"Akala ko talaga kakalmutin mo na 'yong bruhang 'yon, e. Sayang, ready na sana akong mag video,” ani Jason habang papalapit kami sa upuan namin. "Tingin mo sa’kin, tanga?" Tinuro ko ang sarili ko. "Bubugbugin ko lang ‘yong clown na 'yon kapag ako na ang sinaktan niya." Umupo na ako at tinignan si Jherlyn. Nasa harapan ko lang pala siya nakaupo. Hindi ko napansin ‘yon dahil na rin siguro madalas nag babago ang arrangement ng upuan namin naka-depende sa gusto ng mga kaklase ko kung kanino sila tatabi. Nahihiya siyang ngumiti. "S-salamat nga pala sa pagtulong mo kanina, Iry." "Okay lang 'yan, Bes. ‘Wag ka lang maging tanga minsan dahil kawawa ka talaga sa clown na 'yon. Iisipin niyang mahina ka kaya ikaw ang pagtitripan niya," seyoso kong sagot. "Sanay naman ako, lagi akong binibiktima n

