Sa sobrang lutang ko dahil sa nangyari, hindi ko namalayan na sa kabilang bahay na ako napunta. Pinasalamatan ko rin naman ang sarili ko dahil do’n kasi hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Zage matapos niyang gawin ‘yon. Hinalikan niya ako! Pang ilang halik na ba ‘yon? At hindi lang basta halik kasi sinipsip niya pa ang labi ko para siguro matanggal ang liptint do’n. Anong tingin niya sa liptint ko water proof? Natanggal na ‘yon kanina habang kumakain ako sa bahay nina Minho! Sandali nga lang. Bakit ba ako nag rereklamo, e, nagustuhan ko nama--- ay no, erase. Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito. Pero kasi kinikilig talaga ako. Puwedeng manisay? Kahit one minute lang gano’n. "Ang halik mo~ " rinig kong kanta ni Mitch habang naghuhugas siya ng plato. Nandito kaming dalawa sa kusina

