NAGISING si Bianca dahil sa pakiramdam niyang may naka tingin sa kaniya. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata subalit para naman siyang nag malikmata nang makita niya ang dalawang pares na matang naka titig sa kaniya.
Malungkot ang mga Mata nito subalit hindi naman makikitaan ng kahit na anong emosyon ang mukha nito.
“Ro–Romuel? anong…ba't ka nandito?—
“stop asking me Bianca, tell me are you okay now? Sabihin mong ayus kalang at wala nang masakit sa'yo” ani nang lalaki kaya hilim na nag tataka si Bianca kung bakit ganuon ang kaniyang asawa. Gayung alam naman niyang galit ito sa kaniya at wala itong pakealam sa kaniya
“mukhang ikaw ata itong may sakit…ka–kamusta ang mga paso mo? Naipatingin mona ba?” nag aalalang saad ni Bianca nang ma alala niya ang mga natamong paso ni Romuel
“I'm fine, answer me Bianca… ayus kana diba?” parang batang saad ni Romuel at halatang inip na inip na ito sa magiging sagot ni Bianca
“bakit ba? May problema ba” naguguluhang saad ni Bianca, nag tataka siya sa kinikilos ng asawa gayung hindi naman ito ganito sa kaniya
“Kukunin ni Mommy ang kompanya kapag hindi kapa maayos ngayon. Kaya sabihin mong maayos kana” tugon ng lalaki. Kaya naman lihim na napa simangot si Bianca, dahil ang akala niya ay tunay talagang nag aalala sa kaniya ang asawa niya
'Tssss, asa kapa self na mag aalala ang mokong na 'to sa'yo' ani ng isip ni Bianca, kaya naman napa nguso na lamang siya dahilan upang mapa tingin duon si Romuel
“stop pouting your lips Bianca” saway nito, tsaka pinitik ang kaniyang nguso
“araay! Ba't ka namimitik?”
“huwag mong patulisin ang nguso mo sa harap ko, dahil hindi lang pitik ang gagawin ko d'yan” tugon ni Romuel. Kaya naman napa irap si Bianca tsaka kamuntikan nang mapa nguso ulit subalit napa kagat labi na lamang siya, dahilan upang mapa tiim bagang ang lalaki.
Ewan ba ni Romuel dahil sa simpleng ginagawa lamang ni Bianca ay para na siyang na aakit nito. Kaya napa iwas siya ng tingin dito. Dahil kung hindi niya gagawin iyon ay baka hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na baka mahalikan niya ang babaeng kaharap.
Samantala nasa labas lamang ng Pinto si Mrs Carmela tsaka lihim na nakikinig sa dalawang tao na nasa loob. Pigil ang ngiti nito na animoy isang teenager na kilig na kilig.
Nang masigurado nitong tahimik na sa loob ay pinapormal ni Mrs Carmela ang kaniyang itsura tsaka huminga ng malalim at sinenyasan nito ng dalawang tango ang private nurse nito.
Halatang nagulat naman ang dalawa nang mapa tingin ang mga 'to, unang tumayo si Romuel upang hagkan sa pisngi ang ina subalit umiwas ito na animoy ayaw mag pa hawak at ayaw pansinin si Romuel
“ Darling, how are you iha…palagi ka nalang nag kakasakit. Yesterday kalang tinignan ni Doc at heto kana naman ngayon. Paburito mo atang laging inoospital iha” ani ni Mrs Carmela sabay sapo ng palad nito sa nuo ni Bianca
Napa ngiti naman si Bianca sa tinuran ng biyanan tsaka hinawakan ang kamay nito at mahinang pinisil “maayos napo ako Mommy, huwag na po kayong mag alala. tsaka gusto ko narin pong umuwi ayaw kong matulog dito sa Hospital”
“are you sure? Dahil hindi kita papauwiin kung hindi kapa tuluyang magaling at malakas” paninigurado ni Mrs Carmela at pinaningkitan nito ng mata si Bianca na animoy gusto nitong maka sigurado kung nag sasabi ng totoo si Bianca
Dahan dahan namang tumango ito at ngumiti “Opo Mommy, promise malakas napo ako tsaka paano ko ho aalagaan si Romuel kung nandito ako ” saad ni Bianca tsaka binalingan ang naka simangot na lalaki.
“ako ang anak mo Mommy. Bakit parang siya na ngayon ang anak mo” nag tatampong saad ni Romuel na animoy parang batang naka nguso ang labi nito.
Sa tanawin na iyon ay lihim na napapangiti si Bianca dahil naalala niya ang dating Romuel na may pagka isip bata minsan satwing mag papalambing ito or nag lalambing.
“wala akong anak na s*ra ulo, ito tatandaan mo Romuel ha. Ayaw ko nang maulit pa ito, alagaan mo ang asawa. Sinasabi ko sa'yo Romuel, nag usap na tayo” ani ni Mrs Carmela, kaya mas lalong napa simangot ang lalaki tsaka parang ewan na ginulo ang sariling buhok dahil sa sobrang pagka inis.
“okey, okey fine.. Tutal maayos na siya Mom baka puwede na akong pumasok sa kompaniya tommorow—
“no, ako na ang bahala sa mga business natin, marami tayong mga tauhan na mapag kakatiwalaan. From now on aalagaan mona ang asawa mo. At duon muna ako titira sa inyo—
“whaaa—what mommy!?”
“stop! ROmuel patapusin mo muna ako” ani ni Mrs Carmela sabay pigil ng hintuturo nito sa harap ng mukha ng lalaki dahilan para matahimik ito
“ duon muna ako hanggat hindi pa mopa tinuturing na asawa si Bianca, aalis lang ako kapag nakita Kong maayos ang pakikitungo mo sa kaniya at hindi na ulit siya masasaktan o mahohospital” seryosong saad ni Mrs Carmela
Kahit gustong tutulan ni Romuel ang kagustuhan nang kaniyang ina ay wala parin siyang magagawa lalo na't ito palagi ang kailangang masunod. At lalong ayaw rin niyang sumama ang loob ng kaniyang ina dahil ayaw na niyang makita muling inaatake sa puso ang kaniyang ina
Matapos nang usapan na iyon ay lumabas narin si Mrs Carmela kaya naman muling naiwan ang dalawa.
“anong ginawa mo kay Mommy? Bakit ganuon na lamang siya sa'yo. May pinakain kaba sa kaniya para iganyan kaniya—
“g*go! Anong akala mo saakin mangkukulam.. Wala akong alam sa pinag sasabi mona 'yan at mas lalong wala akong pinakain sa mommy mo. Maliban lang sa mga masasarap kong luto na nire-request niya. tsaka huwag kangang oa d'yan.…baka nakaka limutan mong matagal ng ganyan saakin ang Mommy mo kaya hindi nayan bago saakin” ani ni Bianca tsaka kumuha ng orange fruit at nag simulang balatan iyon. Subalit kaagad rin siyang pinigilan ni Romuel at kinuha ang prutas na hawak niya.
“opps! Orange ko'yan. Kumuha ka ng sa'yo” ungot ni Bianca at pilit na inaabot ang kamay ng lalaking may hawak nang orange niya
“tsss, para kang bata. Tumahimik kanangalang ang sakit mo sa tenga. Ako na ang mag babalat—
“bakit ikaw pa? Eh may mga kamay naman ako—
“masyado kang makulit Bianca, ako na ang mag babalat dahil masakit ang kamay mo.” agad na sabi ng lalaki dahilan upang matigilan si Bianca.
'Chaaarot, kunwari pa ang mokong na 'to. Sana pala araw araw nagagalit si Mommy Carmela para araw-araw rin mabait ang mokong na 'to. Ayarn na self ikaw naman mag pahirap sa mokong na yarn. Kakampi natin ang mommy niya kaya oras na para tayo naman ang bumawi' ani ng salbaheng utak ni Bianca.
Matapos balatan ni Romuel ang isang prutas na orange ay ang sunod namang ipina balat ni Bianca ay ang Chico pagka tapos ay nag palagay rin siya ng mansanas at ubas sa kulay puting babasaging Plato.
'Ayarn, masipag at masunurin pala ang Mr handsome Billionaire husband ko este ang impaktong asawa ko' ani ng kalooban ni Bianca
'Nako! Bumaliktad lang ang sungay niyan. Kapag iyan naka harap lagot na. Haharap rin ang sungay niyan. Naka tago lang ngayon kasi naka tanggap ng armalayt mouth sa mommy niya' saad naman nang lokaret na isip ni Bianca.
“oh, kumain kana, natapos ko nang balatan at hugasan ang mga iyan” ani ni Romuel, kaya naman napa tingin si Bianca sa mga prutas na ipina utos niya sa lalaki.
“ay…Romuel, ka–kasi masakit parin ang kamay ko. Hindi ko maigalaw ng maayos, kaya puwede bang subuan mo nalang ako ” ani ni Bianca. At parang gustong sumabog ng kaniyang puso dahil sa sobrang kilig at tumawa ng malakas dahil sa kaniyang kaartehan or kaya'y pag papanggap.
Pinipigilan lamang ni Bianca na huwag matawa o mapa ngiti. kaya naman hindi siya tumitingin sa lalaki.
Kahit ang totoo ay gusto na niyang mag tatalon sa sobrang saya. Lalo na't iyon ang pinaka imposibleng gagawin ni Romuel. Pero dahil sa kalagayan niya ay kaya niyang mag drama sa lalaki. Upang maka bawi man lang dito
“d*mn, tsss okey fine.. Basta lahat ng iyan ubusin mo para pauwiin na tayo ni Mommy. D*mn ikaw na ang mag sabi kay mommy na umuwi nalang at sa bahay ka nalang mag papagaling” saad nang lalaki.
'Asuss, kunwaring napipilitan yarn. Ang sarap palang utusan ang mokong na 'to kasi lalong pumupogi sa paningin ko kapag napipikon at nag sisimangot. Haaayst enebe self huwag masyadong kiligin ha. Baka mabilaukan ka ng saging nayan.' saad ng abnormal niyang isip. tsaka lihim na napapa ngiti habang pinapanuod ang pag balat ni Romuel ng saging.
“ open your mouth…aah” ani ng lalaki na animoy ginagawang bata si Bianca upang turuan kung paano ngumanga.
'Chaar ginagawa pa akong baby, sabagay baby naman talaga niya ako' bulong ng lokaret niyang isip. kaya naman wala sa sariling napa ngiti siya
Kumunot naman ang nuo nang lalaki nang mapansin nitong parang tangang ngumingiti si Bianca habang ngumuya ng saging.
“ba't ka naka ngiti?” masungit na sabi ng lalaki
Habang hindi parin bumabalik sa normal ang mukha nitong naka simangot.
“hey St*pid, I'm asking you” ani ulit ng lalaki sabay pitik sa nuo ni Bianca. Dahilan upang bumalik sa reyalidad ang isip nito.
Kanina pa siya nag de-day dreaming o kaya'y tawagin nalang na nag e-imagine na animoy naka lutang sa alapaap. Habang naka ngiti ang kaniyang labi.
Naka simangot na lumingon si Bianca sa lalaki na animoy parang batang inagawan ng laruan. Naiinis siya dahil napaka mapanira ng lalaking kasama niya. Sinira lang naman nito ang nakaka kilig na imagination niya.
“nakaka sakit kana Romuel ha, lagi mo nalang ako pinipitik. Kung hindi sa ilong ngayon sa nuo naman” inis na sabi ni Bianca at kinuha niya ang tinidor tsaka gigil na ipinalo iyon sa nuo ng lalaki
“aawtch!” daing nito
“haaw, social…american spoken ang manongs. Araaay! ” ani naman ni Bianca at napa daing rin ng pinalo siya pabalik ng lalaki sa nuo, Gamit ang tinidor
“ano bang problema mong mokong ka!? Kanina kapa ha. Nakaka rami kana” saad ni Bianca tsaka naupo sa kaniyang higaan.
“tinatanong kita, hindi mo ako marinig kasi para kang t*ngang ngumingiti. Ginising lang kita sa kalokohan mo. Kung ano man niyang imagination mo. Itigil mona dahil masisira lang ang buhay mo” ani nang lalaki. Habang hindi maka tingin sa babae dahil abala siya sa pag kuha ng ubas.
“OA lang? Masisira agad. Ano bang pakealam mo kung nag e imagine ako. Kung naiinggit ka edi mag imagine Karin” naka simangot na tugon ni Bianca
“tsaka, sa susunod na masasaktan mopa ako malalagot ka talaga dahil babawian ki—
Hindi na naituloy ni Bianca ang kaniyang sasabihin ng biglang lagyan ng lalaki ng ubas ang kaniyang bibig.
“kumain ka nalang, masyado kang madaldal. Ang sakit mona sa tenga” ani ni Romuel at muli na naman nito nilagyan ng Ubas ang bibig ni Bianca hanggang sa mapuno iyon. Dahil kahit naka simangot ang mukha ni Bianca ay tinatanggap parin niya lahat ng mga sinusubo sa kaniya ng lalaki.
//Continue