagyang tinapik ang balikat nito na siya namang kaagad na nagpaigtad sa kanyang kapatid. “Hiraya, kanina ka pa tulog nang tulog diyan. Ang dami ng mga taong dumarating. Tayo ang representative ng sekta nating Dawn. Balak mo bang ipahiya si papa ng ganyan?” medyo iritableng usal ni Manawari sa kagigising lang at natarantang kanyang kakambal na Hiraya. Kaagad namang humingi ng tawad ang kanyang kapatid saka ulit napabuntong hininga si Manawari. “Sorry na, Mana. Napaidlip lang naman ako saglit promise hindi na ako pipikit ulit.” “O siya siya, hindi na kita kukulitin jan basta gawin mo na tungkulin mo kung bakit ka naririto ngayon.” Kaagad namang sumilay ang malapad na ngiti sa labi ni Hiraya. Agad nitong inambahan ng yakap ang kakambal. “Kaya love na love kita eh. ‘Di kita ipagpapalit bilang kakambal kahit kanino man.” “Hmmm. Ang clingy mo ngayon, Hira.” Nagpatuloy ang paghaharutan ng magkakambal hanggang sa narinig na lamang nila ang kaguluhang nagaganap hindi kalayuan sa kanilang pwesto. Mabilis na lumapit ang dalawa sa pinanggagalingan ng ingay at tumambad kaagad sa kanila roon ang nagsisisigaw na isang panauhin. “Ano ba, ‘wag niyo nga akong mahawak-hawakan kung saan-saan. Bulag ba kayo, hindi niyo ba nakikita ang suot kong kasuotan? Disipolo ako ng sektang Midnight, klarong-klaro naman iyon sa kulay ng damit ko kaya tumabi kayo sa daraanan ko at papasok na ako.” Ang nagsisigaw na lalaking iyon ay hindi pa rin pinayagan ng mga disipolong kabilang sa sektang Dawn na nauwi sa tuloy pa ring pagwawala ng lalaking nagpupumilit. “Anong nangyayari rito? Anong kaguluhan ‘to?” bungad na pagtatanong ni Manawari nang makalapit sila sa pwesto. Kaagad naman siyang hinarap ng isa sa kanyang kawpa disipolo at ngasalita patungkol sa totoong nangyayari. “Bigla na lang pong dumating ang lalaking iyan dito, Binibining Manawari. Nagpapakilala po siya bilang kasapi at disipolo sa sektang Midnight pero nang hingin na po namin sa kanya ang sagisag na bato ng kanilang sekta ay wala siyang maipakita sa amin. Dahil roon ay hindi po namin siya pinatuloy kung kaya’t gumawa na po siya ng gulo rito.” “Ako si Binibini Manawari, isa sa dalawang anak ng pinuno ng sektang Dawn, pasensya na pero hangga’t wala kang maipapakita sa aming sagisag ng bato ng inyong sekta ay hindi ka namin pahihintulutang makapasok.” Natigil ang lalaki sa kanyang pagwawala nang kanyang masilayan ang mukha ni Manawari, sumilay sa gilid ng kanyang labi ang isang ngisi habang tinititigan ng taas-baba si Manawari. Pinupuno ng kakaibang tingin ang dalawa niyang bilogang mata. “Hoy, nakikinig ka ba?” usal muli ni Manawari an siyang nagpabalik ulirat sa lalaki. “Katulad ng liwanag ng buwan, sing linaw at lumanay nito ang kutis ng iyong wangis...” na-weirdohan si Manawari sa biglang tinuran nito.  “Ah basta sapat na na katibayan ang suot ko ngayon para papasukin niyo ko, ngayon kung magpupumilit kayo ay hindi ko na kasalanan ‘yon. Tabi.” Biglang hinawi nang malakas ng lalaki ang mga taong nakaharang sa kanyang harapan pati na rin ang magkapatid na kambal. Nainis na si Manawari at hindi na rin nakatiis pa’t inilabas na niya ang kanyang pagiging istrikto. Mahigpit niyang hinawakan ang pulso ng lalaki upang hindi na ito makalakad pa ng tuluyan. Inis na binalikan siya ng titig ng lalaki. “Bawal ka sabing pumasok kung gusto mo ay hintayin mo na lamang