bc

Bewitching Grey (Under Revision)

book_age16+
1.4K
FOLLOW
10.7K
READ
second chance
arrogant
badboy
drama
bxg
female lead
small town
enimies to lovers
slow burn
seductive
like
intro-logo
Blurb

Teaser

Heather San Vicente’s life turned upside down when her father died. Napilitan silang umuwi sa probinsya ng kanyang ina. She can’t accept the fact na mahirap na sila. Wala na ang magarang kotse, masasarap na pagkain at mamahaling damit. She was just the plain ‘Heather’.

And then she met Greyson, ang isa sa mga anak ng mga Ledesma. Isang plano ang nabuo sa isipan ng dalaga. She will be bewitching Grey, ngunit parang may mali... bakit habang tumatagal siya ata ang nai-inlove? Oh damn.

chap-preview
Free preview
Kabanata 01
Unang Kabanata “Calix, ilang araw mo na akong hindi kinakausap. Babe, mag-usap naman tayo, oh?” hinawakan ni Heather ang braso ng nobyo na ngayon ay abala sa pag-iimpake ng gamit nito. “Babe?” tawag niyang muli sa atensyon nito. Ngunit hindi siya pinansin ni Calix bagkus ay para itong walang naririnig. Nagpatuloy lamang ito sa ginagawa. “Babe, alam mo naman ang sitwasyon ng pamilya namin,” pagpapaalala niya sa binata. This time ay tiningnan siya ni Calix ng blangkong ekspresyon. “Heather, pupuwede ka naman manatili rito. `Di ba sabi ko naman sa`yo ako ako ang bahala sa titirhan mo?” pagkumbinsi ng binata kay Heather. Bumuntong-hininga naman ang dalaga saka hinawakan ang pisngi ng nobyo. “I know pero paano naman ang iba kong mga kailangan? Unang-una ang tuition ko? Paano ko mababayaran iyon? Hindi naman pupwedeng iasa ko lahat ng `yon sa`yo,” “We will work on that, puwede ka naman maging scholar sa Trinity. Kukumbinsihin ko si Mama—“ “No, don’t do that.” Pigil niya rito. Muling bumuga ng marahas na hangin si Calix saka umiling. Isinara nito ang bag saka siya nilampasan ngunit agad naman niyang hinawakan ang braso nito. “Babe, saglit lang naman akong mawawala. I will find a way para naman makabalik agad. Bibisita ak—“ “Bibisita? Gaano ka kasigurado na makakabisita ka sa`kin, Heather? Ikaw na mismo ang nagsabi na mahigit walong oras ang biyahe pa lamang papunta sa Tierra del Sol.” “Babe, gagawa ako ng paraan,” patuloy niyang pagkumbinsi rito ngunit inalis nito ang kanyang pagkakahawak saka lumabas na sa locker room. Agad naman niyang sinundan ang kasintahan. “Calix, wait!” habol niya rito. “Look Heather, hindi ko alam kung kaya ko itong ganitong sitwasyon.” Those words felt like a stab in her heart. “W-what do you mean? Are you breaking up on me?” halos mangiyak-ngiyak niyang sabi, But Calix didn’t answer. Instead he just walk away. Sinundan na lamang niya ng tingin ang binata hanggang makalabas ito sa gym. “Ateng, kanina ka pa tahimik ano bang iniisip mo?” tanong sa kanya ng kapatid niyang si Huntress. Mukhang enjoy na enjoy ito sa tanawin na nakikita sa labas. Dapit-hapon na ng makarating sila sa Tierra Del Sol, napapaligiran ng malalaking rubber tree ang gilid ng kalsada. Maraming palayan at ilang tubuhan ang nakikita niya. Ramdam na ramdam niya na wala na talaga sila sa kabihasnan dahil panay puno at mga bahay na lamang ang nakikita niya. Wala na ang mga nagtatayugang buildings wala na rin ang traffic at kumpara sa Maynila mukhang presko naman ang hangin ditto sa Tierra del Sol. “Malapit na tayo mga anak.” Sabi ng kanilang Mama. Muli siyang dumungaw sa bintana habang sinasalubong siya ng malamig na hangin. Lungkot ang tangi niyang nadarama. Ayaw niyang mawalay kay Calix. Sa loob ng dalawang taon nilang relasyon ay ngayon lamang sila magkakahiwalay ng ganito katagal. Tumigil ang sinasakyan nilang van sa lumang bahay. Mukhang ito na ang bahay ng kanilang Lola Carmela. Sabay silang bumaba ni Huntress. Nakita niya agad ang abuela na malawak