Sa partikular na lugar, sa lugar kung saan matatagpuan ang lungga ng mga Asura, isang grupo ng lahing demonyo, ay naroon ang leader ng mga ito habang abala itong kinakausap ang isa sa kanyang mga taga-sunod.
Mapapansing malalim ang kanilang pinag-uusapan basi na rin sa nagiging mood ng buong paligid. Animo’y wala ni ihip ng hangin ang gustong gumambala sa pag-uusap na iyon, ni isang tunog ng isekto ay wala ring marinig sa paligid.
Nagpatuloy sa pagsasalita ang leader ng grupo ng demonyo nakalungga sa lugar na iyon. Laking pagkadismaya niya dahil sa nagawang kapalpakan ng kanyang mga tagasunod noon na nagsanhi upang hindi mapasakamay nila ang dalawang kaluluwa na kanilang pinagkakainterisan.
Nanginginig at agarang napaluhod sa kanyang harapan ang isa niyang taga-sunod, na siyang kanyang inutusan noon upang kunin ang kaluluwa ng dalawa ngunit nabigo. Humingi ito ng sapat na kapatawaran habang hindi ninanais na itaas ang kanyang ulo sapagka’t alam niyang katampalasan iyon.
Hindi naman ito pinag-aksayahan pa ng oras ng kanilang leader bagkus ay parang ipinagsawalang bahala na lamang ang nangyari at iniba ang usapan.
May isang tagasunod na naman siyang nagbigay ng kanyang mungkahi, may kakaibang pangalan itong binanggit na tunay na nakakuha ng buong atensyon ng kanilang pinuno. Natuon sa tagasunod na iyon ang buong atensyon nito ngunit wala namang ginawang ibang hakbang ang leader kundi waring malalim lamang na nag-iisip ng mga bagay.
Maya-maya pa ay sumali na rin sa pag-uusap ang nakatatandang sage o mahekiro ng kanilang grupo.
“Pinuno, sa darating na mga araw ay isang malaking pagtitipon-tipon ang magaganap at lalahokan ito ng limang righteous sect. Ayon sa nakalap na imposmasyon mula sa isang nasa labas na ating kasapi ay posibleng naroroon ang hinahanap natin.”
Nagpalitan ng matalinghagang titig ang nakatatandang sage at ang kanilang pinuno. Ilang saglit pa ay nauna nang nag-iwas ng tingin ang leader at tinawag ang isa sa kanyang mga taga-sunod, inutusan niya itong maglakbay at siguraduhing mabuti na tama ang impormasyong sinabi sa kanya ng nakatatandang sage.
Wala namang pagaatubiling humayo ito at sinunod ang utos ng leader.
“Kung totoo ngang nasa pagtitipong iyon ang dalawa ay magiging hudyat ito upang magpatuloy na ang matagal ng natingga nating plano. Silang dalawang ang pinakamahalagang sangkap sa muling pagkabuhay ng ating alas at hindi natin sila pwedeng basta pabayaan.”
Madiin iyong pahayag ng leader habang ang lahat ng kanyang mga tagasunod ay taimtim lamang na nakikinig saka sabay-sabay ng sumang-ayon sa lahat ng sinabi nito.