CHAPTER 08

2275 Words
Isang linggo at tatlong araw. Gano’n kadaling lumipas ang mga oras at gano’n na rin katagal matapos kong sipain ang 'bagay' na nasa gitna ng hita ni Zage. Alam niyo na 'yon, matanda na kayo. Sa loob ng mga araw na ‘yon ay wala naman masyadong nangyari. Normal naman. At pag sinabi kong NORMAL, katulad pa rin 'yon ng dati. Nag level up nga lang ng kaunti ang bangayan namin ni Zage kasi sinipa ko ang kaligayahan niya. So ayon, galit na galit sa akin ang hinayukap kaya pinapahirapan niya ako sa tuwing tinuturuan ko siya. Oo, tinuturuan ko ang kumag! Kahit kasi labag sa kalooban ko, naging tutor niya pa rin ako. Ewan ko nga ba kung ano ang pinapakain sa akin ng mga magulang ko at naging ganito ako kabait! Sana ikapunta ko ito ng langit. Inugali na talaga ni Zage ang pagsira ng araw ko. Mababaliw pa 'ko kasi ang hirap niyang turuan kasi hindi siya nakikinig. Sinasabi niyang umuwi na raw ako kasi hindi niya kuno kailangan ng tutor. Aba kung puwede lang, bakit hindi. Kaso ako naman ang malilintikan kay Miss Gemola. Wala na siyang ibang ginawa kung hindi maglaro ng Mobile Legends kahit sumasakit na ang panga ko kasasaway na makinig siya sa akin! Tapos hindi man lang niya hinihinaan ang volume ng cellphone niya kapag naglalaro. Pinagmamayabang pa niya na andami niyang napatay sa laro. Siya kaya patayin ko? 'Yon ang ganti niya sa pagsipa ko ng p*********i niya. At ayon, umuuwi ako lagi na masakit ang ulo at inis na inis sa kanya. Stress na stress ako! Buti na lang hindi pa naman nababawasan ang kagandahan ko. Chos. Pinaalala niya rin ang kasalan ko sa kanya sa ComLab. Dahil daw sa'kin napagalitan siya ng Mommy niya at binawasan ang allowance niya. Kasalanan ko bang feeling VIP siya kahit nagkaklase? Nagpapalaki lang siya ng tiyan tapos kami nagsisipag para makasagot? Konsomesyon! Oo! Pinapili niya pa ako kung gagawin ba raw niya akong slave o hindi ko na siya tatawaging bakla at kakalimutan na niya ang nangyari sa Computer Laboratory. Syempre pinili ko 'yong huli, ang swerte niya naman kung magiging slave niya ako. Tamad nga ako sa bahay tapos susundin ko pa siya? Hindi ko nga minsan sinusunod utos ng nanay ko, kanya pa kaya? Duh! Kaya 'yon, kahit gusto ko siyang tawaging 'bakla' hindi ko na ginagawa dahil sa letseng deal na 'yon. Naloloka ako talaga. Kung puwede lang sana siyang ipakain sa crocodile ko, matagal ko nang ginawa. Pero dahil mabait ako, huwag muna ngayon. "IRY!" Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ni Pinky sa mismong tainga ko. Bruhang babae 'to! Akala niya hindi nakakabingi ang boses niyang dinaig pa ang biritira? Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas ng unan. "Bes, hindi ako bingi!" Nasa condo kami ni Jason ngayon. Nandito kami minsan tuwing sabado para guluhin ang nananahimik na buhay ng bakla. Mag isa lang naman siya rito kaya keri lang kahit mag party pa kami hanggang umaga. Charot. Hindi pala papayag ang mga magulang ko. "Sure ‘yan? E, kanina pa kita tinatawag pero wala ka namang ka reak-reak! Akala ko tuloy nakulam ka na ng engkanto," pangcha-chaka niya. Makakulam naman 'to. Wagas. Kinurot ko siya sa tagiliran. "Paano kung nasira ang eardrums ko?” "Ang OA mo, girl. Akala mo naman