3. Zombiesoria

1031 Words
"Selyado na, Grace! Kahit langaw, hindi makakapasok sa ground floor," sigaw ni Baste habang humahangos pabalik sa control room. Ramdam niya ang bigat ng braso niya matapos i-manual lockdown ang mga dambuhalang rolling shutters ng bodega. Pagpasok niya sa pinto, agad niyang ibinaba ang secondary bolts. Klog! Klog! Ang tunog ng bakal na sumasara ay dapat sanang nagbigay sa kanya ng kapanatagan, pero may kung anong mali. Huminto si Baste sa tapat ng hallway kung saan dumanak ang dugo kanina. Ang amoy ng pulbura ay nananatili pa rin sa hangin, pero nang yumuko siya para tignan ang "pinag-sign of the cross-an" niya kanina ay wala na ito. Tila tumigil ang tìbok ng puso ni Baste sa nasaksihan. "Grace..." mahinang tawag niya, ang boses ay nanginginig. "Baste, bumalik ka na rito sa station mo. Maraming activity sa Monitor 2," sagot ni Grace mula sa loob, hindi lumingon. "Grace, lumabas ka rito. Ngayon na." Dahil sa kakaibang tono ni Baste, napilitan si Grace na tumayo at lumapit sa pinto. Nakita niya ang partner niya na nakaturo sa sahig. Sa hallway, naroon pa rin ang dalawang bangkay ng mga siyentipiko na duguan at dilat ang mga mata. Kitang-kita rin ang butas sa mga noo nito kung saan sila napuruhan sa ginawang pagbarili ni Grace sa kanila kanina. Naroon din ang talsik ng dugo. Pero sa pagitan ng dalawang scientist, kung saan dapat nakabulagta ang matanda na wala na ngayon doon? Halos bumalik at parang mas dumoble ang takot ni Baste dahil pang nangyari na nawawala ang katawan ng paborito niyang tindera ng binatog. Wala na si Aling Lucing. "Tara tignan natin sa CCTV." At iyon nga ang ginawa nila. Muli silang pumasok sa loob ng control room para malaman kung ano ang nangyari kay Aling Lucing. Habang busy si Baste sa pagma-manual lock down ay biglang tumayo si Aling Lucing na siyang ikinagulat at ikinalaki ng mata ng dalawa. "Pano nangyari 'yun eh nilapa na siya ng dalawa!" sabi pa ni Baste. "Huwag kang maingay, panoorin na lang natin," sabi naman ni Grace habang napapalunok. Pilit tinatago ang takot na kanyang nadarama. Ipinagpatuloy nila ang panonood ng footage kung saan nakalabas na nang tuluyan si Aling Lucing na tila ba naka-autopilot. Maputla na ang itsura nito dahil halos maubos ang dugo nito sa paglapa sa kanya ng dalawang nilalang. Luma man ang panlabas ng anyo ng building kung nasaan si Baste at Grace ay well-equip naman ito ng mga high-tech CCTV mapa-loob o mapalabas man ng building kaya nasusundan nila kung ano ang nangyayari. Ginagalaw lang ni Grace ang mouse para masundan kung nasaan na si Aling Lucing at.... "Putang-ina..." hindi mapigilang pagmumura ni Baste. Habang siya naman ay hindi na makagalaw dahil sa nasaksihan nila. Bigla lang namang sinakmal ni Aling Lucing ang leeg ng matandang babae na nagtitinda ng mansanas. Nagsigawan ang mga taong nakakita at ang iba ay agad na lumapit para pigilan si Aling Lucing nagawa naman nila itong pigilan pero yung umawat naman na isang lalaki ang kinagat ni Aling Lucing na sa tingin ng dalawa ay namimili lamang dahil may hawak itong bayong. May umawat na naman at iyon na naman ang nakagat. Hindi namalayan ng dalawa na magkahawak na pala sila ng kamay na habang nagkakagulo ay biglang bumangon ang unang kinagat ni Aling Lucing. Biglang bumangon ang duguan na matandang tindera ng mansanas at kinagat ang isa sa mga taong nanonood sa kaguluhan hanggang sa isang iglap ang Divisoria na kanina lang ay maingay sa tawaran, ngayon ay maingay sa tili at ungol. Lahat sila ay nagkakagulo. Pero hindi dahil sa tawaran ng presyo o mga kapwa Tinder na nag-aaway dahil sa puwesto. Nakita nina Grace at Baste sa malinaw na HD camera kung paano nag-iibang anyo ang mga taong nakakagat. Bumabangon at basta-basta dinadakma at nilalapa kung sinong buhay ang maabutan nila. Napansin ng dalawa na kapag nakagat na ay hindi na nila ito inaatake tanging mga buhay lang ang kanilang sinusugod. Sa labas, ang dating makulay na kalsada na puno ng masiglang mga tindera at mamimili ay unti-unting nababahiran ng madilim na pula. Sa bawat HD camera na nililipat ni Grace, bumubungad ang parehong tagpo: ang mga tindera ay hindi na nag-aalok ng kanilang paninda; sa halip, mahigpit ang kanilang kapit sa mga kustomer na pilit kumakawala. Ang bawat taong natutumba ay hindi nananatiling nakahandusay. Sa loob lamang ng ilang sandali, ang kanilang mga katawan ay muling kumikibot, bumabangon nang may kakatwang anggulo ang mga buto, at muli silang susugod sa susunod na biktima. Walang pinipili—mula sa batang naglalako ng tubig hanggang sa matandang nag-aabang ng jeep. Ang lahat ay nagiging bahagi ng isang marahas at walang katapusang siklo. "Zombie," bulong ni Grace, halos hindi makapaniwala. "Tama, napanood ko na 'to sa pelikula pero hindi ko akalain magkakatotoo ang ganitong tagpo." Ang Divisoria na dati ay simbolo ng buhay at diskarte, ngayon ay nagmistulang isang dambuhalang katayan. Ang ingay ng tawaran ay napalitan ng tunog ng mga kalyeng punong-puno ng mga nilalang na wala nang ibang pakay kundi ang lumapa. Nakatitig lang si Baste sa monitor, hindi maalis ang paningin sa kaguluhang nagsimula sa isang balot ng binatog at isang libong pisong sukli. Walang anu-ano ay biglang lumabas na lamang sa bibig ni Baste ang katagang... "Zombiesoria!" "Gago ka talaga!" sambit naman ni Grace sabay batok kay Baste. "Aray ko naman! Seryoso ako, Grace! Tignan mo, ang Divisoria naging dagat na ng mga zombie!" reklamo ni Baste habang hinihimas ang parte ng ulo niya kung saan siya binatuka ng dalaga. Ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatitig sa screen, at ganoon din si Gracre. Nanatiling nakaharap sila sa monitor, ang mukha nila ay seryoso at matalim. "Zombiesoria man o hindi, isa lang ang sigurado," sabi ni Grace habang kinakasa ang kanyang baril sa huling pagkakataon. "Selyado na tayo sa loob. No refund, no exchange." "At no escape, Baby Grace. Sa ngayon safe pa tayo pero sa susunod na mga araw, pa'no? Wala tayong pagkain na imbak, pa'no tayo makaka-survive?" dugtong ni Baste. At nagkatitigan sila. Hindi magawang sumagot ni Grace sa mga sinabi ni Baste dahil ayaw man niyang aminin pero tama ang lalaki. Pa'no sila makaka-survive sa mundo ng... Zombiesoria.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD