"Kung nag-aalala ka dahil sa akin, don't be. Wala akong planong hawakan ang kahit saang parte ng katawan mo. Hindi ako pumapatol sa babaeng hindi cup C. I’m not into walls,” aniya sabay iling.
Bastos, ah. E, ano naman ngayon kung hindi ako Cup C? May pakialam ba ako? Wala! Hindi ako pinagpala sa bagay na ‘yon, aware naman ako, at least marunong akong maghugas ng plato.
"Ang kapal ng mukha mo. Akala mo naman gwapo ka," ungos ko.
"Talaga lang, ah. It's okay to admit, Iry. Sanay naman ako, e. Marami ang nagagwapohan sa'kin sa school at alam kong isa ka sa kanila."
Tinaasan ko siya ng kilay. “Excuse me? At saan naman galing ang fake news na ‘yan?”
“Bakit? Hindi ba?”
“Talaga!”
Tumawa siya ng nakakaasar. "Yeah, and pigs can fly."
“Makapal lang talaga ang mukha mo. Self-support ang tawag d’yan. Sana tangayin ka ng bagyo sa kahanginan mo,” naiinis kong sabi sa kanya.
Nagkibit balikat siya. "I'm just telling the truth."
Telling the truth my ass.
Umirap at bumuga ng hangin. Palagi talaga siyang nagtatagumpay sa pang-iinis sakin.
"Bakit ba kasi dito ka pa umupa ng kwarto. Mayaman ka naman, ‘di ba? Bakit hindi ka bumili ng condo or doon ka na lang sa bahay ninyo. May kotse ka naman, ‘di ba?"
"Malayo ang bahay sa school. At kahit may kotse ako, late pa rin akong nakakarating sa eskwelahan dahil satrafic,” sagot niya.
Nahiya naman ako na mas malapit lang ang bahay sa school pero palagi pa ring late.
"E, bakit nga dito pa? May condominium naman, e."
"Hasle."
Umirap ako. "Ang sabihin mo tamad ka lang talaga."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil tumayo na ako at iniwan siya sa sala. Pumunta ako sa kwarto ko para mag hanap ng bond paper, notebook at ballpen. Sa tingin ko naman wala na akong magagawa para mataboy ang lalaking ‘yon kahit ano ang gagawin ko. Kung bakit ba kasi mapaglaro ang tadhana o sadyang minamalas lang talaga ako. Malas talaga siya sa buhay ko, e. Nakakapansin na ako na palagi na lang akong nadadawit kay Zage at hindi ako natutuwa!
Inabot pa ako ng ilang minuto sa paghahanap ng ballpen dahil na ‘kay Jason pala ang bagong bili kong Gtech. Buti at nakahanap ako ng dalawa para hindi na ako lalabas para bumili dahil kailangan. ‘Yon nga lang ay medyo hindi gumagana ang isa pero puwede na. Gagawa ako ng rules na pareho dapat naming sasang-ayonan ni Zage para sa ikatatahimik ng kaluluwa ko.
Palaban ako at sadista pero babae pa rin naman ako at lalaki siya, Oo, kahit labag sa kalooban ko kasi mas gusto ko siyang tawaging bakla. Kailangan ko pa ring mag-iingat. Hindi ko naman alam ang takbo ng utak ng lalaking ‘yon kahit isumpa namin ang isa’t-isa.
Lumabas na ako ng kwarto bitbit ang dalawang sheet ng bond paper, isang notebook at dalawang ballpen. Bumalik ako sa sala at nando’n pa rin si Zage, naka-upo ng dekwatro habang pa-landscape na hawak ang cellphone niya.
Umangat naman ang ulo niya nang makita akong bumalik sabay tingin sa dala ko. “What’s that?”
“We call this papel at ballpen,” sarkastiko kong sagot.
Sinamaan niya ako ng tingin. “I’m not stupid. What are you going to do with that?”
"Kakainin."
Saan ba napunta ang utak nito? Ano ba ang sa tingin niya ang ginagawa sa papel? Malamang sinusulatan!
"Tsk."
"Gagawa tayo ng rules,” anunsyo ko at ipinatong sa glass table ang bond paper, notebook at ballpen. Umupo na rin ako dahil seryoso ako sa gagawin namin.
"Mamaya na," sagot niya at binalik na naman ang atensyon sa pag pindot ng cellphone niya. Narinig ko pa ang tunog no’n na, ‘five seconds before the enemy reaches the battlefield. Smash them!’
“Anak ng—ML na naman? Mamaya na 'yan, mas importante 'to," daway ko sa kanya.
“Rank ‘to.”
Palagi na lang niyang sinasabi ang salitang ‘yon kahit wala naman akong alam doon. Tumayo ako at kinuha ang cellphone niya. Ganito ang madalas kong ginagawa pag ayaw niyang makinig sa akin sa tuwing tinuturuan ko siya. Pero minsan talaga nahahawakan niya ng mahigpit ang cellphone niya kaya hindi ko maagaw. At 'yon ang dahilan kong bakit masakit ang panga at lalamunan ko kasisigaw sa kanya. Nakaka-stress masyado.
“Lagi na lang laro inaatupag, ah. Pinag-aralan mo ba 'yong notes na binibigay ko sa’yo?"
"Hindi."
Ang honest niya. Sana ikapunta niya ng langit ‘yan. Nabubwesit ako lalo. Nagsinungaling na lang sana siya para naman makaramdam ako ng kahit kaunting kasiyahan dahil may natutunan siya sa tinuturo ko. Letse.
Lumipat ako ng upo sa sahig habang nakapatong ang kamay ko sa glass table at pinaliwanag sa kanya ang gagawin. "Magsusulat tayo ng rules ng bawat isa. Alam mo naman siguro kung bakit natin kailangan ‘yon at kung bakit natin kailangan gawin. Gusto mo naman sigurong mapayapang mabuhay habang nandito ka, ‘di ba?” Hindi siya umangal kaya nagpatuloy ako. “Dapat may kopya tayo isa-isa kaya may dalawa akong bond paper dito."
Hindi naman siya umangal pa kaya kinuha ko na lang ang notebook at pumunit ng dalawang page at binigay sa kanya ang isa.
"Isulat mo riyan lahat ng bawal at ayaw mo at gano’n din ang gagawin ko."
Tinanggap naman niya 'yon at nag sulat na kaya gano’n na rin ang ginawa ko. Hindi na ako nag-isip pa dahil alam ko naman agad kung ano ang dapat kong isulat.
1. Bawal kang pumasok sa kwarto at sa Art Room ko. No Trespassing.
2.Ayaw kong pinapakialaman ang pagkain ko sa ref. Kakatayin kita kapag nawala ang mga 'yon doon at nalaman kong ikaw pala ang kumuha.
3.Ayaw kong pinapakialaman ang mga gamit ko. Tatagain kita pag may ginalaw ka sa mga kagamitan ko.
Tinignan ko si Zage para sana tanongin kung tapos na siyang magsulat pero nakita ko na naman siyang naglalaro sa cellphone niya. Kanina lang na sa akin pa ‘yang cellphone pero hawak na niya ngayon. Napailing ako.
"Sinabi kong magsul---"
"Tapos na. Nasa harapan mo."
Tinignan ko ang papel na nasa lamesa na. Natapos niya agad-agad?
Kinuha ko 'yon at mahinang binasa. Halos maloka ako. Hindi ko alam kung sulat ba ‘to ng may matinong kamay, e. Hindi ko masyadong mabasa nang maayos ang mga letra kasi parang dinaanan ng bagyo ang hand writing niya.
1.Don't bring dog in the house.
2.Don't touch my personal things, especially my laptop.
'Yon lang? Kaya naman pala ang bilis, e. Tumango na lang ako kahit inabot ako ng siyam-siyam dito mabasa lang ng maigi at tama ang sinulat niya. Kaya minsan naiisip kong ayaw kong maging teacher kasi ayaw ko ng estudyanteng katulad niya na bibigyan ako ng sakit sa ulo sa handwriting pa lang.
"Oh, basahin mo muna 'tong akin at sabihin mo kong sang-ayon ka." Inabot ko sa kanya ang papel na sinulatan ko. Mabuti naman at kinuha niya agad at binasa.
"Ganito ka ba talaga ka-bayolente? Bawat numero may banta. Tsk.” Umiling-iling siya at binalik sa'kin ang papel.
Umirap ako. "Okay na ba sa’yo 'tong bawal ko?"
"As if naman may magagawa pa ako."
Ngumisi ako. “Mabuti at alam mong wala naman talaga. Mabilis ka naman pa lang kausap,” sabi ko. “Anyway, gusto kong itanong kung bakit ayaw mo sa aso."
"Allergic ako sa balahibo ng aso,” sagot niya.
"Ang cute kaya nila."
“Para sa’yo oo. Mukha ka rin naman kasing aso,” aniya at tumawa nang nakakaasar.
Tumayo ako at akmang susugurin siya gamit ang kamao ko pero hinarang niya ang kamay niya.
"Hep! Nagiging tomboy ka na naman."
Sinamaan ko siya ng tingin. “Nabubwesit ako sa’yong bakla ka.”
"Hey! We already have a deal. Don't call me that."
"Tinawag mo rin naman akong tomboy, ah. We're even,” sabat ko.
“Whatever.”
“Magulo ka naman palang kausap, e. Hindi ka marunong tumupad ng kasunduan.”
Tinaasan niya ako ng kilay. “Sino ba ang nag aambang mananapak? As far as I can remember, hindi ako ‘yon.”
Napabuga ako ng hangin at iniba na lang ang usapan. “Final na ba 'to, ah.” Winagayway ko sa ere ang mga papel na sinulatan namin bago ko iyon itinabi kasi hindi naman siya umangal.
"Ngayon, gagawa tayo ng kontrata na walang Physical Contact.”
"Ang OA naman. Hindi naman kita hahawakan!" reklamo niya.
“Aba, sure ba? Wala akong tiwala sa pagmumukha mo, ‘no.”
“Mas lalo na ako.”
“Ang feeling! Gold ka ba? Hindi!”
“Bakit, ikaw rin ba?”
“Kaya nga tayo gagawa ng kontrata tungkol sa Physical Contact ‘di ba? Ang dami mong dada ikaw naman itong pinaka-maarte!” inis kong sigaw.
Umiwas siya ng tingin, senyales ng pag suko niya.
"’Wag kang mag-alala, maganda ‘to. Kailangan mag bayad ng kung sino man sa atin ang lalabag ng kontrata,” dagdag ko pa.
"So magkano ang bayad pag hinawakan kita?" tanong niya.
"Isang libo pag hinawakan mo ako sa kamay” sagot ko.
"Sa balikat?"
"Dalawang libo.”
"Sa ulo?" tanong niya ulit.
"Tatlong libo," sagot ko.
"Sa bewang?"
"Apat na libo."
"Pag inakbayan kita?"
"Ah. Limang libo?" Hindi pa ako sigurado roon.
"E, magkano ang bayad pag hinalikan kita?"