hindi ninyo ginagawa ni Jason sa’kin 'yon pag natutulog ako rito." "Dami mong arte, ewan ko sa’yo. Inaantok lang ako kaya nakatulala ako," pagsisinungaling ko. Alangan namang sabihin ko na iniisip ko si Zage at ang mga kademonyohan niya, e ‘di tutuksuhin nila akong dalawa ni Jason! Na-ah! Bakit ko naman gagawin ko 'yon? “Hindi ka rin ba nakatulog kagabi?” tanong ni bakla kaya tumango ako. “Ako rin, e. Feeling ko hinahabol ako ng zombies.” Ngumiwi ako habang napailing naman si Pinky. “Tigilan mo na kasi kaka-drugs.” Hindi na ako pinansin ni Jason dahil busy na naman siya sa pinapanood naming Korean drama na Happiness. Kaya naman pala hindi makatulog dahil daw sa zombie, ito malamang ang dahilan. Nakinood na lang kami ni Pinky kahit nasa episode 8 na ang bakla at wala kaming naintindihan bakit napunta sa gano’n ang eksena. Spoiler na ito, sa susunod na araw ko pa sana balak panoorin ‘to kasi hindi ko pa tapos ang Penthouse. “Ang pangit mo rin ka-bonding, Jason. Bakit ba ito ang pinapanood natin?” reklamo ko. “Pamamahay mo ba ‘to, Iry?” pagtataray niya.  “Ito naman parang hindi kaibigan.” “Maghanap ka ng bagong kaibigan ‘yong hindi spoiler,” sagot niya. “Titanic na lang kaya panoorin natin?” singit ni Pinky na sabay naman naming ikinairap ni Jason. Si Pinky ay adik sa Titanic. Ewan ko nga kung ilang beses na naming napanood ‘yon tatlo at umay na umay na kaming dalawa ni Jason pero siya hindi lang man nakakaramdam ng sawa! “’Te, hindi ka pa ba sawa doon?” Umiling si Pinky. “Hindi talaga.” “Ilang beses mo na ‘yon napanood, ah! Baka pati singit ni Rose alam na alam mo na pati amoy.” “Hoy, hindi lang naman ako, ah!” “Syempre kasama na rin kami,” sabi ko at napailing. “Isipin mo nga, sa tuwing nanonood ka wala na rin kaming choice kung hindi ang manood kasi isa lang naman ang TV!” “Oh, ‘di ba!” proud niyang sagot. “Sure ako kilalang-kilala niyo na si Jack at Rose!” "Syempre kilala ko si Jack, duh! Alam ko nga kung bakit siya namatay, e," sabi ko sa kanya with a confident tone. "Sige nga. Bakit siya namatay?" "Namatay siya kasi kailangan niyang iligtas si Rose. Importanteng tao kasi si Rose," sagot ko. "Gaano ka importante?" Umirap ako. "Duh! Hindi mo alam? Niligtas niya si Rose kasi kailangan pa ni Rose sumali sa Blackpink!" Binatukan ako ni Jason. "Alam mo, Iry. Kaka-shabu mo ‘yan. Kaunti na lang talaga ihuhulog na kita galing dito sa 25th floor." Inirapan ko na lang silang dalawa. Basta para sa akin 'yon ang rason, e. Ano na lang kaya kung hindi niligtas ni Jack si Rose? E ‘di wala nang vocalist ang blackpink! Chaka! Hindi na ako pinansin ng dalawa pero nanood kami ng ibang movie sa Netflix habang kumakain ng malaking Super Crunch, Nang mag alas dos na ng hapon, nakatanggap ako ng text kay Nanay. "Mauna na ako sa inyo mga sis. Pinapauwi na ako ni Nanay, e," paalam ko sa kanila at kinuha ang sling bag ko. Kailangan kong umuwi agad dahil baka pagalitan na naman ako ni Nanay kung tatagal-tagal ako. Baka makatikim ako ng LSM. Long Sigaw Message. "Ingat, huwag ka sanang madapa!" sabay nilang sigaw. Kumaway nalang ako bago lumabas ng condo ni Jason. "Iry, 'nak. Paki linisan mo na iyong isang kwarto sa bahay mo," utos agad ni Nanay sa’kin pagkarating ko ng bahay. Kaloka, kararating ko pa lang! Pinahinaan ko ang TV at humarap kay Nanay na katatapos lang kumuha ng sinampay na damit. May TV din naman sa bahay ko pero dito ako nanood dahil wala akong nakakausap doon. Sawa na kong makipagkuwentuhan sa mga butiki sa kisame na walang ginawa kung hindi maghabulan. Puro sila landian, maghihiwalay din naman. Wala kayang forever. "Bakit po? May kukuha na ba ng kwarto, 'nay?" Hindi ko maitago ang excitement sa boses ko. Matagal ko nang gusto na magka-housemate at ito na 'yon! Hindi na ako makikipag kwentuhan sa mga butiki. "Oo, may kasama ka nang tumira doon," nakangiti niyang sabi kaya napatili ako at napatalon-talon sa ibabaw ng sofa. Napailing si Nanay at inambahan ako ng kurot kasi baka raw mahulog ako katatalon kaya umupo na lang ako at gumulong sa sofa dahil sa excitement. “Nga pala, hindi marunong magluto ang ka-housemate mo. Kung pwede raw ikaw nalang ang magluto para sa kanya. Tutulong lang daw siya sa paglilinis ng bahay." Imbes na magreklamo, lumapad ang ngiti ko. "No problem, 'Nay. Ako ang bahala sa kakainin namin. Ipapatikim ko sa kanya ang mala five star hotel kong cooking skills!" Tumawa lang si Nanay at umiling-iling. "Sige, anak. Alam ko namang makakapagtiwalaan ka sa pagluluto, e. Mabuti pa, umpisahan mo na ang paglilinis sa kabilang bahay dahil mamayang gabi darating ang housemate mo." Utos niya kaya tumango ako at mabilis na pumunta sa kabila. Malinis na ang buong bahay, pati ang kwartong uupahan pero dahil masaya ako at super excited, sinipag akong maglinis ulit. Pinalitan ko ng mga kurtina ang lahat ng mga bintana at pinalitan ko rin ng bagong bed sheets na kulay pink ang kama. Hindi ko masyadong like ang pink pero baka iyon ang tipo ng ka-housemate ko kaya go na lang. Matapos ang ilang oras na paglilinis, nahiga ako sa sofa. Nakakaloka. Napagod ako sa paglilinis kaya hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil sa paulit-ulit na pagkulo ng tiyan ko. Gutom na ang dragon. Hindi ko namalayan ang oras dahil madilim na sa labas. "Ate! Kakain na daw!" sigaw ni Mitch galing sa labas ng bahay. Nasa sala naman ako kaya rinig na rinig ko siya. Sa lakas ba naman ng boses niya. Sumilip ako sa bintana para makita siya, nakatayo nga siya sa labas habang nagce-cellphone. "Paki sabi kay Nanay magluluto na lang ako rito!" sagot ko sa kanya at walang pasabi naman siyang umalis at pumasok sa kabilang bahay. Tumayo ako at pumunta sa kusina at tinignan ang laman ng Ref. Napangiti naman ako nang makita ang kakailanganin kong ingredients. Oo nga't mag-isa ako rito sa bahay pero kompleto naman sa gamit ang buong bahay. Sadyang tinatamad lang ako minsan magluto kaya roon ako nakikikain sa bahay nina Nanay. Nagsaing muna ako bago nag slice ng mga ingredients at nag umpisa nang magluto. Nakangiti ako habang hinahalo ang laman ng kawali at sumasayaw pa ng Kill This Love ng Blackpink. Syempre dapat masaya ka habang nagluluto at dapat may halong pagmamahal ang niluluto mo para masharap. Isang oras din ang itinagal bago ko natapos ang pag luto ng adobong manok kaya sobrang nanghihina na ako sa gutom. Mabilis akong kumuha ng kanin sa rice cooker at nilagyan 'yon ng niluto kong adobo. Nag hugas ako ulit ang