bc

No’ng Nagdalaga si Amy(R18)(COMPLETED)

book_age18+
1.4K
FOLLOW
5.6K
READ
possessive
mxb
scary
enimies to lovers
passionate
like
intro-logo
Blurb

This is a work of fiction. Any references to historical events, real people, or real locales are used fictitiously. Other names, characters, places, and incidents are products of the author's imagination, and any resemblance to actual events or locales on persons, living or dead, is entirely coincidental.

Ang istoryang ito ay hindi naaangkop sa mga bata o isip bata.

Note: R18. Explicit s****l Scenes.

Date Started (Published): March 4, 2018

Date Finished: March 8, 2018

Copyright by carcross (the smallest desert in the world)

READ.AT.YOUR.OWN.RISK.

chap-preview
Free preview
1
Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang nangyari noon. Kung saan may isang pangyayari na umubos sa bou kong pamilya. Swerte raw ako kasi hindi ako napasama sa mga nasawi. Swerte raw ako dahil pinaiwan ako sa bahay. Sa tingin ko hindi naman... Swerte pa ba 'to kung boung mag-anak ko nawala sa akin, sa parehong oras at panahon? Malas ko nga e... Nagtitiis ako sa bahay ng Tiya ko na wala nang ginawa kung hindi sigaw-sigawan ako, alipustahin, tinatrato na parang basura at ginagamit na parang basahan. Sabi ko noon, kakayanin ko, hanggang sa makapagtapos lang ng highschool. Pero hindi ko na kaya... Tama na siguro ang walong taon. Kaya ko na... Kakayanin ko nang mag-isa. Nakapagdesisyon na ako. Bahala na kung saan man ako dalhin ng hangin, nang agos ng buhay at nang desisyong kong 'to. Basta, makaalis na ako dito. Ayaw ko na sa mala-impyernong buhay na katulad nito. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng 2,000 pesos na dala ko ngayon, pero sa tingin ko sapat na iyon para mapalayo-layo at hindi ako mahanap nina Tiya. Siguro sa Maynila. O kung saan. Kahit sa ikatlong bayan lang. Okay na ako roon. Nagtawag na ang konduktor. Kaya bitbit ang malaking bag at isang travelling bag ay umakyat na ako roon. Tinitigan ako ng konduktor nang napadaan ako sa tabi niya. Halatang nagtataka. Sa pinakadulo ako naupo, at nilapag sa ibaba ang mga dala kong bag. Napahilig ako sa bintana at tumitig sa labas. Madalang araw na, kapag ganito siguradong gising na si Tiya. Hinahanap niya na siguro ako ngayon. Para sana magluto sa almusal nila. Kaya lang nandito naman ako. Maglalayas. Kaya sino kaya ang gagawa no'n para sa kanila? Nakatulugan ko ang byahe pagkatapos kong mabayaran ang ticket ng huling destinasyon nitong bus. Isang daan---- kaya kaya akong buhayin no'n kahit kinabukasan na lang? Sana makahanap kaagad ako ng trabaho. Kahit yun na lang. Pwede pa naman sigurong sa lansangan ako matulog, kumain lang ng dalawang beses sa isang araw. Mabubuhay ako noon. Kung hindi lang kumulo ang tiyan ko siguro hindi pa ako magigising, madilim pa rin sa labas. At nakakapagtaka dahil pakiramdam ko ay mahaba-haba ang itinulog ko. Kaya nakakapagtaka nga talaga... Napatitig ako sa unahan, tulog ang mga pasahero. Yung ilaw sa itaas lang ang nagbibigay liwanag dito sa loob. Tinitigan ko ang relo na nasa palapulsuhan ko, alas otso... Alas otso ng gabi? Ganoon kahaba ang tulog at byahe ko. Napainat ako at mas lalo pang kumulo ang tiyan ko, parang hinahalukay ang gutom kong tiyan. Napalunok ako dahil sa reyalisasyon na wala nga pala akong pagkain. Kaya ko pa yata... Pumikit na lang ako at muling natulog. Nagising ako dahil may gumising sa akin. "Ma'am, nasa Maynila na po tayo." Napasilip ako sa labas at napatango kahit na hindi naman ako sigurado kung ganoon nga ba ang itsura ng Maynila. Kinuha ko ang mga gamit sa papag at tinulungan naman ako ni Manong Konduktor sa pagbaba noon. "Salamat po..." Tumango ito. Naglakad ako sa pinakagilid para maghintay sa hindi ko namang alam kung ano. Hindi ko na matandaan kung ano ang pakiramdam ng isang malaya---- hindi ko pa rin kasi nararamdaman hanggang ngayon---- at puro bagabag lang naman ang umiikot sa bawat sulok ng isipan ko. Ano bang dapat na gawin? Natulala ako, naghintay nang ilang minuto hanggang sa nilipad ng hangin ang isang ad na siguro ang siyang nagpabago sa buhay ko. Wanted: Janitress Napaawang ang labi ko sa pagod, at tagaktak na rin ang pawis. Tatlong Janitors ang hinalilihan ko ngayon, tatlong may malubhang dahilan. Napatitig ako sa salaming nadaanan ko... Namumutla na pala ako. Walang kabuhay-buhay iyong mukha ko. May tatlong grupo ng mga hiblang nalaglag sa bawat gilid ng mukha ko. Ganoon na siguro ka-hopeless ang sitwasyon ko ngayon... Pero at least, hindi na ito tulad nang sitwasyon ko kay Tiya. Nakakapagbayad na ako ng sariling upa. Nabibili ko na ang mga gustuhin ko. Nakakapag-ipon pa ako. Pagkatapos na-kontrata ko pa iyong Mama sa Recto sa paggawa ng pekeng birth certificate, diploma at ilang papeles ko. Alam kong mali. Pero marangal na trabaho naman itong kapalit. Narinig kong bumukas ang pintuan na nasa ka-pader lang ng salaming 'to. Binalingan ko iyon dala nang nakagawian. At napayuko sa kahihiyan. May tao sa loob! Maaaring nakita niya ako kanina na nakadungaw sa salaming iisa lang ang sipi. "Miss may salamin ako dito..." Aniya. Nakagat ko ang pang-ibaba labi dahil sa kahihiyan. Nakita niya nga ako! At ngayon inaalok niya pa ako ng salamin. "S-sorry po----" "Oh no! No! I'm really sincere offering you my spare. Kunin mo na." Nag-alangan ako sa pag-angat at mas lalo pang nakagat ang pang-ibabang labi. Isa yata 'to sa sa mga lawyers na umu-okupa sa building na 'to. "Kunin mo na." Ngiti niya... Kaso parang hindi naman ngiti iyon. Ngiting aso pa siguro. "H-hindi, okay----" "Come on! Kunin mo na..." Kapag hindi ko naman tinanggap yon mas lalo pang hahaba ang usapan. Hindi ko kasi... Parang iba ang kutob ko sa lalaking 'to. Napalunok ako at nanlalamig na inabot ang salaming ibibigay niya raw sa akin. Nang nahawakan ko na ang kabilang dulo, binitawan niya na ang isang dulo. "Ikaw na ang naka-assign sa palapag na 'to?" Tanong niya na nandoon pa rin ang ngiting aso. Kinabahan ako, hindi ko mawari pero kinakabahan talaga ako. "Nga-ngayon lang po..." Nakayukong ani ko, halos manginig na. "Ganoon ba..." Wika niya. Parang may napadaang malamig na hangin sa pagitan namin, napakatahimik. Narinig ko na lang na naglakad siya, mas malapit sa akin. Napalunok ako. At halos gapangan na nang panghihina. Malamig na rin ang pawis ko sa noo. "Napakainosente at napakaganda mo, Miss... Magja'janitress ka na lang ba habang buhay?" Tanong niya. Napaatras ako ng isang beses, nanginig at napatingin ako sa tabi ko. Ramdam ko iyong kapit ng kamay niya sa balikat ko. May kasamang pisil. At nanunubig ang mga mata ko sa kaba. Pwede ka namang tumakbo, Amy.. Bakit hinahayaan mo ang lalaking 'to? "Nagpapa-walk ka ba?" Tanong nito, halos pabulong na. Dumaosdos ang kamay niya sa braso ko, nanlamig ang panga ko. Parang nakukuryente at parang mailuluwa ko pa iyong puso ko sa kaba. Kahit puso ko, gusto nang tumakbo palayo. "P-po? A-a-nong----" "Nagpapakantot..." Nanlaki ang mga mata ko at nanginig ang mga tuhod ko. Halos bumigay na... Mama... "Birhen?" Ngisi niya. Nanlabo ang mga mata ko sa tanong niya. Natakot ako. Sobrang takot. Na halos manigas na. Na parang kinukuryente ang buo kong katawan sa sobra-sobrang kaba. Mabigat ang dibdib ko na halos pakiramdam ko ay may nasusunog roon. Para ring sasabog ang ulo ko sa mga sinabi at tinanong niya. Mama.... Mama.... "Bibigyan kita ng Condo, monthly allowance. At papag-aralin pa kita. Umoo ka lang... Sigurado namang magugustuhan mo ang gagawin natin." Bulong nito, halos ilapat na iyong labi niya sa punong tenga ko. Pumisil din ang kamay niya sa braso ko. Napanganga ako, sumakit ang ilong at mga mata. Humapdi iyon hanggang sa tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Nanginginig ako habang napapaatras. Kaonting ingay lang ang lumalabas sa akin dahil ang bigat-bigat ng puso ko. Parang may nakadagan. At ang sakit... "H-h-h-hin----" napailing ako, masakit ang ilong at lalamunan dahil sa pagpipigil na wag mag-ingay. Napatingala ako, at mas lalo pang naiyak. Sumeryoso siya at napailing. Sayang ka kuya! Gwapo ka sana pero ang bastos-bastos mo! Hindi ko masabi kung anong nilalaman ng hinanakit ko dahil sa sobrang sakit ng dibdib ko. Tumalikod siya at muling bumalik sa tapat ng pintuan. Tinulak niya iyon at napalingon siya sa akin. "Magbabago rin ang isipan mo..." Aniya, at tuluyan nang pumasok. Napaupo ako sa sahig. Nailapag ko ang salaming bigay niya kanina. Nanginginig at napatakip na lang ako ng mukha. Ilang minuto lang ay nahimasmasan ako at tumayo, nilingon ko nang isang beses ang salamin kaso binawi ko kaagad dahil sa takot. Inayos ko ang mga basahan, map at ilang panglinis sa dala kong cart. Napalunok ako at napaiyak na naman... Dali-dali akong umalis sa lugar na yun. Bumalik ako sa Utility Room at nang may nadaanang basurahan, inis na tinapon ko roon ang salamin. At muli na akong tumulak para ibalik ang mga gamit. Alas syete na ng gabi. Kailangan ko nang umuwi. At talagang kailangan na dahil baka magkasalubong pa kami ng Manyakis na yun. Nanlabo na naman ang mga mata ko pero kinalma ko na ang sarili, nasa loob ako ng jeep at ayaw ko namang mapagkamalang nababaliw na, o kaya'y maging kaawa-awa ang itsura. Nawalan ako ng gana. Hindi naging maganda ang pagtulog ko. Kahit sa panaginip sinusundan pa rin ako ng nangyari. Parang bangungot na paulit-ulit. Umiiyak ako nang magising. Sapo ko na naman ang mukha't dibdib ko sa takot. Napahawak ako sa kwentas na bigay ni Mama noon. Nakapagdesisyon na akong aalis sa trabaho ko na yun. Maghahanap ako ng iba. Marami pa diyan... Gagalingan ko na lang para matanggap kaagad ako. Kaso kahit anong pagsisipag at determinadong paghahanap, kapag kinulang sa edukasyon hindi agad natatanggap. Kapit sa patalim... Oo isang beses kumapit ako sa patalim. Alangan ako no'ng una kaso mamamatay naman ako sa gutom, yong bedspace na tinutuluyan ko ngayon, wala nang pangbayad next month. "Tumayo ka lang diyan, magpanggap ka na parang nagbibinta lang ng laman. Kapag may dumaang grupo ng mga kalalakihan, na puro itim at asul ang sout, pasimple mong iabot." Pagbibigay detalye niya sa mga gagawin ko mamaya. Tumango ako kahit nangangatal na sa sobrang kaba at lamig. Lumabas ako at lumingon-lingon sa paligid. 'Tsaka na pumwesto sa tabi ng daan. Inayos ko naman iyong napakaiksi kong shorts. Na halos kita na ang kuyakot. Swerte na lang sigurong pinayagan akong magjacket sa itaas. Ngunit walang-wala pala yong jacket na sout ko, gumagapang ang lamig mula sa mga binti't hita ko patungo sa itaas. Nakakadagdag lang ng kaba. Hindi iilang minuto ay may dumaang kalalakihan. Mga mukhang adik na tumatambay sa kanto. Tulad nang sinabi ni Alec. Iaabot ko lang at tapos na ang trabaho ko. Inabot ko sa pinakamalapit na lalaki ang kinuha kong pouch sa loob ng jacket ko. Mabilis niya iyong kinuha. Nawala na ang bigat sa aking dibdib kaya humakbang ako ng isang beses kaso natigilan ako nang may sumigaw ng, "DAPA!" "Hindi ni menor de edad, pwede nang ikulong." Sabay dila no'ng pulis sa labi niya at kanina pa pabalik-balik ang lakad sa harap namin. Napayuko ako, at hinawakan ang isa kong braso. Kinakabahan ako pero hindi tulad nang kabang naramdaman ko kanina. Siguro ay dahil alam kong binabayaran na ng konsensya ko ang kasamaang ginawa ko kanina. Napalunok ako ng isang beses nang tumigil sa tapat ko ang pulis na kanina pa nakatitig sa amin. "Miss, may solusyon naman para hindi ka makulong." Aniya. Naramdaman ko ang pagbaling ng mga kasama namin dito patungo sa akin. "A-ano po?" Pinisil ng tatlong daliri ko yong braso ko. "Sex..." Nalukot ang bou kong mukha, nakagat ko nang madiin ang aking labi. Nagtutubig na naman ang mga mata ko. Ang sakit magpigil nang sama ng loob... "Officer..." Tawag nang kung sino mula sa pintuan. Napabaling siya roon, mas lalo ko namang iniyuko ang ulo ko. "Laya na si Miss Beautiful. May nagpyansa na." Wika nito. Ako lang naman ang babae rito, kaya maaaring ako nga talaga! Napatingala ako at napangiti iyong pulis na nagbalita nang magandang balita na 'yon. Nawala ang takot, pangamba at hinanakit sa puso ko dahil do'n. "Sayang..." Nakagat ko na lang ang sariling dila at sumunod sa isang pulis papalabas ng opisina. Lumiko kami at nagtungo sa harapan ng istasyon. Ganoon na lang ang pagkagimbal ng boung pagkatao ko nang nakita iyong lalaking Manyakis sa Law Firm. Napaatras ako ng isang beses. Ngumisi ito at tumayo ng matuwid para tumungo sa akin. Gusto kong bumalik sa loob, kaya lang iniisip ko naman ang mangyayari sa akin kapag ginawa ko iyon. "Amythyst, laya ka na. Yakap naman para kay Kuya." Napaatras ako pero kinulong ng mga kamay niya ang mga braso ko at mariing nilapit niya ako sa kanya. Mariin ang kanyang yakap, na parang gusto niyang akong durugin. Napanganga ako para sumagap ng hangin. "May utang ka na sa akin ngayon, Amythyst So. Alam mo na ang kabayaran." Bulong niya. Nanlaki ang mga mata ko. Maraming katanungang lumulutang sa aking harapan. Ngunit nangingibabaw ang takot para sa sarili ko. Nanginig ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Cousins' Obsession

read
189.3K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
40.4K
bc

Daddy Granpa

read
279.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
52.0K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.7K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
249.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook