“Samahan mo muna ako sa room ni Miss Gemola,” aya koy Jason. Hindi kasi pumasok sa klase kanina si Ma’am. Itatanong ko sana kung sino ang damuhong nilalang ang nag-recommend sa akin na sumali sa pageant na hindi ko naman ginagawa. Kailangan naming mag tuos. "Masakit ang puson ko, Bes. Mayroon ako ngayon,” arte niya. Binatukan ko nga. “G*ga, huwag kang ambisyosa. Never ka magkakaganoon.” "Ang sama mo talaga. Masakit nga kasi ang tiyan ko, e!" “Tumae ka kaya?” “Tapos na!” "Pano ba naman, hindi mo kasi tinitignan ang expiration date ng kinakain mo.” Napailing ako. Kumain ba naman ng pagkaing expired. Ewan ko talaga sa baklang ‘to. Ayos lang naman ang maging tanga pero sa sitwasyon niya, inugali niya pa. "Ako na lang ang sasama sa’yo,” singit ni Jherlyn at humikab. "Sorry nakatulog ako.