kamay bago bumalik sa lamesa at nag umpisa nang kumain nang nakakamay. Pinatong ko pa sa upuan ang isa kong paa para komportableng komportable talaga ako. Halos isang oras din bago ako natapos sa pagkain at niligpit ang mga pinagkainan ko at hinugasan. Nilagay ko naman sa Tupperware ang ibang ulam at nilagyan ko ng malaking cover sa lamesa. Sinadya ko talagang paramihin ang pag luto ng adobo para matikman 'yon ng magiging Housemate ko. Imposible na akong mapunta sa impyerno dahil sa pagiging mabait ko. Hindi siya magsisisi dahil isang mabait, magaling magluto at maganda ang ka-housemate niya. Napatingin ako sa orasan na nakadikit sa pader. Alas dyes na. Bakit wala pa ‘yon? Akala ko ba ngayon ang dating niya? Nagkibit balikat na lang ako at tumayo para pumunta sa banyo. Maliligo na lang muna ako dahil kanina pa ako nakakaramdam ng lagkit sa katawan. Paglabas ko ng banyo wala pa ring tao kaya dumeretso ako sa kwarto at nagbihis. Nag blow dry pa ako ng buhok pero pag labas ko wala pa ring taong dumadating kahit alas onse na. Pumunta na lang ako sa Art Room at inayos ang mga paintings, pintura at paintbrush na nagkalat sa sahig. Katatapos ko lang mag-paint kagabi kaya hindi muna ako gagawa ng bago ngayon. Lumabas ako ng Art Room pagkatapos kong mag ayos ng gamit. Napasimangot na lang ako dahil wala pa ring taong dumadating. Nasaan na ba 'yon? "Hay naku. Bahala ka, matutulog na ako," bulong ko dahil sa inis. Nakakaantok kaya mag hintay. Baka nag bago na ang isip ng isang ‘yon at hindi na lang tumuloy. Baka na-brain wash. Charot. Iniwan kong nakasarado ang pintuan pero hindi ko ni-lock para kung sakaling may dumating, hindi na ako gigising para pagbuksan siya ng pinto. Ayaw na ayaw ko pa naman ‘yong dinidisturbo ang tulog ko. Baka masuntok ko siya ng wala sa oras pag ginising niya ako. Char ulit. Pumasok ako sa kwarto ko at ni-lock ang pintuan bago binagsak ang katawan sa kama. At ilang minuto lang ang lumipas ay dinalaw na ako ng antok. Akala ko magiging masarap ang gising ko pero hindi ‘yon nangyari nang bigla akong nanaginip ng masama at biglang nagising. Napatakip ako sa bibig ko at napailing. No! "Isang napakasamang bangungot!" sigaw ko at pinahiran ang pawis sa mukha. Tinignan ko ang orasan sa alarm clock ko at napanguso nang makitang 6:30 pa lang ng umaga. Pag may pasok ang tagal kong magising pero pag wala naman ang aga kong magising! Nakakalokang buhay! “Nakakainis,” bulong ko at umalis sa kama. Dahil pinagpapawisan, hinubad ko ang t-shirt na suot at naka-bra lang na lumabas ng kwarto. Palagi ko itong ginagawa kasi alam ko namang mag-isa lang ako sa loob ng bahay. Kusot-kusot ko pa ang mga mata habang papuntang kusina para kumuha ng tubig sa Ref. Gusto ko bigla uminom ng tubig para mataohan ako na hindi totoo ang panaginip ko kanina. Matapos kumuha ng tubig, sinirado ko ang Ref at uminom saka pumihit paharap. Pero nang makaharap ako, bigla kong nailabas ang tubig na nasa bibig ko at natapon iyon sa mukha ng taong nasa harap ko! “Potang—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi nabilaukan na pala ako. Anong ginagawa nito rito?! Bakit nandito sa loob ng bahay ko si Zage Uzumaki?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD