CHAPTER 09

1638 Words
Nanaginip pa ba ako? O baka minumulto ako? Imposible kasing nandito sa loob ng bahay ko si Zage, e. "Oo. Nanaginip ka lang, Iry. Walang Zage sa harapan mo. Bangungot lang to at magigising ka rin,” bulong ko sa sarili ko at kinusot-kusot ang mga mata ko. Umaasa ako na sa pagdilat ko ng mga mata, wala nang tao sa harapan ko. Pero nang buksan ko ang mga mata ko, nando’n pa rin si Zage. Nakaupo siya sa ibabaw ng lamesa habang bored na bored na nakatingin sa akin. "No, no. Panaginip pa rin 'to, Iry. Gumising ka." Pinagsasampal ko ang pisnge ko pero ayaw pa rin kaya dahan-dahan kong nilapitan si Zage at sinundot-sundok ko ang pisnge niya. Kakasampal ko sa sarili ko, ako pa rin ang nasasaktan, e. Hindi pa ako nakuntinto sa pagsundot sa kanya, inulit ko pa. Umawang ang labi ko. "Gising ka na ba?" tanong niya sakin. Parang sa boses niya ata ako natauhan dahil biglang nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako nananaginip! "Ahhhh!" Napatakip ako sa dibdib ko. Naka-bra lang naman daw po ako! At kahit hindi ako pinagpala na magkaroon ng malaking dibdib, may karapatan pa rin akong tabunan ang baby boobs ko. Hindi man ‘to malaki ngayon, alam kong uusad pa rin ang size nito. Mabilis akong tumakbo pabalik sa kwarto ko at kumuha ng t-shirt. Muntikan pa akong nadulas sa sobrang pagmamadali. Sinuot ko agad ang tshirt saka humarap sa salamin at tinignan ang sarili ko na mukhang kinuyog ng sampung manok. Taenang mukha 'to. Sabog na sabog pa ang buhok. Maganda pa rin naman, duh! "Wake up, Iry. Imahinasyon mo lang 'yon. Relax." Ilang beses akong huminga ng malalim at pinakalma ang sarili ko habang sinusuklayan ang sabog kong buhok. Kinukumbense ko ang sarili ko na hindi totoong nandito si Zage kahit nakita ko naman talaga siya kanina. Baka epekto lang ito nang araw-araw na palagi kaming magkasama kaya kahit saan ay nakikita ko ang pagmumukha niya. Pumikit ako bago lumabas ng kwarto. Hinawakan ko lang ang mga bagay sa paligid hanggang sa makarating ako sa sala dahil kung hindi, malamang madadapa ako. Dahan-dahan kung binuksan ang mga mata ko at nakahinga ako nang maluwag dahil wala roon si Zage. Nag-iimagine lang pala ako. Thank goodness. Pinaglalaruan lang siguro ko ng mga ingkantong nilalaro ko noong bata pa ako. Chos. Naglakad ako papunta sa kusina para kumuha ulit ng tubig dahil nga nalabas ko lahat ng iinomin ko sanang tubig kanina sa imagination ko kay Zage. Buwesit. Nasayangan ako sa tubig. Sayang binabayad. Kasalanan 'yon ni Zage e, kung hindi ba naman sana siya pasulpot-sulpot sa imahinasyon ko. Naubos na nga ‘yong tubig sa Anggat Dam tapos mag aaksaya pa tayo? Isa akong mabait na mamamayan ng Pilipinas kaya nagtitipid ako ng tubig. Dapat isa ako sa mga tinutularan. Pumunta ako ng kusina pero nang makarating ako roon, umawang ang labi ko at nanlaki ang mga mata ko. Bakit nandito na naman siya?! Magsasalita na sana ako pero inunahan niya ako. "I am not a f*cking dream or nightmare, Iry. Pakisabi ‘yan sa utak mong tulog pa." At doon ko na-realize. Hindi nga talaga siya imagination! Totoo siya! Legit! At nakita niya akong naka-bra kanina! “Nanaaaayyyy!” Hindi ko na napigilan ang pag sigaw. “Anong ginagawa mo rito, ha?! Magnanakaw ka ba o rapist? Kasali ka sa Akyat Bahay Gang, 'no!? Nanaay!" Nahagip ng mga mata ko ang walis tambo na nasa gilid ng ref. Tinakbo ko ‘yon at hahampasin sana siya pero bumaba siya sa lamesa at tumakbo palayo sa akin. "Naaaay! May magnanakaw na nakapasok sa bahay koo! Nayyy!" Naghabulan kami paikot sa lamesa at paikot sa sofa pero hindi ko man lang siya naabutan o kahit ng dulo man lang ng walis na hawak ko. Sa sobrang haba ng mga hita niya ay habkang lang sa kanya ang takbo ko. Malamang ako ang unang napagod kaya wala akong nagawa kun’di ang huminto sa pagtakbo para magpahinga. "Weak," rinig kong bulong niya kaya itinapon ko sa kanya ang walis pero mabilis niya namang nailagan kaya tumakbo ako palabas ng bahay. Pero nasa garden pa lang ako nakasalubong ko na si Nanay na mukhang bagong gising pa lang. Mukha ring nagambala ko ang tulog niya. "Iry Ley! Kay aga-aga sumisigaw ka ng bata ka! Nakakadistorbo ka ng taong natutulog!" singhal ni Nanay sa’kin. Napanguso ako at kumapit sa braso niya. "Nay! May nakapasok na magnanakaw sa bahay e ‘di malamang sisigaw ako. Alangan namang matuwa pa ako na may magnanakaw, ‘di ba?" Mukha namang nagulat siya dahil bahagyang nanlaki ang mata niya. "Magnanakaw?" Tumango ako. "Opo!" Pero naisip ko rin kung magnanakaw nga ba talaga si Zage. E, sa pagkakaalam ko mayaman 'yon, e! May sariling kotse pa nga! Ang cheap niya namang magnanakaw kung dito pa siya magnanakaw sa amin. Ano namang nanakawin niya dito? Ewan! Bakit ba kasi siya nandito sa bahay ko? Namimisita? Ano kami, close?! Duh! Hinila ako ni Nanay papasok ng bahay at nakita namin si Zage na nakaupo sa Sofa at nanunood ng TV! Umawang ang labi ko sa nakita. Wow! Feel at home na magnanakaw? Iba rin. Astig. "Oh hijo! Nandito ka na pala!" biglang sigaw ni Nanay at mukha siyang nagagalak! Tumaas ang kilay sabay tingin sa Nanay kong abot tainga ang ngiti habang nakatingin sa lalaking prenteng nakaupo sa sofa. "Magkakilala kayo?" naguguluhan kong tanong. Like, how?! Magkaibigan ba sila or what?! Humarap sa'kin si Nanay na nakangiti. 'Yong ngiti na parang nakita niya ang crush niya. Nakalimutan niya atang matanda na siya kung kiligin. Higit sa lahat may asawa na siya. "'Nak, siya si Zage at alam kong kilala mo siya dahil sabi niya classmates naman kayo. Siya ang Housemate mo." Kung anu-ano na lang ang mga nakikita at naririnig ko nitong nakaraang mga araw. Hindi na ako natutuwa kasi hindi mga guni-guni ang mga iyon. Totoo lahat! Housemate raw?! "'Nay seryoso ka ba?! House… Housemate?!” hindi makapaniwala kong tanong. “Oo nga,” sagot niya na siguradong-sigurado talaga. Pakiramdam ko mahihimatay na ako ano mang segundo kaya kumapit ako sa pader. “Seryoso ka ba, Nanay? Lalaki 'yan, e, tapos babae ako. Papatirahin mo kami sa isang bahay?" Hindi ako makapaniwala, grabe. Oo, gwapo siya. Pero kamusta naman daw ang kaligtasan ko sa kanya? Wala akong tiwala dahil alam kong g*go 'to! "Nag promise naman siya 'Nak na magiging good boy siya," pagtatanggol niya pa kay Zage na