"Get one whole sheet of paper," bungad ni Miss Gemola nang makapasok siya sa classroom. Nilapag niya ang hawak niyang mga libro at ang stick na gawa sa kawayan na ginagawa niyang pang hampas sa estudyanteng hindi makikinig sa lesson niya. Tinitignan ko pa lang ang stick na ‘yon alam ko na agad na masakit.
Bumuntong hininga ako. Second period na ako nakapasok. Hindi na ako nag abalang pumasok sa klase ni Sir Kalvo kasi alam ko namang papagalitan niya na naman ako at imu-murder niya na naman ang apelyedo ko. Nakakaloka talaga ang matandang kalbo na 'yon. Balak niya atang sa akin ibuntong ang galit niya sa mundo ngayong taon. Ako na lang palagi ang nakikita.
“Ang pangit ka-bonding ni Ma’am. Hindi ako nag-aral, e,” reklamo ko habang naghahanap ng papel sa bag. Saka ko lang naalala na wala pala ako no’n kaya agad akong pumunit ng isa kay Jason.
Sinamaan naman niya ako ng tingin. “Estudyante ka pa sa lagay na ‘yan, ah?”
“’Wag mo na isipin. Isipin mo na lang ang isasagot mo mamaya kasi manghihingi rin ako,” sabi ko.
“Ay, wow. Sa’kin pa talaga? Ni wala nga atang pumasok sa utak ko sa ni-lesson ni Maam kahapon, e.”
"Oh, may utak ka pala?" pang-aasar ko.
"Ang harsh mo talaga sa’kin."
Ngumiti ako.
"Maldita ka talaga. Kulang ka ata sa kiss ni Fafa Zage," panunukso niya kaya nilakihan ko siya ng mga mata at hinampas ng hawak kong lalagyan ng mga lapis kaya napa 'aray' siya.
"Tigilan mo ako, bakla, alam mo bang hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nakita ko doon sa The Eve?"
Totoo ‘yon, sa true lang! Hindi ko nga natapos ang painting ko dahil doon, e. Iniisip ko kung bakit sila gano’n. Like hello, highschool pa lang kami at alam kong hindi pa sila legal lahat so paano sila nakakapasok doon?
Napabuntong hininga ako nang maalala na nakapasok nga rin pala ako kahit minor pa ako dahil hindi ko suot ang uniform ko. Nakakaloka talaga, kahit sa panaginip ko dinadalaw ako ni Zage. Bangungot. Bakit kaya? Baka mamamatay na siya, that's why. Char.
"Sus. Baka nagseselos ka lang kasi hindi ikaw ang nahalikan kagabi," panunukso niya pa, hindi pa nadala sa isang hampas ng hawak ko. Gusto niya siguro dictionary na kasing kapal ng mukha niya ang ihampas ko sa kanya. Hindi ko na lang siya pinansin kasi nagsimula na si Miss Gemola.
“Hand in your phones,” mautoridad niyang sabi.
"Bakit, ma'am?" tanong ni Lailane, ang Class President namin.
"Kasi alam kong may iba sa inyo na sekretong nire-research ang mga sagot sa seatwork at quiz.”
Sunod-sunod na pag reklamo ang narinig ko galing sa mga classmates ko kaya napangiwi ako. Matatalino halos ang nasa section namin pero masasabi kong sobrang shunga nila ngayon. Pinahalatang guilty sila sa sinabi ni Miss Gemola.
Wala na kaming nagawa kun'di ilabas nalang ang mga cellphone namin at sinunod ang sinabi ni Ma’am. Habang isa-isang pumupunta sa harapan para ilagay sa lamesa ang cellphone ay isa-isa ring lumalabas ang mga masasamang komento ng mayayaman naming kaklase tungkol sa mga kaklase naming hindi mamahalin ang mga cellphone. Nagyayabang pa ang iba dahil kuno naka-iphone sila.
Kung makapagyabang ang mga 'to parang pera nila ang pinambili ng mga cellphones nila. Ang yayabang, asa lang din naman ng asa sa magulang. Buti pa ako, nag iipon-----charot! Hindi ko talaga pinag-ipunan ang pambili nitong cellphone ko dahil binigay lang 'to sa’kin. Kung may naiipon man ako, iyon ay walang iba kun’di sama ng loob lamang.
Nag-umpisa na kami sa quiz namin at nang matapos ako at magpapasa na ng papel ay kaunti nalang ang estudyanteng natira sa classroom.
Nakakaloka naman kasi, ang hirap ng solution, e. Bakit kasi may Math pa sa Science? Ang sakit sa bangs.
"Kunin mo na ang cellphone mo," sabi ni Miss Gemola at kinuha ang papel ko.
Mabilis kong hinablot ang cellphone ko at naglakad pabalik sa upuan. Nagugutom na akooooo!
Inayos ko lahat ng mga gamit ko saka naglakad palabas ng room, nadaanan ko pa si Zage na nakatitig lang sa papel niya. Natawa ako nang pagmasdan ko siya kasi alam kong wala siyang sagot. Napansin niya siguro na nakatingin ako kaya binelatan ko siya at mabilis akong lumabas at hinanap si Jason. Nauna siyang natapos sa’kin kasi hindi naman niya sinagutan lahat. Sumasakit daw ang batok niya sa pagso-solve.
"Baklang 'to," bulong ko nang makita ko siyang rumarampa sa hallway. Tinitignan siya ng ibang estudyante, natatawa, may iba ring namamangha dahil nag la-Lava Walk siya.
Nilapitan ko ang bakla at hinila pababa ng building.
"Huy, ano ba. Kaloka naman ‘to, akala ko kung gwapong papable na ang humila sa’kin.”
Umirap ako. "Bilisan mo, nagugutom na ako.”
Pumunta agad kami sa Cafeteria at naghanap ng bakanteng table. Hindi ko na iaasa kay Jason ang paghahanap ng table kasi boy hunting lang ang gagawin ng baklang ‘to. Pero hindi pa kami nakakahanap ng mauupuan ay nawalan na ako ng ganang kumain dahil sa demonyetang tumawag sa ‘kin.
"Hey, b*tch."
Sabay kaming napalingon ni Jason sa nagsalita. Si Criza, sino pa nga ba. Kasama niya ang mga alipores niyang feeling magaganda, mga mukha namang tapeworm na nalunod sa asin.
Hindi ako nangju-judge, describing lang.
"Oh? Bakit?" nakataas kilay kong tanong.
Hindi makapaniwala siyang bumuga ng hangin. Pakiramdam ko gusto niya akong sugurin at sabunutan kaya natuwa ako. Ewan ko ba pero para sa akin ay isang achievement kapag may nainis akong tao.
“I really hate seeing you around. So much,” gigil niyang sabi dahil magkadikit na ang ngipin niya sa taas at sa baba.
“E ‘di ‘wag mo akong tignan. Basic lang ‘yon pero hindi mo magawa?”
Lalong namula ang mukha niya. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang galit niya sa akin pero bahala siya, deserved.
“Ang kapal ng mukha mo tapos malandi ka pa. Hindi ko mahanap ang dahilan kung bakit kinakausap ka ni Zage, e, mukha ka namang trash.”
Gumalaw ang kilay ko dahil sa sinabi niya at ganoon na rin ang labi ko. Pinipigilan kong matawa dahil napaka-lame ng dahilan kung bakit siya galit sa akin ngayon. Si Zage? Seryoso?
“Oh, e, ano naman? Hindi ko nga rin mahanap ang dahilan kung bakit ko rin siya kinakausap, e,” sagot ko. “Baka ikaw alam mo.”
“Ang kapal talaga ng mukha mo! You’re just a transferee yet you act as if sobrang tagal mo na rito. You even talked to the school’s famous boy—”
“Bakit hindi sila ang sabihan mo na huwag akong kausapin? Sa pagkakaalam ko kasi hindi ko kasalanan na maganda ako para mapansin ng mga lalaki,” natatawa kong sabi.
“What the--- you’re laughing?”
Bumaba ang tingin ko sa kamao niya at hind inga ako nagkamali kasi nakakuyom na iyon.
Bumuntong hininga ako. Nakakaagaw na kami ng maraming atensyon at baka maging dahilan ito ng pagiging famous ko. Gusto ko nang kumain!
“Kung marunong ka lang sanang gumamit ng utak, hindi mo sana ikababaliw ang pag-iisip kay Zage, Criza. Tigilan mo ako, puwede? Palagi niya na ngang sinisira ang araw ko, dumadagdag ka pang bruha ka," naiinis kong sabat.
Nanlalaki ang mga mata niya. "What did you just call me?"
I frowned. Hindi ba siya aware na bruha siya?
"Bingi ka ba, girl? Sabi ko, bruha ka," tamad kong sagot.
Malakas siyang napabuga ng hangin at mabilis na kinuha ang basong may lamang juice na sigurado akong ibubuhos niya sakin. Nakahanda na ang kamay ko para pigilan siya pero may nakaunang nakahawak sa braso niya kaya hindi niya natuloy.
Rinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid, lalo na ang singhap ni Jason na sobrang OA.
"What are you doing, Z? Let go of my arm!" sigaw ni Criza.
Sino ang Z na binanggit niya? Walang iba kun’di si Zage, oo!
"That's enough, Criza," malamig na sabi na Zage at kinuha sa kamay ni Criza ang basong muntikan na niyang mahampas sa akin at pinatong iyon pabalik sa lamesa.
Napairap ako. Callsign ata ‘yong Z? Ang bantot, ah. Dinamay ang alphabet sa kaharutan.
"Halika na, Bes." Hinila ako ni Jason palayo at umupo kami sa upuan na malayo sa kanila dahil hindi na ako nagsalita.
Umigting ang panga ko. "Nang-iinis 'yong bruhang 'yon. Ako pa ang tinawag na malandi. Nabawasan tuloy ang oras ko sa pag kain dahil sa kanya," naiinis kong sabi at inayos ang bangs ko na nagulo.
"E, ano pa bang aasahan mo kay Criza? Dakilang malandi 'yan ng Dimm High. Balita ko nga boyfriend niya raw yong Captain ng Football Team, pero nilalandi naman niya si Fafa Zage na Captain naman ng Basketball Team. See? Mahilig siya sa Captain, mare. Kulang nalang pati Kapitan ng Baranggay jowain niya," sabi ni Jason at uminom ng tubig----saan naman nakakuha ng tubig 'to?!
"Hoy, gaga! Bakit ininom mo 'yang tubig d’yan? Hindi 'yan sayo. Kadiri ka talagang bakla ka!” sigaw ko.
Na-realize naman niya ‘yon kaya nanlaki ang mata niya at mabilis siyang tumakbo palabas ng Canteen. Maarte rin kasi siya. Sigurado akong iisipin niya agad na paano kung may nakakahawang sakit pala ang may-ari ng tubig na ‘yon?
Mahina akong natawa at napailing bago pumunta sa counter para umorder.
"Iry~"
"Haloo, Pinky," walang gana kong bati kay Pinky. Naiinis pa rin ako sa nangyari kanina.
"Bakit hindi mo sinugod ang bruhang 'yon? Dapat binigyan mo man lang ng remembrance sa mukha," aniya.
Natawa ako. "Gagawin ko naman talaga 'yon kaso dumating 'yong baklang si Zage. Napaka-epal."
"At kung hindi ako dumating, mahahampas ka niya ng baso. Gusto mo ba 'yon ha, Tomboy?"
Sabay kaming napalingon ni Pinky kay Zage na nasa likod ko. Para talaga 'tong kabute, sulpot ng sulpot.
"Tingin mo sa’kin, tanga? Malamang sasalagin ko 'yon. Umepal ka pa kasi, e." Inirapan ko siya.
"Paano kung hindi mo nabantayan?"
"Bakit? Concern ka ba kay Iry---"
"Hindi. Ba’t ako mag-aalala sa tomboy na 'yan?" putol ni Zage sa tanong ni Pinky na ikinalaki ng mga mata ko.
"Tomboy? Sino?!"
"Ikaw," parang inosente niyang sagot.
"Aba’t! Gusto mong masapak---"
"See. Tomboy ka nga. Tsk, tsk."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Talaga ha. ‘Wag kang mag alala papanagutan ko 'yang pagiging tomboy ko, makikita ka talaga ng pasa sa mukha ng Criza na 'yon."
"Paghahandaan ko 'yan, ah," pang-aasar niya lalo at umalis habang mahinang tumatawa. Muntik ko pa siyang sipain sa sobrang inis ko pero hindi ko na lang ginawa dahil alam kong hindi ko na siya maaabot.
Nang ibalik ko ang tingin ko kay Pinky ay abot tainga na ang ngiti niya.
Umirap ako. “Mukha mo.”
Natawa siya. “Sorry na, frend. Bagay talaga kayo, legit no lies.”
Napangiwi ako at akma siyang kukurutin pero umiwas siya agad. Mabuti na lang walang nakasunod sa pila kaya puwede kaming mag-usap ng matagal.
“Nakakadiri kayong dalawa ni Jason. Naririnig niyo ba ang mga sinasabi ninyo?” naasar kong sabi.
"Ang harsh mo kasi. Kaya ka nasasabihan ng tomboy. Naku!"
Hindi na ako sumagot dahil totoo naman. Ewan ko ba. Kasalanan ko ba kung ganoon ang lumalabas sa bibig ko?
Bumalik na ako sa table nang maka-order, nakabalik na din si Jason at sabay na kaming kumain. Pagkatapos kumain, dumeretso kami sa Computer Laboratory para sa sunod naming klase. At kung pwede akong mamatay dahil sa tingin, malamang kanina pa pinaglalamayan ang maganda kong katawan dito. Char.
E kasi naman, ang sama ng tingin ni Criza sa'kin.
"Sugudin na ba natin 'yan, Bes?" bulong ni Jason.
Inirapan ko siya. "Tigilan mo ako. Ang lakas ng loob mong mag-ayang sumugod, ah. If I know titili ka lang at ichecheer ako. Best friend talaga kita," sarkastiko kong sabi.
"Hehe, alam mo nam---"
"--takot kang madamay ang retokado mong mukha,” pagtatapos ko.
“At least maganda!”
"Ew nga. Tumigil ka sa kaartehan mo, alam kong maganda ka pero nunkang pupurihin kita riyan," sagot ko at kunwareng ihahampas sa kanya ang keyboard.
Tumawa siya na parang isang malanding kiniliti. “Omg! Eh! You just did!”
Dumating na ang teacher namin sa Computer Class kaya natahimik na kami pareho at nakinig na sa guro na ginagawa ang daily routine niya. Syempre, ano ba ang daily routine ng teacher?
Check ng attendance, magagalit sa absent, magagalit sa late, magagalit sa hindi complete uniform, magagalit sa walang ID---at ako 'yon! Buti na lang sanay na ako.
"I'll group you into 12 groups, 3 persons each group," sabi ni Ma'am at naglakad-lakad sa gilid namin.
Nagsimula na siyang i-announce ang tatlong students na magkakasama sa isang group.
"Sactos, Paling and Jotajot."
Ngumuso si Jason matapos marinin ‘yon. “Hindi tayo magkasama.”
"Buti nga. Nagsasawa na ako sa pagmumukha mo, e," biro ko. Inirapan niya lang ako at mabilis na tumayo at lumipat ng upuan sa mga ka grupo niya.
"Next is Park, Miranda, and Orel."
"How about my partners, Ma'am?" tanong ni Zage dahil hindi niya narinig ang pangalan niya sa grupo ng mga kaibigan niya.
"Just wait, Mr. Uzumaki," saway ni Ma'am. Tanga talaga ng bakla, sinabi na ngang tatlo lang per group. May tatlo bang apat?
Naghintay ako kung kaylan ako tatawagin ni Ma’am kasi kanina pa siya nagbabanggit ng mga kaklse ko pero hindi ako nasasama. Tama nga’t panghuli ako.
"And lastly, we have Fanlo, Barusa and Uzumaki."
"What?!"
"Ma'am, bakit!?"
Sumabay din ang hindi pagsang-ayon ng ibang estudyante dahil sa huling sinabi ni Ma'am, lalo na ang grupo ni Criza na parang kinakatay na ako sa mga utak nila. Syempre, isa rin ako sa mga hindi sumang-ayon, 'no. I better work with myself kaysa makasama ko pa 'yong baklang damuho na 'yon!
"Aangal kayo o mas gusto ninyong wala kayong grade?" pagbabanta ni Ma'am kaya tumahimik ang lahat at walang nagawa.
Pambihira naman!