"Kumain ka na ba?" Marahan akong tumango sa tanong niya. Kanina pa kami tahimik pagkatapos niya akong halikan at ngayon nakasandal ako sa dibdib niya at nakayakap naman siya sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko lang na manatili kami ng ganito kahit sandali. "Sa susunod na hindi ka makatulog, ‘wag kang lalabas ng bahay. Stay inside and lock the door always. Hindi mo alam ang mangyayari kaya dapat mag-ingat ka," mahina niyang sabi na para bang nilalambing ako. Nasa dibdib niya ang tainga ko kaya rinig na rinig ko ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso niya. "Iry..." "Hmmm?" "Gusto kong mag kape." Napakagat ako sa labi ko para iwasan ang pagngiti. Hindi ko maiwasang matuwa na hinahanap niya ang kape na madalas kong ipagtimpla sa kanya. "G-gusto mo ipagtimpla kit