ang ngiti sa kanila. Agad naman nitong sinalubong ng yakap ang kanyang mama. Sunod ay nagmano silang magkapatid. “Mahaba ang byahe mukhang pagod na pagod kayo. Nagpahanda ako ng pagkain kay Petra. Halikayo sa loob,” nauna irong maglakad papasok ng bahay. Dalawang palapag ang bahay ng kanyang lola. Luma na ang disenyo noon ngunit yari naman ito sa bato.Capiz tile windows ang bintana ng mga ito. Uso pa pala iyon. Iyon ang tumatakbo sa kanyang isipan. Nang makapasok ay bahagya siyang namangha. Malawak kasi ang loob nito. Ang flooring ay puting tiles na halatang may kalumaan na dahil medyo kulay brown na ito pero makikitang alaga naman iyon sa linis dahil sa kintab. May ilang mga vintage na kagamitan rin sa loob tulad ng black and white portrait ng kanyang lolo at lola na noong sila ay dalaga at binata pa. Maging ang upuan ng mga ito ay yari sa puno ng narra. Sa gilid ng malaking hagdan ay may maliit na altar kung saan nakalagay ang ilang mga santo at may nakasabit na malaking rosary. Ang mahabang staircase ang pumukaw sa kanyang atensyon dahil mukhang instagramable iyon. May isang pintuan sa kanang bahagi ng hagdan na sa tantiya niya kusina. Naglakad ang lola niya patungo roon kaya naman sumunod silang mag-anak. Hindi nga siya nagkamali dahil kusina nga iyon. Malaki ang hapag-kainan. Maraming putahe ang naroon. Mukhang pinaghandaan talaga ng kanilang lola ang kanilang pag-uwi. “Kumain na muna kayo para dire-diretso na ang pahinga ninyo,” suhestiyon niya. Umupo si Mama sa isa sa mga upuan sumunod naman kaming dalawa ni Huntress. Lumabas ang babaeng hindi naman katandaan na may dalang juice. “Petra, lagyan mo ng juice ang mga baso nila,” utos ng kanyang lola. Agad naman na sumunod ang tinawag niyang Petra. Nagsimula silang kumain. “Naayos ko na ang enrollment ng dalawang bata. Bukas puwede na silang pumasok sa eskwela para makahabol sa mga naiwang aralin,” anunsyo ng kanyang lola. Nagkatinginan silang magkapatid saka ipinagpatuloy ang pagkain. Matapos kumain ay sinamahan sila sa silid ni Aunti Petra. Iyon raw ang gusto niyang tawag sa kanya kaya naman sinunod na lamang nilang magkapatid ang gusto nito. Sa ikalawang palapag ay may limang kuwarto. Tig-isa silang magkapatid. Malaki ang kwarto niya kumpara sa kanilang bahay sa Maynila. Yari sa narra ang kama na may lace curtain ang bawat tagiliran nito. Malaki at may kalumaan na ang aparador ngunit mukhang mas matibay pa ito sa mga nabibili sa SM. Ang nakakuha ng atensyon niya ay ang venetian mirror sa pader. Literal na ancestral house talaga ang datingan ng bahay ng kanilang lola. Humiga siya sa kama. Malambot iyon at nakakahalinang matulog ngunit naalala niya si Calix. Kaya naman agad niyang binuhay ang kanyang cellphone.Binuksan niya ang data ng kanyang cellphone dahil mukhang wala naming Wifi sa bahay na ito. Agad niyang tiningnan kung online ba si Calix at ng makitang online ito ay agad niyang tinawagan. Ring lamang ng ring ang kabilang linya. Hindi ito sumasagot. Pinatay niya ang tawag at muling nagtangkang tumawag. Pinatay iyon ni Calix kaya naman nakaramdam siya ng bahagyang inis. Tinawagan niya ulit ito ngunit hindi na niya na-contact pa ang nobyong muli. Sa inis ay ibinato niya ang kanyang cellphone sa kama. May maliit na balkonahe ang kanyang kwarto kaya naman naisipan niyang lumabas upang magpahangin. Doon ay kitang-kita niya ang ilang mga bahayan na ngayon ay may kanya-kanya ng ilaw. Maging ang kabuuan ng kanilang harapan ay nakikita rin niya mula sa kinatatayuan. “Whoa!” isang sigaw mula sa hindi kalayuan ang kanyang narinig. Isang lalaking nakasakay sa putting kabayo habang walang saplot na pang-itaas, Nakasuot ito ng cowboy hat habang tanging kupas na pantalon naman ang suot pang ibaba. Wala