Napanguso na lang ako sa sinabi ni Jason. Sabi ko nga. Sinabi ko na rin naman ‘yon sa sarili ko. Tanga ko talaga. Ang hirap lang kayang paniwalaan na may gusto sa akin si Zage! Uh, ayaw kong umasa. "Tama na nga! Ayaw kong umasa, okay? Wala siyang gusto sa akin kasi sa tuwing hinahalikan niya ako parang wala lang sa kanya," sagot ko at umirap. "Wait... hinahalikan ka niya?!" Agad na nabalik sa kanila ang mga mata ko. Hindi ko napansin na nasabi ko na pala ‘yon! Agrh! Ano ba ang nangyayari sa akin? "Malandi ka talaga, bes! Hinalikan mo siya?!" Binatukan ko si Pinky. "Bruha, hindi ako ang nanghahalik. Siya!" Ngumuso ako ulit. Unti-unti nang nabubunyag ang mga tinatago ko sa isang iglap lang. "Weh? Hinahalikan ka talaga ni Zage?" hindi makapaniwalang tanong ni Jason. Anong tingin nila sa

