"Bes, dudurugin mo ba gamit lang ng kamay mo 'yang fries?"
Nabalik ako sa ulirat at napatingin sa hawak ko. Hindi ko namalayan na nalukot ko na pala yung balot ng fries.
'Wala. Trip ko lang.'
Bwesit talaga! Isang buwan na ang lumipas matapos mangyari 'yon pero sa tuwing naalala ko 'yong araw na kinuha ni Zage ang first kiss ko, gusto ko siyang sugudin at ipa-rape kay Jason!
Trip niya lang? Ano ako, lugar na pwede nyang pag-trip-an? Letse!
"Tama na 'yang pangtu-torture mo kay Zage sa utak mo, Bes," natatawang sambit ni Pinky.
"Hmp. Bumangga sana sa upuan ang hinliliit niya sa paa. Sana hindi masarap ulam niya. Malasin sana siya habang buhay," bulong ko sabay irap.
"Ay, 'di 'yan mamalasin. Ang gwapo, kita mo naman. Saka mayaman 'yan, 'te, balita ko pangalawa ang pamilya ng Uzumaki sa mayayaman dito sa Pilipinas," kwento ni Jason.
Tumaas ang kilay ko. "Kaylan ka pa naging reporter at nakasagap ka ng ganyang balita? E, ano kung mayaman siya? Buti sana kung madadala niya 'yan ‘pag namatay siya."
"Ang harsh mo talaga, 'no?"
"I know right!"
"Mga baklang 'to, umalis na nga kayo dito! Magsisimula na ang klase niyo, hoy!" Tumayo si Pinky at niligpit ang kalat na pinagkainan namin.
"Naman, e! Hindi pa ako tapos kumain!" reklamo ko. Naubos ko na 'yong cake pero may tira pa ang spaghetti at siomai ko. Habang 'yong fries ko naman ay durog na.
"Bitbitin mo nalang 'yan! Bye, Pinky!"
Mabilis kong kinuha ang yakult sa mesa dahil hinila na ako ni Jason palabas. Taena talaga.
-
After ng last subject namin ngayong umaga, in-announce ng class president namin na wala na kaming pasok mamayang hapon. Syempre, naghiyawan lahat ng classmates ko. Sinong hindi matutuwa sa ganoong balita 'di ba?
"Saan tayo ngayon, Bes?" tanong ni Jason nang makalabas kami ng classroom.
"Ewan. Ano bang magandang gawin ngayon?" tinatamad kong tanong.
"Hmm. Puntahan kaya natin si Pinky? Food trip tayo,” suggest nya. Ngumiti naman ako at mabilis na tumango.
"Kita mo na. Basta may libre ang bilis mo, 'no?"
Ngumuso naman ako. "Bes naman. Libre mo na lang ako. Malapit ng maubos ang allowance ko ngayong July, e."
"Pambihirang babae ka. Ako pa talaga gagawin mong taga-libre, 'no? Pasalamat ka dahil dyosa ako."
Hinila na niya ako patungong cafeteria. Gusto ko sanang tanungin kung anong connect ng dyosa sa panglilibre, kaso ‘wag na lang. Baka magbago pa ang isip niya at hindi na ako ililibre.
"Pinky Lou! Tara let's sa galaan!" Nasa pinto palang kami ng cafeteria sumigaw na agad si Jason. Bruha talaga, buti na lang walang ibang tao dito sa loob bukod sa mga waitress ng cafeteria.
"Oh? Ba't kayo nandito? Wala bang pasok?" tanong ni Pinky habang nagpupunas ng mesa.
"We don't have class this afternoon na kasi. So let's go and gala!"
"Libre niya raw," dugtong ko. Ngumisi naman si Pinky at binilisan ang pagpupunas.
"Oh, sige, magbibihis lang ako."
"Abusado kayo masyado sa libre!" reklamo ni Jason na nakanguso. Ew.
"Mayaman ka naman, 'teh. At saka kung makareklamo ka, kala mo naman sa mamahaling restaurant tayo kakain, e, sa daan lang naman," sabi ko at ngumisi pero inirapan niya lang ako.
-
Si Jason lang ang may kotse sa amin kaya malamang doon kami sumakay. Magkatabi silang dalawa ni Pinky sa harapan at nasa backseat naman ako.
"Ang taray ng kotse mo, Bakla. Ang daming chocolates!" masaya kong tili at kumain ng Dairy Milk.
"Oo nga. Hindi na ako magtataka kung titirahan na ng mga langgam ang kotse mo," ani naman ni Pinky at tumawa.
"Bwesit kasi 'yong b*tch kong pinsan. Siya lang naman ang dahilan kung bakit maraming chocolates detey sa kotse ko. At kung makahingi ng pera, akala mo ako ang nanay nila. Nakakaloka. Mga wengya, mas mayayaman pa 'yon sa'kin, e," naiinis na sagot ni Jason. Natawa nalang kami ni Pinky dahil 'yong kilay niya nagsasalubong na.
"Masyado ka kasing mayaman, 'yan tuloy kahit hindi pasko ang daming nanghihingi ng aguinaldo sa'yo."
"Naloloka na talaga ang beauty ko. Kaya pagka-graduate na tayo, mag-iibang bansa talaga ako!" Lalo kaming natawa ni Pinky sa sinabi niya. Sira ulo talagang bakla 'to. Ang kuripot kasi.
"Oh! Speaking of graduate. Ikaw, Pinky Lou, wala ka bang plano mag-college?" tanong ko kay Pinky.
Tumigil kasi siya sa pag-aaral ngayong taon kasi kailangan niyang kumita ng pera para sa kapatid niya na may sakit. Last year siya grumaduate ng High School kaya dapat College na siya ngayon pero 'yon nga, tumigil siya.
"Ahh, 'yon ba. Maybe next year babalik na ako ulit sa pag aaral," sagot niya.
"Talaga? E, 'di magkakasama pa rin tayo kung nasa same University tayo 'di ba?" excited kong tanong. Tumango naman siya at nag-apir kami.
Nag-usap lang kami habang tinatahak ang patutunguhan naming distenasyon.
ANG LIKOD NG PALENGKE.
Pero may sarili kaming tawag sa lugar na to.
Ang... In-stick-food. Ang baduy ng pangalan kasi baduy din naman si Jason na siyang nag pangalan.
Halos kasi ng mga paninda rito ay nakatuhog sa stick gaya ng mga barbeques kaya in-stick-food ang naiisipan niya na itawag.
Halos isang oras kami sa na nakatambay doon habang kumakain ng isaw, barbeque na paa, ulo, atay at skin ng manok.
"Ang sarap!" ani Jason at biglang dumighay. Binatukan naman siya ni Pinky kaya napangiwi siya.
"Ayan. Ang baboy mo kasi!" sabi ko at benelatan siya.
"Makababoy naman 'to. Nahiya naman daw ako sa katakawan mo 'no."
"Bakit, anong problema mo sa katawan ko? Hindi naman ako mataba."
"Mataba ka kaya. Ang laki ng bilbil mo, oh!"
"Gaga! Hindi ‘yan bilibil!"
"Eh, anong tawag mo dyan? Tiyan ng baboy?"
"Hoy, nahiya naman ako sa tiyan mong pang baka!"
"Kung baka man ako, correction, Dyosang Baka."
"Jason, correction again, dyosa kamo ng kadiliman."
"Ako si Catriona!"
"Mukha mo! Maputi si Catriona ikaw hindi. Kulang ka sa Gluta."
"Ahm, guys? ‘Di pa kayo tapos?" Napalingon kami ni Jason kay Pinky na natatawang nakatingin sa'min.
Uh, nakalimutan naming nag-eexist siya. Sorry naman.
"Salamat sa free watch ng kantyawan nyo. Pero may pupuntahan pa 'ko," aniya.
"Saan? Pasama," sabi ko at tumalon-talon.
"Pupunta ako sa The Eve. Magpapaalam ako na hindi muna ako papasok ngayon kasi babantayan ko sa Hospital ang kapatid ko," aniya. Ang THE EVE ay isang sikat na Bar ng pinagtatrabahuan ni Pinky bilang waitress ‘pag gabi.
"Bessy, sama kami. Maaga pa naman, e."
"Naku, Jason ha. 'Wag ka lang talaga lalandi doon!" pambabanta ni Pinky kay Jason.
Ngumuso si Jason at naglakad na kami papunta sa kotse niya.
Nang makarating kami sa The Eve ay agad kaming pumasok. Pagpasok pa lang namin sa pinto ng bar, sumalubong sa amin ang nakakabinging paligid dahil sa lakas ng party music, mausok din at medyo masakit sa mata dahil sa mga galaw ng mga tao. Ang aga pa pero ganito na sila ka-wild. Mga nakawalang baka ba 'to?
Mabuti na lang at nabihisan namin ang uniform na suot namin kanina bago gumala, kung hindi baka hindi kami papapasukin sa The Eve.
"Ang gwapo no'ng americano, Bes, oh." Turo ni Jason sa isang lalaki na nakaupo sa isang bar stool habang umiinom.
"Come on, Jas, we're not here for that," saway ko at hinila siya para sundan si Pinky sa office ng boss niya. Taray ko, ‘di ba, englisherist.
"Ang KJ mo naman, e!"
"Ampapangit kaya ng mga lalaki rito," sagot ko. Pero joke lang 'yon. Maraming gwapo na dumadaan sa harap namin pero hindi naman ako ‘yung tipo ng babae na luluwa talaga ang mata ‘pag nakakita ng gwapo. Slight lang. Mga 99 percent.
Huminto kami sa isang gilid para doon na lang hintayin si Pinky.
"Uh-uh. Sure kang pangit, ha?" nakataas kilay niyang tanong na parang sinasabing 'are-you-sure'?.
"Bakit? May nakita ka bang gwapo?" nakataas kilay ko ring tanong.
"Bes, hindi lang gwapo. Greek God to be exact! Ayun oh!" tili nya at may tinurong apat kalalakihan, hindi kalayuan sa kinatatayuan namin.
At halos lumuwa ang mga magaganda kong mata sa nakita ko! Si Zage Claws Uzumaki nakikipaghalikan sa isang chixs. At hindi lang basta halikan, kasi halos hubaran na nila ang isa't isa sa harap nina Minho, Kevin at Larry! Nakabukas pa ang tatlong buttones ng polo shirt niya. Tapos 'yong kamay ng babae ay nasa gitna ng hita ni Zage at ang kamay naman ni Zage ay nasa loob ng---ng ano! Doon sa panloob ni girl! WTF?! Tapos parang wala lang 'yon kina Minho, Kevin at Larry?! Sanay na ba sila?!
"Gago talagang lalaki 'to si Uzumaki. Jusko!" umarte akong nanginginig dahil nandidiri.
"Ay, weh? Baka selos yarn?"
Sinamaan ko ng tingin si Jason. Sinong nagseselos? Ako?! Oh, please! At bakit naman?! Mukha ba akong may gusto sa pinsan ni Naruto na 'yan?! Grrrr!
"Ano, 'te, bakla pa ba ang tingin mo doon?" natatawang tanong ni Jason. Bwesit na baklang 'to.
Umirap ako at tumalikod para hindi na dumako ang tingin ko kina Zage. Taena naman kasi. Live p0rn! Nakakaloka! My virgin beautiful eyes!
Biglang sumulpot si Pinky. "Mukha kang asong naiiyak d'yan, Iry. Anyare sa'yo?"
"Huhu. Bessy Pink, nakakita ako ng p0rn!" naiiyak kung sabi. Nakakainis naman kasi. Ni hindi nga ako nanunuod ng ganoong scene sa TV, sa personal pa kaya?!
"Ang OA nitong baklang 'to. Pa-inosente ka rin masyado. Saka p0rn agad tawag mo roon? E, ano na lang kaya kung nakahubad na talaga lahat?" Pangcha-chaka ni Jason at ikwenento kay Pinky ang nangyare. Ending, pareho nila akong pinagtatawanan.
"Bakla pa ba ang tingin mo kay Zage?" panunukso ni Pinky.
"Saan ka nakakakita ng ganong bakla?" gatong pa ni Jason.
"OO NA! OO NA! HINDI NA BAKLA! KAINIS!" naiinis kong sabi at naunang lumabas sa The Eve.
Hinatid kami ni Jason pauwi. At habang nasa sasakyan, wala parin silang tigil sa pang-aasar sa'kin. Ako naman ay nakasimangot lang at nakatingin sa labas ng bintana.
Pinaglalaban nila?
Nakakahiya raw ako kasi sinabihan ko ng bakla si Zage, e, ang layo naman daw.
Kasalanan ko ba 'yon? Nadala lang naman ako noon kasi kinuha niya ang first kiss ko.
"Nahiya naman daw ang mga bakla sa kamachuhan ni Zage, 'no." And again, tumawa na naman sila.
Sila lang nakaka-relate! Hmp! Hindi ba uso sa kanila ang move on?
"Bye, Iry! Good Night!" sigaw ni Pinky mula sa loob ng sasakyan ni Jason habang tumatawa.
"Heh!" Binilatan ko pa sila bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
May dalawang magkatabing bahay na pagmamay-ari namin na magkapareho ang kalakihan. Si Nanay, Tatay at Mitch, kapatid ko, magkakasama sa isang bahay at ako naman doon sa kabilang bahay dahil wala ng space sa kanila Nanay.
"Nanay! I’m home!" sigaw ko nang makapasok sa bahay nina Nanay.
"Ate, shhh. Nanunood ako," saway ng kapatid ko na si Mitch sa akin na nanunuod ng TV. Lumapit ako sa kanya at ginulo ang buhok niya na lalo niyang ikinanguso.
"Yay. Kala ko naman kung ano 'yang pinapanood mo," sabi ko nang makitang nanunuod lang pala siya ng K-Drama. Nanunuod siya ng Bride of the Water God na may English Sub.
"Ihhh. Ang ingay mo kaya. Parang nasa palengke ka, hindi ko tuloy maintindihan ang Sub," reklamo niya.
"Talagang hindi mo maiintindihan kasi mabagal ka pang magbasa ng English. Kaloka ka, try mo kasi manuod ng Filipino Sub," sagot ko sa kanya.
"Pasalamat ka 10 palang ako! Hmp."
Inirapan ko siya saka dumeretso sa kusina at nagmano kay Nanay.
"'Nay."
"Oh, anak. Kamusta ang school?" tanong ni Nanay habang naghahanda ng pagkain.
"Wala po kaming pasok ngayong hapon pero gumala kami nina Jason at Pinky," nakangisi kong sagot.
Binatukan niya ako pagkatapos kong sumagot. "Napakahilig mo talagang gumalang bata ka. Papagalitan ka na naman ng ama mo n'yan."
"Nanay naman. Minsan lang, e, saka libre 'yon ni Jason. Alam mo namang nagtitipid ako ngayon," nakanguso kong sagot.
"Ano ba kasi 'yang pinag-iipunan mo at tinitipid mo ang sarili mo?" tanong niya.
"Wala, 'nay. Pambili ko lang ng panty at bra," sagot ko na may halong biro.
"Ewan ko saiyong bata ka, puro ka kalokohan. Magbihis kana at kakain na tayo."
Tumango ako mabilis na lumabas ng bahay at pumasok naman sa bahay na tinutuluyan ko. Mabilis akong nag half bath at nagbihis saka bumalik ulit sa bahay nina Nanay.
Pagdating ko doon ay nakaupo na sila sa hapag at ako na lang ang hinihintay
"Tatay! How are you?" Lumapit ako kay tatay at hinalikan siya sa pisngi.
"Wag mo akong inglesh-in, anak. Mano-nosebleed ako sa iyo," sagot ni Tatay kaya natawa ako.
"Hindi ka pa ba sanay diyan sa anak mo, Tonyo?" natatawang tanong ni Nanay.
"Tumigil ka riyan Maria, mahirap mag ingles."
"Tatay, simpleng English lang 'yon, e," maarteng sabi ni Mitch habang nagsasandok ng kanin.
"E, ganoon talaga, anak. Hindi nakapagtapos ng pag aaral ang tatay, e. Kaya kayong dalawa ng ate mo ay dapat mag aral ng mabuti para hindi kayo matulad sa Tatay,” pangaral ni Tatay at nag-umpisa ng kumain.
"Opo, Tay," sabay na sagot namin ni Mitch.
Napangiti ako ng palihim. Kahit ganito lang ang buhay namin, masaya kami at palaging nagkakasama. Hindi katulad ng mayayamang pamilya, marami nga silang pera pero hindi naman lahat masaya sa mga buhay nila. Akala nila masaya na porke marami na silang pera, pero ang totoo, may mga anak na nangangailangan ng atensyon at pagmamahal ng magulang.
"Nga pala, Iry Ley, hindi na raw rerentahan ni Aleng Nene ang katabing kwarto mo. Maghahanap na lang tayo ng bago mong housemate," biglang sabi Nanay.
Napakunot ang noo ko. Sayang naman kasi. Matagal ko ng gusto na magkaroon ng housemate para hindi ako ma-bored doon sa kabilang bahay.
"Sayang naman," nanghihinayang kong sagot.
"Ako nalang lilipat doon, Nanay," sabat ni Mitch.
"Kung ikaw lang naman, 'wag na 'no. Magkakalat ka lang doon," sagot ko.
"You're so OA unnie, nag re-recommend lang naman ako, duh," aniya sabay irap.
"Nagko-korean ka na, ah."
"Of course. Naghahanda lang para sa pagpunta ko sa Korea."
Sina Nanay naman ay tahimik lang at nakikinig sa bangayan namin ni Mitch.
"Yeah, dream on, saeng," sagot ko at inirapan sya.
"E, 'di wow." Umirap din siya.
Pagkatapos kumain, dumiretsyo ako sa kabilang bahay at pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa itaas ng study table at umupo sa kama saka nag-online sa Facey-book.
Nangunguna sa News Feed ko ang post ni Mitch. Grabeng bata 'to, mas adik pa 'to sakin. Sa edad n'yang 10, mahilig na siya sa Social Media. Buti nga hindi siya pinapagalitan ni Nanay at Tatay. E, ako noon, halos hindi na ako pinapalabas ng kwarto ko dahil sa sobrang kahigpitan ng mga magulang ko.
Mitchell Barusa is with Iry Ley.
15 minutes ago
ROOM FOR RENT.
MAGANDA ANG KWARTO, KASO MAKAKASAMA MO NAMAN SA BAHAY ANG ATE KONG MUKHANG MULTO
‘Insert thumbs up and laughing emoticon’ 15 comments. Share.
"Ang ganda kong multo, ah," bulong ko at lumabi. Pinindot ko ang comment section at nagbasa doon.
Jason Sactos: lagot ka sa ate mo hahaha.
Mitchell Barusa: totoo naman kuya, bakla.
Jason Sactos: walangya ka huhu.
Mitchell Barusa: blehh!
Jason Sactos: ‘crying emoticon’
Pinky Lou Borja: baka ma-beast mode si Bessy Iry nito wahahahaha.
Jason Sactos: ay tompak! sabunutan ka sanang tyanak ka @Mitchell Barusa
Mitchell Barusa: cute ako hindi ako tyanak! ‘Insert devil and laughing
emoticon’
Mitchell Barusa: love naman ako ni ate Iry. ‘Insert smirk emoticon’
Pinky Lou Borja: Hangin mo, saeng.
Jason Sactos: Sana may mag-rent ng room. ‘Insert laughing and smirk emoticon’
Pinky Lou Borja: Tapos gagawing alila ni Bessy Iry. 'Insert laughing emoticon' SoW kAwaWa nA tHIezZz..
Jason Sactos: Ang panget mong mag-jejemon! Nyay!
Pinky Lou Borja: Maganda pa rin ako kahit jeje. Ikaw nga, hindi pa naging-jeje panget na! 'insert laughing emoticon' #oWcH..maZsakiTsaHeaRT
Jason Sactos: 'left the group'
Pinky Lou Borja: gaga, comment box 'to, ulol
Hindi ko napigilan ang pagtawa sa mga nabasa ko. Kahit sa comment box hindi talaga nagpapahuli sa bangayan.
Hindi na ako sumali sa usapan nila kaya nag-log out na ako. Sigurado kasing magpupuyat ako kaka-facey-book kapag nakipag-chismisan pa ako sa kanila.
Mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto ko at pumasok sa kabilang kwarto kung nasaan ang Art Room ko.
May tatlong kwarto dito sa bahay, isa doon ang kwarto ko. Ang isa naman ay itong Art Room na may kaliitan, at ang isa ay ang kwartong pinaparentahan ni Nanay para pandagdag kita kasi hindi naman napapakinabangan. Baka multo ang tumira.
Umupo ako sa stool na nakaharap sa hindi ko pa natatapos na painting. Hobbie ko ang painting. Marami na din akong nagagawa pero hindi ko binibenta. Hindi naman kasi maganda at saka pampalipas oras ko lang---ay mali. Hindi pala 'to pampalipas oras lang kasi ito ang dahilan kung bakit ako laging late pumasok.
Kumuha ako ng paintbrush at nag-mix ng pintura saka nagsimulang mag-paint.
-
"Wala ka na namang I.D?" hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Tonny. Guard ng School.
Ayon nga, nakalimutan ko NA NAMAN ang I.D ko.
Hindi naman kasi pumapasok sa utak ko ang I.D pag lalabas ng bahay. Kainis tologo.
"Ihhhhh. Nakalimutan ko po. Papasukin mo na ako, Kuya Ton. Promise, last na 'to!" pagmamakaawa ko with matching padyak-padyak.
"Naku, 'wag mo na akong lolokohin, Iry. Ilang beses ka na bang nangako. Hindi ko na mabilang pero wala pa ring nagbago. Tsk tsk," naiiling niyang sabi.
"Promise! Last na talaga 'to---"
"'Wag kang maniwala sa kanya, Guard. Hindi pa rin magdadala ng I.D 'yan."
Tinignan ko ang mapangahas na sumali-sali sa usapan namin ni Kuya Guard. Sumingkit ang mga mata ko nang makita ko si Zage. Bwesit. Sira na ang umaga ko.
"Yo. Good Morning," bati n'ya sa'kin na may halong pang-aasar habang nakangisi.
Nakasabit sa isa n'yang balikat ang bag nya na sigurado akong walang laman. Tapos hawak naman n'ya sa kabila ang susi ng kotse at I.D nya. Tss. Yabang much.
Inirapan ko siya. "Anong maganda sa morning ko ngayon? Sinira mo na, Baks ka!"
Napasipol siya. Bwesit, inaasar niya talaga ako.
"Easy lang. Lalo kang papanget n'yan, sige ka," sagot niya at tumawa.
"Ohhh? E, 'di bulag ka pala kung panget ang nakikita mo."
"Kung bulag ako, bakit nakikita kita?" pang-uuyam niya.
Sasagot na sana ako nang maalala ko 'yong nakita ko kagabi sa The Eve. Ano kaya ang ginawa nila no'ng babae kagabi?
May nangyari ba sa kanila? Nag-jujugjugan kaya sila?
Ish! Kinikilabutan ako sa mga naiisip ko.
E, ano naman ang pakialam ko kung nag-jugjugan sila? Nakakainis!
Tinignan ko nalang siya ng masama pero binelatan n'ya lang ako at pumasok na s'ya sa gate.
Talo ako ngayong umaga. Bwesit.
"Uyy. Bagay kayo ni Uzumaki."
Lumingon ako kay Kuya Tonny at ngumiwi.
"Naririnig mo ang sarili mo, Kuya? Hay. Hindi nababagay ang magandang katulad ko sa damuhong Zage na 'yon 'no," nakangiwi kong sagot.
"Grabe ka namang bata ka. Seryoso ako, bagay nga kayo. Maganda ka at gwapo naman s'ya. Perfect, 'di ba?"
"Tsk! Magtigil ka nga riyan, Kuya Tonny. Papasukin mo na lang ako. Malelate na na naman ako nito, e!" tili ko.
"Hay, wala namang magbabago. Late ka pa rin naman, kanina pa. Hindi ka pa rin makakapasok kasi wala kang I.D," sabi niya.
"Transferee naman ako, e! Sige na, Kuya. Thank you!" Hindi ko na sya hinintay pang pigilan ako dahil mabilis akong tumakbo papasok sa Gate.
Shot! Nakapasok din!
Nang makalayo na ako sa gate, tumigil na ako sa pagtakbo .Wala naman nang saysay kung tatakbo pa ako dahil kanina pa ako late.
Hay, buhay estudyante nga naman.