itong suot na tsinelas man lang. Mukhang pinapakalma niya ang nagwawalang kabayo. “Bliss! Bliss! God dammit! Will you please calm down?” malakas na sigaw niya sa kabayo na para bang naiintindihan siya nito. Nangalumbaba siya upang pagmasdan ang lalaki habang unti-unti na niyang napapaamo ang kabayo. Ngunit iyon ang akala nito dahil muli itong tumakbo at sumipa patalikod kaya namna nahulog ang lalaki at bumagsak sa lupa. Malakas na palahaw ang narinig niya mula rito. Nakita naman niya ang paglabas ng kanyang lola at Auntie Petra. Dahil sa kuryosidad kung sino ito ay dali-dali siyang lumabas ng kwarto saka lumabas ng bahay. Naabutan niyang nakatayo na ang binate kasama ang isang lalaking mas bata sa kanya. Tulad ng lalaki ay wala rin itong saplot pang-itaas habang nakasuot naman ng kupas na short. Pinasadahan niya ng tingin ang lalaki, matangkad ito na sa tantiya niya ay nasa 6 feet, moreno at may brusko ang pangangatawan. Infairness mayroon itong abs. Sa tingin niya ay mukhang batak ito sa trabaho dahil mukhang magaspang ang mga kamay nito. “Ayos ka lang ba, hijo?” bakas ang pag-aalala sa tono ng kanyang lola. Ngumiti naman ang lalaki saka pinagpagan ang marumi na niyang pantalon. “Ayos lang po ako. Magandang gabi po, Lola Miling,” magalang na bati naman nito. Nagmano ito sa kanyang lola maging ang kasama nitong batang lalaki. “Hindi ka ba nasaktan, Greyson? Gusto mo bang gamutin ka muna ni Petra sa loob?” alok pa ng kanyang abuela. Ngumiti ang lalaki kaya naman nakita niya ang pantay at mapuputing ngipin nito. Wow.He looks dashing when he smile. Lumipat ang tingin ng binata sa kanya. Kumunot ang noo nito. “Sino ho siya?” tanong nito. Ngumiti naman si lola saka siya hinila palapit sa lalaki. “Ito ang ikinukwento ko sa `yong apo ko, hijo. Siya si Heather. Magkasing-edad kayo nitong batang `to,’ ngiting-ngiti ito habang pinapakilala siya. Nanatili lamang siyang nakatingin sa binata, Nagulat siya ng i-abot nito ang maruming kamay. What the hell?! Iniisip ba ng lalaking ito na hahawak siya sa maruming kamay na `yan? The nerve of this guy! Nanatili siyang nakatingin lamang sa kamay nito. Mahina siyang itinulak ng kanyang abuela na sumesenyas na makipagkamay.Inabot niya ang kamay ng binata saka ngumiti ng pilit. “Ako nga pala si Greyson.” Pagpapakilala nito. “At ito naman ang bunso kong kapatid na si Haise.” Tumango naman siya saka agad na binawi ang kamay. Pasimple niya iyong ipinahid sa laylayan ng kanyang t-shirt. “Sige po Lola Miling, uuna na kaming magkapatid baka hinahanap na po kami,’ paalam nito. “Mag-iingat kayo,” sagot naman ng kanyang lola. Muling sumakay ang lalaki sa puting kabayo na ngayon ay mukhang kalmado na sunod naman na sumakay ang kapatid nito. Muli siyang tiningnan ng lalaki saka nginitian bago ito tuluyang umalis. “Pagtuunan mo ng pansin ang batang `yon. Anak siya ng mga Ledesma na siyang pinagkakautangan natin, Heather. Kaya tanggalin mo ang pagiging mataray mo pagdating sa kanya. Malaki ang utang natin sa kanila. Swerte na lamang at hindi nila tayo inuurada sa pagbabayad.” Imporma ng kanyang lola bago ito pumasok ng bahay. Muli niyang tiningnan ang palayong imahe ng lalaki. Kung ganoon ito ang sinasabi ng kanyang mama na anak ng mayamang pamilya na nagpautang sa kanila. Isang plano ang nabuo sa kanyang isipan. Bewitching Grey. That was her plan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
259.1K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.7K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
316.6K
bc

My Stranger Husband

read
7.3M
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
432.2K
bc

His Cheating Heart

read
41.7K
bc

Married to a Hot Magnate

read
357.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook