ISANG LINGGO ANG LUMIPAS. Walang pag sidlan nang kaligayahan ni Mrs Carmela, para sa kaniyang nag iisang anak na lalaki. Sa loob ng isang linggong paninirahan ni Mrs Carmela sa bahay nang mag-asawa ay napapansin niyang may pag babago na sa kaniyang anak. Dati ay hindi nito nakokontrol ang galit nito dahil may anger issues ito. Pero ngayon, mag mula ng mapang asawa nito si Bianca ay talagang marunong nang mag timpi at kumontrol si Romuel
Kasalukuyang nasa terrace si Mrs Carmela, habang naka ngiting pinapanuod ang dalawang tao na animoy parang aso't-pusa na parehong basang basa ng tubig.
Dahil kaninang nag didilig nang halaman si Bianca ay napansin nitong may mga matang naka tingin sa kaniya. At hindi nga siya nag kamali dahil mula sa likod niya ay naroon si Romuel na mataman lamang pinapanuod ang babae sa pag didilig nito.
Naruon si Romuel dahil gusto muna nitong lumanghap ng sariwang hangin mula sa garden area, dala-dala ang isang basong kape ay nag tungo ito ruon.
Ngunit hindi naman nito inaasahan na isang napaka sexing babae pala ang makikita niya duon. Naka suot lamang ito ng kulay yellow na sando at maiksing short. Habang abala ito sa pag didilig ng halaman.
Kumakanta pa ito at sinasabayan ng mahinang pag kembot ng katawan nito. “Shake shake, shake your body. Shake your body now…move move, move your body, move your body now…na na na, na na nananana. nana nana nana.” awit nito kasabay ng pag kembot ng balakang nito.
Kaya naman , lihim na napa ngiti si Romuel at lihim ring pinag papawisan at dahil sa kalikutan ng kaniyang mata ay napunta sa mahahaba at makikinis na hita nang babae ang kaniyang mga Mata. Dahilan upang siya ay mapa tulala at mapa awang ang kaniyang bibig.
Kaya hindi na nito namalayan ang pag harap ni Bianca “good morning nand'yan ka pala. May kailangan ka?” naka ngiting bati ni Bianca sa kaniyang asawa.
Subalit halatang wala itong naririnig dahil naka tulala lamang ito habang naka tingin parin ang mga Mata nito sa hita ni Bianca. Kaya naman sinundan ni Bianca kung saan naka tingin ang kaniyang asawa.
Ganuon na lamang ang pamumula nang kaniyang mga pisngi ng makitang sa mga hita niya pala naka tingin ito. Kaya naman hinarap niya sa lalaki ang hawak niyang hos, dahilan upang magising ito.
“what the…sh*t ang lamig, stop that Bianca” iritadong saad ni Romuel at pilit inaagaw ang hawak na hos ni Bianca. Kaya naman ay pareho na silang nabasa ng tubig. Ang kaniyang kape ni Romuel na nasa baso ay napuno narin ng tubig
“itigil mo iyang mukha mo, Neknek mo! Bastos bastos, binobosohan mo ako bastos” tiling sabi naman ni Bianca at pilit nilalalayo ang hawak na hos ng tubig upang hindi iyon makuha ng lalaki.
“itigil mo iyan, sayang ang tubig sh*t”
“gagi kailan kapa natuto mag tipid ng tubig. Ahh tumigil kana kasi” ani naman ni Bianca, maging siya ay basang basa narin.
“a-ha, ayaw mong ibigay ha” ani nang lalaki pagka tapos ay nilagay sa lapag ang hawak na baso. Pagka tapos ay patakbong lumapit kay Bianca upang kunin ang hos ng tubig.
Ngunit tumakbo rin palayo ang babae kaya naman ay nag habulan sila sa loob ng garden area. At dahil mas mabilis si Romuel, ay madali nitong naabutan ang babae. Kiniliti niya ito sa tagiliran dahilan upang mapa tawa ng malakas si Bianca
“hahaha, tigil na hahaha ano ba” tumatawang saway ni Bianca maging si Romuel ay napa tawa narin. Tawang kaitagal gustong marinig ni Bianca
Kaya naman ay napa tigil siya sapag tawa at napa titig siya sa lalaki na patuloy parin sa pag tawa.
Sa tanawin na iyon ay parang nag slow-motion ang tawa at kilos ng lalaki sa paningin ni Bianca. Natigil lamang ito nang mapansin rin nitong naka titig lamang si Bianca
Pareho silang naka titig sa isa't-isa at hindi na nila napapansin ang kanilang posisyon na sobrang magka lapit. Hindi lang sobra, kundi ay napaka lapit nila sa isa't-isa. Naka hawak ang mga kamay ni Romuel sa magka bilang bewang ng babae. Habang naka patong naman ang magka bilang kamay ni Bianca sa matipunong dibdib ng lalaki.
“ you're so beautiful Bianca” mahinang anas ni Romuel, dahilan upang mas lalong mamula ang pisngi ng babae.
Hindi niya alam kung mag titili ba siya sa sobrang kilig o mag lulupasay dahil sa sobrang saya. 'Enebe self kalma kalma' saway ng isip ni Bianca ngunit nag wawala naman ang malanding bahagi ng isip ng niya.
Akmang mag sasalita na sana siya, subalit pag awang pa lamang ng kaniyang bibig ay kaagad ng lumapat ang labi ng lalaki sakaniyang labi.
“don't move” mahinang anas ng lalaki at nag patuloy ang pag galaw ng labi nito. Ang kaniyang kamay nito na nasa bewang lamang ng babae ay ngayon ay naka pulupot na sa bewang ni Bianca
“kiss me back Bianca” mahinang anas nito ulit. Habang ang kanang palad nito ay dahan-dahan gumagapang pataas hanggang sa umabot iyon sa batok ni Bianca
Dahil sa napaka tamis at kakaibang halik ng lalaki ay wala sa sariling napa tugon na lamang si Bianca sa halik ng kaniyang aaawa.
Ang kaninang nasa dibdib na kamay ni Bianca
ay kaagad rin iyon napa lipat sa batok ng lalaki. Kaya naman mas lalong napa diin ang halik ng lalaki na buong puso namang tinugon ni Bianca
Sa tanawin na iyon ay mas lalong lumapad ang ngiti ni Mrs Carmela. Nang mapagod sa kakapanuod sa dalawa ay sinenyasan niya ang private nurse niya upang ibalik na siya sa kaniyang silid.
sinabihan niya rin si Petra na ihanda na ang mga gamit nang mga ito dahil aalis na sila duon at babalik na sila ng Tagaytay.
Hindi na nito inabala ang masayang moment ng dalawa. kaya naman umalis ang mga ito na hindi nag sasabi sa mag-asawa. Hinabilinan lamang ni Mrs Carmela sa mayordoma ang tungkol sa dalawa at dito narin ito nag sabi na aalis na sila sa bahay ng mag-asawa
Sapat na ang mga nakita ni Mrs Carmela, upang mapanatag na ang kaniyang loob. Lalo na't tiwala na siyang hindi na mapapahamak ulit si Bianca at mag tuloy tuloy na ang pag babago ng anak nito
Samantala gulat namang nag hiwalay ang dalawa. Nang maka rinig sila ng pag tikhim mula sa kanilang likuran.
Parehong hindi maitago nang dalawa ang hiya sa kanilang mga Mata. Hindi sila magka tinginan at hindi alam kung paano nila harapin ang isa't-isa.
“eheeem, sorry guys kung naabala ang pag tutukahan niyo ha. Kanina pa kasi kami dito eh” ani ni Vanessa ang asawa ni Sebastian. Kasama nito sina Jessa at Kesha ang partner nina Jego at Fego.
“what?” naka simangot na sabi ni Romuel. Hindi niya alam kung nahahalata ng mga ito na nahihiya siya at naiirita dahil hindi siya maka tingin ng maayos sa tatlong babae na hindi nila inaasahan na makaka panuod sa kaniyang live kissing scene
Maging si Bianca ay hindi rin maka tingin. Pulang pula na. animoy kamatis na hinog ang kaniyang pisngi
“may importante tayong pag-uusapan, pero hindi naman namin inaasahan na may live moments pala kayo dito.…hi Bianca, nice to see you again. Before I forgot, pardon dahil hindi ako naka punta sa wedding niyo” mahabang saad ni Vanessa
Nahihiya namang ngumiti si Bianca tsaka mahinang tumango “ayus lang 'yon, sinabi naman ni Sebastian kung bakit. Sige ipag hahanda ko muna kayo.. Anong gusto niyong inumin?” saad niya sa mga ito upang pag takpan ang hiyang nararamdaman
“tsaa nalang” sagot ni Jessa
“samahan mo narin ng dessert” habol naman ng isang babaeng maiksi ang buhok na nag nga-ngalang Kesha
“cookies naman saakin thankyou” pahabol uli ng nag nga-ngalang Jessa
“aba, pumunta lang ata kayo dito para mag meryenda.,girls hindi maid ang misis ko.. Bianca si Manang nalang, ipa hatid mo sa library room ko.” saad ni Romuel na ikina maang ni Bianca
'Ano daw? Tama ba ang narinig ko? Sinabi niyang misis ko, hindi naman ako nabibingi diba? Sinabi niyang Misis niya ako. Ayyyyie ang sharap sa Ears' hindi maka maniwalang saad ng kalooban ni Bianca at lihim na napa ngiti. Parang gusto niyang mag titili dahil sa sobrang kilig.
