"Hindi naman ako nagmamadali. Malakas naman ang loob ko na sasagutin mo ako, so, no pressure." 'Yan ang huli kong narinig kay Zage nang gabing 'yon. Wala kasi akong masabi kaya akala niya nahihirapan akong mag-decide pero ang totoo na shock lang talaga ako. Ready na akong sagutin siya agad-agad nung gabing 'yon. Chos! Hindi pa ako ready. Duh! Baka mamaya bigla na lang akong kurutin ni Nanay sa singit kasi kumekerengkeng ako. Gulat na lang siya, jowa ko na pala housemate ko. Lunes na ulit ngayon. Wala akong ginawa buong weekend kun'di ang maglinis mag-isa at mag isip-isip. Kasalanan ‘to ni Zage, e. Tapos alis pa ng alis hindi ako tinutulungan mag overthink este maglinis. Nag paalam naman siya sa 'kin na pinapatawag daw siya ng Daddy niya at wala naman akong magawa kasi syempre tatay niya

