Gulat kong tinignan si Zage. Nasa magkabilang gilid ko ang braso niya kaya hindi ako makaalis. "May problema, ‘di ba?" mahina niyang tanong habang nakatingin sa mga mata ko. Kinabahan tuloy ako kaya tinignan ko ang paligid. Mabuti na lang at walang tao dahil baka ma-issue kami ng wala sa oras. "P-pinagsasabi mo? Wala namang problema, ah," nauutal kong sabi at umiwas ng tingin. "Look at me," utos niya pero hindi ako sumunod kaya hinawakan niya ang baba ko at sinalubong niya pa ang mga mata ko. "Nag dadalawang isip ka?" "A-ano?" Kinagat niya ang labi niya bago nagsalita ulit. "Criza and I were just friends, Iry," aniya na parang nagmamakaawang paniwalaan ko ang sinasabi niya. "Bakit ka nagpapaliwanag? Tinanong ko ba?" mataray kong tanong at lumunok para hindi bumara ang lalamunan ko.