“si—sige” mahinang tugon niya.
Tinungo ni Bianca ang kusina at nang maka rating ay duon niya nilabas ang kanina paniyang pinipigilang kilig.
“kiyaaa!” impit niyang tili. Tsaka nag tatalon. Patuloy parin siya sa pag talon at kung minsan naman ay umiikot dahil sa labis na kasiyahan.
“napaka saya naman ng Senyorita namin” ani ni Manang Jossa na naka tayo lamang sa bungad ng Pinto. Naka ngiti ito at makikita sa mga Mata nito na labis ang kagalakan nito
Napa hinto naman sa pag ikot si Bianca ngunit hindi parin napapalis ang ngiti nito sa labi. Maging ang mga Mata nito ay animoy lumulutang sa alapaap.
“ay napaka saya nga…hmmm ano kayang dahilan. Aha.. siguro hmm nag kuwan na kayo ni Senyorito no—
“hala manang, anong iniisip mo? Anong kuwan ka d'yan. Wala po no, tsaka masaya lang ako kasi ang bait-bait napo ng asawa ko manang” ani ni Bianca at muling kinilig sa huli nitong sinabi. Nag titili pa ito na animoy isang teenager na nun lamang pinansin ng kaniyang crush.
“ay g*gang bata 'to. Hahaha tumigil kanga, nakokoryente ako. Pati ako kinikilig sa style mong bata ka” ani ni Manang Jossa sabay kurot ng mahina sa tagiliran ni Bianca. Dahilan upang mas lalong mapa hagikgik ito.
Ilang sandaling tawanan ay si Manang rin ang naunang tumigil tsaka mahinang pinalo sa braso ang senyorita. “oh siya anong kailangan mo, ba't ka nandito sa kusina?” saad ni Manang upang matigil na sila sa pag kikilitian
Sinabi naman ni Bianca ang mga sinabi sa kaniya ng asawa. Na siya namang tinalima ng mayordoma. Nang matapos ay siya na rin ang nag hatid ng mga ito sa sala kung nasaan ang asawa kasama ng mga babaeng kaibigan nito.
Kaagad namang tumayo si Romuel nang makita nitong palapit si Bianca dala-dala ang pinahanda ng mga kasama.
“oh ba't ikaw ang nag dala? Nasa'n si Manang?” kunot nuong saad ni Romuel tska kinuha ang tray na pinag lagyan ng inumin sa kamay ni Bianca
“a—ako na” saad ni Bianca, subalit tinignan lamang siya ng lalaki tsaka pilyong kumindat at tipid na ngumiti. Kaya naman lihim na namang kinilig si Bianca at hindi naka takas sa mga Mata ng lalaki ang pamumula ng pisngi nang asawa.
“are you okay Bianca?” saad nito
“ha? Ah o–Oo ayus lang ako” naiilang na tugon ni Bianca habang hindi maka tingin sa kaharap.
“kinikilig yarn”mahinang tudyo ni Jessa
Matapos mailapag ni Romuel ang mga ipinahanda ay tinanguan lamang niya si Bianca na kaagad namang naunawaan nito
“what Van, anong gusto niyong sabihin at kailangan pang mangapit bahay kayo dito” ani ni Romuel tsaka kinuha ang isang tasang pinatungan ng basong nag lalaman ng chocolate coffee para sa kaniya.
Sumimsim muna ng tsaa ang babaeng nag nga-ngalang Vanessa o Van. Nang matapos ay nilapag nito sa babasaging lamesa na hangganga tuhod lamang.
“alam na namin kung sino ang mastermind ng pag papasabog nang sinasakyan nina Brenda—
“who…at nasaan?” agad na sabi ni Romuel dahilan upang mapa hinto sa pag sasalita ang babae.
“siya si Erom ang CEO ng Akir Manpower company. Nandiyan sa Files nayan lahat ng mga gusto mong malaman. Ang gusto naming malaman kung anong gusto mo para sa taong 'yan” ani ni Kesha sabay lapag ng brown envelope sa gitna ng lamesa. Kaya naman napa tingin duon si Romuel
//continue