tahimik lang na nakaupo. Nalilito na tuloy ako kung sino ba talaga sa amin ni Zage ang anak niya. Kaloka. Umingos ako. "'Nay naman, e. Don't you know that promises were meant to be broken? Isang damuho 'yan kung hindi ako nagkakamali, maraming babae sa school 'yan." Turo ko kay Zage pero mabilis na tinampal ni Nanay ang kamay ko. "Ikaw talagang bata ka, ‘wag ka ngang magsalita ng ganyan lalo na kung hindi naman totoo. Alam mo naman masama ang magsinungaling," saway niya at humarap kay Zage na nakangiti na ulit. "Hijo, pag psensyahan mo na lang ang ugali ng anak ko, ha? Alam mo kasi, may kaunting sayad lang siya." Naningkit ang mga mata ko. "Ang sama mo, Nanay! Bakit kinakampihan mo 'yan, e ako ang anak mo!" "Bahala ka riyan. Maiwan ko na kayo rito para makapag-usap kayo tungkol sa gawaing bahay. Sige, aalis na ako,” huli niyang sabi bago kami iniwan ni Zage. Sa sobrang gulat ko sa bilis ng pangyayari ay pumunta muna ako sa kusina. Kumuha ako ng isang pitsel ng tubig at ininom ‘yon habang nakaupo sa ibabaw ng lamesa. Tulala lang ako sa kawalan, namalayan ko na lang na ubos na pala ‘yon dahil nakaramdam ako bigla ng pananakit ng puson. Nag banyo ako sandal at habang naroon ay iniisip ko ang dapat kong gawin. Pag labas ko ay agad akong dumeretso sa sala at kinuha ko ang remote sa glass table na nasa harapan ni Zage at pinatay ang TV. Tuwang-tuwa ata siya sa pinapanood niya kasi kanina pa siya hindi umaalis. "Nanunood ako," reklamo niya. “Alam ko,” sagot ko at inirapan siya at umupo sa single sofa. “Open it,” utos niya. "Mag uusap tayo," sabi ko. Syempre, hindi ako papayagan na gano’n gano’n lang. Ano ‘yon? Basta-basta na lang siyang titira rito? Nag 'tsk' siya. "Fine. Talk. Makikinig ako." "Hindi ka lang basta makikinig, sasagot ka sa tanong ko." "Don't be a boss on me, Iry." Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala kang magagawa, nasa pamamahay kita, e. ‘Wag kang maarte riyan." Hindi na siya sumagot at sumandal na lang sa sofa. Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Bakit ka nandito?" "Sinabi na sa’yo ni Nanay Maria ‘di ba? HOUSEMATE,” sagot niya na binigyan pa ng diin ang huling salita. Umirap pa siya na parang pinapamukha sa akin na isa akong tanga. Tinaasan ko siya ng kamao dahil nakiki-Nanay siya sa nanay ko pero inirapan na naman niya ako. “Bakit ba sa dinami-rami ng lugar, dito mo pa napiling tumira?” "Malapit sa school." "May condominium naman d’yan na malapit sa school, ah! Bakit dito pa?" "Why do you care? Ako naman ang magbabayad, hindi ikaw." "E, kahit na! Umalis ka na lang dito, isasauli ko ang binayad mo kay Nanay," sabi ko. Buo at malakas ang loob ko at sana lang pumayag siya! Kahit ibigay ko pa lahat ng ipon ko sa kanya umalis lang siya rito! Gusto ko na lang bigla mapag-isa. Ayaw ko nan ang housemate! "No. I'll stay here and you have nothing to do with that," sagot niya na parang sinasabi niyang 'that's final!'. Dumausdos ang upo ko sa sofa. Kung siya lang naman ang magiging Housemate ko, ‘wag na lang sana! Mas gugustuhin ko pang makipag-usap sa butiki!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD