"Wala uli si Fafa Zage. Saan na naman kaya pumunta 'yong bebe mo?" tanong sa akin ni Jason nang makitang wala si Zage sa upuan niya. Friday na ngayon at wala naman kaming masyadong klase dahil maraming vacant pero may tinatapos kaming research kaya nagtataka rin akong wala si Zage kahit sinabihan ko siyang importanteng matapos namin ang gawaing ‘yon. Sabay naman kaming pumasok kaninang umaga. Siya pa nga nagdala ng bag ko at hinatid niya pa sa upuan ko. Buti na lang maaga kaming dumating kaya wala masyadong nakakita. "Ang weird na lagi ni Uzumaki," komento naman ni Jherlyn habang nagtitipa sa laptop. Tumango ako. "Pansin ko rin. Sinasabay na niya akong umuwi tuwing hapon at dumadaan kami lagi roon sa tent malapit sa ilog." "Kaloka nga, sis. Sabi ko naman sa ‘yo palagi niya akong pinap

