"Ano na riyan, bes? Any progress sa inyo ng bebe mo?" Napairap ako sa tanong ni Jason pero hindi ko rin mapigilang mamula nang maalala ang nangyari kagabi kagabi. "Hindi naman halata na kinikilig ka. An’yare?" tanong naman ni Pinky nang mapansin ang pamumula ko. “Wala,” tangi ko agad at sunod-sunod na umiling. “Talagang lolokohin mo pa kami, ano? FO na tayo!” “Anong FO?” biglang tanong ni Jherlyn na kanina pa tahimik dahil may nilalaro sa cellphone niya. “Friendship Over!” sabay na sagot ni Jason at Pinky na sobrang sama ang tingin sa akin. Agad naman akong sumimangot. “Oo na, ito naman. Atat ‘yan?” “Tanga. Puro ka na lang kasi tanggi. Ano ba kasi ‘yon?” Napahagikhik ako. "Nag kiss kami ulit," mahina kong sagot. Hindi na ako nagulat nang sabay silang tumili habang si Jherlyn nama