ang mga kasamahan mong taga-Midnight upang magpatunay na kasapi ka talaga nila.” “Hindi na ako makakapaghintay pa sa kanila. Alam kung matatagalan pa ang mga ‘yon sa bagal nilang kumilos.” Iwinaksi lamang ng lalaki ang kamay ni Manawari at nagpatuloy na naman sa paglalakad. Ngunit kaagad itong hinarangan ni Hiraya sa harapan. Nakadipa pa ang dalawang kamay ni Hiraya habang seryosong nakatitig sa mata ng lalaki. “Pag sinabing bawal, bawal.” Lalong tumindi ang inis sa mukha ng lalaki dahil sa ginawang iyon ni Hiraya. Dahan-dahan muli itong humarap kay Manawari at sa iba pang disipolo ng sektang Dawn. “Ang sabi nila ay likas na malalakas ang mga disipolong nabibilang sa sektang Dawn. Hayaan niyong patunayan ko iyong sa aking sarili sa puntong ito – “ Walang sabi-sabi ay bigla na lamang lumabas ang diwang espada ng lalaki sa kanyang harapan sabay hablot nito sa isang kamay ni Hiraya. Nagulat ang lahat sa nangyari lalo na nang itaas nito pahimpapawid ang sarili kasama si Hiraya. Napahiyaw na lamang si Manawari dahil sa nangyari. “Hoy, ibalik mo si Hira, ibalik mo ang kapatid ko. Hindi ‘yan marunong gumamit ng diwang espada.” Sigaw ni Manawari sa kaibuturan ng kanyang hininga ngunit mukhang hindi man lamang siya narinig ng lalaki. “Habulin niyo ko kung kaya niyo. Tingnan natin kung gaano nga ba kalakas ang mga disipolo ng sektang Dawn pagdating sa angking bilis.” Balik na sigaw ng lalaki sa lahat saka na nagpatuloy sa paglipad paitaas sa himapapwid. Ang kanyang hila-hila namang si Hiraya ay natataranta na ng todo habang pilit isinasakay ang kanyang sarili sa diwang espada ng lalaki. “Walang hiya ka, ibalik mo ko dun. Ibaba mo ko.” Bulalas ni Hiraya. Hindi ulit nakinig ang lalaki at sige lamang sa pagtaas ng kanilang lebel ng lipad. “Ibaba mo ko sabi eh.” “Manahimik ka jan at hindi pa tama ang taas natin para bitawan kita.” “Kung ganon ay bibitawan mo talaga ako rito sa ere?” kabang-kaba na pagtatanon ni Hiraya. “Ano pa ba, dahil ikaw ‘tong pursigedong harangan ang daan ko kanina kaya ikaw ang susubukan ko upang makita ko mismo kung gaano kalakas ang sektang Dawn.” “Pe-pero... hindi ako marunong gumamit ng diwang espada. Wag mo kong bitawan please, parang awa mo na.” Natigilan sandali ang lalaki at bahagyang napatitig sa nagmamakaawang mukha ni Hiraya pero kaagad din naman nitong ipinagpatuloy ang kanilang pataas na paglipad. “Hindi ako naniniwala. Maghanda ka na at kunting segundo na lang at tuluyan na kitang bibitawan.” Panunukso pa ng lalaki kay Hiraya. Todo kambayot naman si Hiraya sa suot ng lalaki upang hindi ito malalaglag. Pagkatingin niya kasi sa kanyang ibaba ay lubhang napakataas na nga talaga ng kanilang nagawang paglipad at alam niya sa kanyang sarili na kapag nahulog siya sa ganon kataas na lebel ay isa lang ang kahahantungan niya, at iyon ay kamatayan. Nagmakaawa ulit siya sa lalaki ngunit parang hindi na talaga nakikinig ito. Maya-maya pa ay tumigil na sa paglipad ang lalaki saka tumitig ng makahulugan kay Hiraya. Walang sabi-sabi ay bigla na lang nitong itinulak si Hiraya mula sa pagkakasakay nito sa kanyang diwang espada na siyang tuluyang nagpahulog sa dalaga. Sa bilis ng pangyayari ay naging tuod na lamang si Hiraya. Huli na nang malaman niyang tuloy-tuloy na ang pagbulosok paibaba ng kanyang katawan.   Itutuloy . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD