"Sumali ka na lang kasi, Ate. Malay mo manalo ka pa kahit ganyan ang mukha mo, ‘di ba?” Sinamaan ko ng tingin si Mitch. Itong batang 'to talaga, akala niya sa lahat ng bagay madali lang, e. "’Wag mo akong itulad sa’yo dahil alam ko namang makapal ang mukha mo,” sagot ko at inirapan siya. "Ay weh? Talaga ba, ‘te? Manipis pa pala sa lagay na 'yan?" Binato ko siya ng sponge na hawak ko pero agad rin naman niyang nasalo. Naghuhugas kasi kami ng plato ngayon dito sa kabilang bahay kung saan sila nakatira. Pumunta ako rito para sabihin sa kanila ang biglang pagkaligaw ng pangalan ko sa list ng Candidates pero pinaghugas pa ako ng plato ni Nanay. Hays. "Wala namang mawawala kung sasali ka, 'nak. Malay mo magamit mo iyan sa future,” ani Nanay habang nagbabalat ng kalabasa. "Nanay naman, kai

