Matiwasay naman kaming nakarating ni Zage sa Dimm High. Matiwasay dahil hindi naman siya nagahasa ng mga dalaga at senior citizen do’n sa jeep na sinakyan namin. Pero saying din, baka ikinatuwa ko pa kapag mag nangyari nga. Charot. "Mauuna akong papasok ng gate, pahuli ka,” sabi ko sa kanya habang naglalakad kami palapit sa gate. Napansin ko naman ang pag kunot ng noo niya dahil sa sinabi ko. “Why?” Inirapan ko siya. “Anong why? Mag isip ka nga. Paano kung ma-chismis tayo kung sabay tayong papasok? Kita mo naman ‘yong reaksyon ni Criza no’ng makita niya tayo sa gate ‘di ba?Muntik na akong masaksak ng wine glass. Sa ating dalawa dapat mas alam mo kung gaano ka-baliw ang babaeng ‘yon.” “Yeah whatever,” sagot niya at naglakad na. Tumakbo naman ako ng mabilis papunta sa gate para maunahan

