CHAPTER 19

2020 Words
PUMASOK sa loob ng kuwarto si Bianca pagka galing niya sa sala. iniisip niya kung bakit kailangan pa siyang paalisin doon gayung asawa naman siya ni Romuel. Kaya may karapatan siyang malaman kung ano ang pinag uusapan ng mga ito. Napa nguso siya at napa mewang tsaka naupo sa malambot na kama ng asawa. Oo nasa kuwarto siya ni Romuel. Nag sasama na sila sa iisang kuwarto subalit naman sila nag tatabi sa iisang kama. Nasa lapag natutulog si Romuel gamit ang makapal at malambot na kumot. Habang siya naman ay sa malambot at malaking kama ng asawa. Nag simula lamang iyon nang dumating ang kaniyang Biyanan FLASHBACK Katatapos lamang mag ayos ni Bianca sa kaniyang sarili. Naligo at nag-aayos siya. Kasalukuyan siyang nag susuklay ng buhok, habang naka upo siya sa kaniyang maliit na kama. Nang may tatlong katok siyang narinig mula sa Pinto ng kaniyang silid. Nilapag muna niya ang hawak na suklay sa maliit na lamesitang naka lagay sa tabi ng kama niya. Pagka tapos ay tumayo at tinungo niya ang Pinto upang pag buksan ang taong kumakatok. Sa isiping si Manang Jossa ang kumakatok ay kasabay ng kaniyang pag bukas ng Pinto ay ngumiti siya ng pagka tamis tamis. Subalit napalis lamang iyon nang mapag sino niya ang taong nasa labas. “Ro–Romuel” nauutal niyang saad habang gulat na gulat naman ang kaniyang mga Mata. “ pack your things” seryosong saad ng lalaki. Kaya naman naiilang na ibinaling ni Bianca ang kaniyang tingin sa isang sulok. Dahil pakiramdam niya ay tagos mula kaluluha niya kung maka tingin sa kaniya ang lalaki. “ba–baket?” “gusto mo bang mapag sabihan ako ni Mommy or mapagalitan kapag nalaman niyang dito kita pinapatulog” tugon ni Romuel tska tumaas ang kaliwang kilay nito habang naka pamulsa naman ang mga kamay nito “oh tapos? Anong gusto mong gawin ko” sagot naman nito “f*ck, are you out of your mind Bianca. Natural kunin mo ang mga gamit mo dito at ilipat mo sa kuwarto ko.” masungit na tugon ng lalaki. At halos mag kasalubong na ang dalawang kilay nito. “mga gamit kolang? Aanhin mo ang mga gamit ko?” painosenteng saad ni Bianca at pigil na pigil lamang niyang huwag mapa ngiti. Dahil kitang-kita niyang naiiritado na ang lalaki. Dahil sinasadya lamang niyang inisin ang asawa lalo na't mas gumuguwapo ito sa kaniyang paningin satwing mapapa tiim bagang ito. “d*mn..” mahinang saad ni Romuel tsaka tumuloy sa kuwarto ng babae. “huy! Ba't ka pumapasok dito. Kuwarto ko 'to” habol ni Bianca sa lalaki tsaka hinawakan ang siko nito. Kaya naman ay napa hinto ito at madilim ang awra ng mukha nito nang lumingon sa babae. “and this is my house” seryosong saad ng lalaki at walang salitang pinangko nito sa braso ang gulat na gulat na babae. Napa tili at napasigaw si Bianca tsaka pinag papalo ang likod ng lalaki “ahh! Ano ba ibaba mo ako” tili ni Bianca “hey! Huwag kang malikot. Ang ingay mo”saad ni Romuel sabay palo sa pang upo ng babae. Gamit ang kamay niya. “anak ng tinapa. Huwag mong paluin ang puwet ko. Na na nantsing kanang mokong ka. Haaa! ibaba mo ako!” ani ni Bianca habang patuloy parin sa pag pupumiglas. “kapag hindi mo parin ako ibinaba uututan talaga kitang mokong ka!”dugtong Pa ni Bianca. Kaya naman buhat sa narinig ay kaagad rin ibinaba ni Romuel ang pasaway na babae. “d*mn…ang ingay mo, gusto mo atang mahalikan ulit Bianca” ani ni Romuel habang may pilyong ngiti sa labi nito subalit wala naman emosyon ang mga Mata nito. Halos mag kulay kamatis naman ang mukha ni Bianca dahil sa sinabi ng asawa. Hindi dahil nahihiya siya kundi ay naaliw siya dahil sa pag wawala na naman ng maharot niyang utak 'Kiyaaa! Bet na bet koyan. Bakit pa kailangan sabihin. Tssssk gawin mona lang kaya my gwapong Mister' Natigil lamang sa pag wawala ang kaniyang isipan ng biglang hilain naman ni Romuel ang kaniyang kamay. kaya naman ay napa balik siya sa reyalidad. “araay! Dahan-dahan lang, kung maka hila ka naman parang hindi tao hinihila mo ah” ungot ni Bianca. Dahil napaka laki ng bawat hakbang ng asawa niya, habang hila-hila ang kanang kamay nito. “manang paki lipat sa kuwarto ko ang mga gamit ng senyorita Bianca mo” ani ni Romuel nang maka salubong nito si Manang Jossa dala-dala nito ang isang kahon na kanina lamang ay pinapatapon niya. “sige ho senyorito” tugon ng matanda tska yumuko ngunit napa ngiti naman ito nang mapa tingin ito sa magka hawak na kamay ng dalawa. Walang lingon likod na nag patuloy si Romuel sa pag pasok sa kuwarto nito habang hilahila parin ang kamay ng asawa. “Aray! Kanina kapa ha” saad ni Bianca tsaka malakas na piniksi ang kamay ng asawa dahilan upang mabitawan siya nito. Napa hawak si Bianca sa kaniyang pala pulsuhan at nangilid ang mga luha sa kaniyang mata nang makita niyang namula ang kaniyang pala pulsuhan dulot ng mahigpit na pag hawak ni Romuel dito. Samantala ang kaninang madilim na awra ni Romuel at malaks na pag tiimbagang nito ay biglang tumigil at napalis. Parang maamong tupa ang mukha nito nang napa tingin ito sa pala pulsuhan ng asawa. Bigla siyang naka ramdam ng guilt dahil hindi niya nakontrol ang lakas niya sa pag hawak sa kamay nito. “ I–I'm sorry” mahinang saad ng lalaki tsaka kinuha ang kamay ng asawa at dinala ang namumulang pulsuhan nito sa kaniyang bibig. At mahinang pinag hahalikan iyon. “I'm sorry, masakit ba?” pag uulit ni Romuel “hi–hindi na masakit” nauutal na sabi ni Bianca at hindi niya naitago ang pamumula ng kaniyang pisngi dahil sa hindi niya inaasahang gagawin ng asawa niya. “are you sure? Tell me the truth Bianca masakit ba? Wait I'll call Manang— “hindi na” agad na pigil ni Bianca sa kaniyang asawa. Naisip niyang napaka over naman ata ng kaniyang asawa. Hindi tuloy niya alam kung anong klaseng kaluluwa ang sumapi dito para bumait ito. Or kaya'y anong pagkain ang nakain nito para biglang mag bago ang pakikitungo nito sa kaniya. “ba't nangi-ngilid ang mga luha mo. Tell me masakit parin ba?”mahinang saad ni Romuel at pinag patuloy ang malilit na pag halik sa kamay ni Bianca Wala sa sariling umiling naman ito “wa–wala” nauutal nitong tugon tsaka pilit pinipigilan ang nag babadyang luha sa mga mata nito “I'm sorry, pasaway ka kasi” ani ni Romuel tsaka hinila ang kamay ng babae at dinala iyon sa likod niya. dahilan upang mapa yakap ito kay Romuel “mula ngayon dito kana matutulog” mahinang saad ng lalaki tsaka lihim na hinagkan ang ulo ni Bianca na siyang naramdaman naman nito. Lumipas ang ilang sandali ay dumating nanga si Mrs Carmela kasunod ang mga tauhan nito at private nurse nito. Inikot muna nito ang buong bahay gamit ang wheelchair nito at hinayaang si Bianca na lamang ang mag tulak niyon. Upanf mahaba haba ang kuwentuhan nilang dalawa. Nang matapos sa labas ay nag tungo naman sila sa kuwarto ni Romuel o kung mas tawagin sa kuwarto nilang dalawang mag-asawa. Sa huling pag pasok ni Bianca duon. Kasama ang kaniyang biyanan ay medyo nanibago pa siya. habang pinapasyal niya ang biyanan sa loob ng malaking kuwarto na iyon ay napansin niyang mas lalong umaliwalas ang buong silid na iyon. Ang mas lalong nag Pa papanibago sa kaniya ay mukhang may kulang sa gallery room. Habang iniisip ni Bianca kung anong kulang duon ay napansin niyang wala na roon ang mga larawan ni Brenda. Maging ang mga larawan nito kasama si Romuel ay wala narin. END OF FLASHBACK “Anong Plano mo?” tanong ni Vanessa kay Romuel na ngayon ay nag tatagis na ang bagang nito dahil sa galit. “ let me handle— “No Jessa, saakin siya may atraso kaya saakin siya mag babayad.” putol ni Romuel sa sasabihin ng kaibigan. Hindi niya hahayaang sa ibang kamay mag dusa ang taong may malaking kasalanan sa kaniya. Katatapos lamang niya malaman lahat ng information sa taong may utak sa nangyareng dahilan ng pagka matay ng mag-ina niya. Nalaman niyang kalaban nga sa politiko ng ama ni Brenda si Erom. At dating ex Boyfriend rin ng namayapang kasintahan niya. Sobra itong nasaktan ng malaman nitong sakaniya mapupunta si Brenda at ang labis na kinaka galit nito ay nang matalo ito sa pagka senator. “huwag niyo narin akong samahan, kaya kona 'to. May mga problema rin kayo ” saad ni Romuel sa tatlong babae. Ngunit umiling lamang ang mga ito. “Kung anong problema mo ay problema narin namin. Kaaway mo. Kaaway rin nang buong Grupo kaya huwag kang maka sarili Romuel. Hindi namin hahayaang sumugod kadun mag-isa” seryosong saad nang nag nga-ngalang Kesha. Matapos ang seryosong pag-uusap ng apat ay umalis narin ang tatlong babae. Kaya naman ay napa pikit ng mariin si Romuel tsaka napa hugot ng malalim na pag hinga. “ang lalim naman nun iho.” ani ng pamilyar na boses kaya naman napa mulat ng mata si Romuel “manang… “tungkol bayan kay Senyorita Brenda?” ani nang matanda tska naupo sa tabi ng alaga. Bata pa lamang si Romuel ay si Manang Jossa na ang nag alaga sa kaniya at tinuturing na niyang pangalawang ina. Napa tango naman si Romuel bilang pag sagot. Tsaka parang batang yumakap siya sa matandang Mayordoma. Naka unan ang ulo niya sa braso ng matanda habang naka yakap naman ang mga braso niya sa tagiliran nito. Kaya naman ay wala sa sariling napa ngiti si Manang Jossa. dahil ilang taon narin mag mula ng gawin ulit iyon sakaniya ni Romuel. Napaka tagal na ang huling pag lalambing nito. Noong mga araw na nabubuhay pa ang dating kasintahan nito na si Brenda. “iho, hindi sa pinangu-ngunahan kita. Pero kailangan bang ilagay mo sa mga kamay mo ang hustisya? Alam Kong malaking tao na naman ang kakalabanin mo. Nag-aalala lang ako para sa Mommy mo at sa asawa mo. Paano kung madamay sila dahil sa pag hihiganti mo” “Pardon Manang, pero hindi koho papalagpasin ang pag kakataon na ito lalo na't kilala kona ang Leader ng mga taong dahilan ng pagka wala ng mag-ina ko. Buhay ang kinuha saakin kaya buhay narin ang kapalit manang” mahinang tugon ni Romuel 'Jusko, kayo napong bahala sa alaga ko. Huwag mo sana siyang pabayaan' piping dasal ng mayordoma. “si Mommy?” ani ni Romuel nang mapansin niyang kanina paniya hindi nakikita ang kaniyang ina. Samantala nasasanay siyang madalas ay nasa Garden area ito odi kaya'y nasa Terrace ito nag papahangin o kaya'y nag babasa ng pahayagan. “bumalik na ang Mommy mo sa Tagaytay. Kasama ang nurse niya at si Petra” “bakit hindi man lang siya nag sabi saakin. Bakit hindi niya sinabing uuwi na pala siya? ” nag tatakang tanong niya tsaka humiwalay sa pagkakayakap sa matandang Mayordoma. “dahil nakikita niyang umaayos kana. At hindi mona pinapahirapan ang asawa mo” naka ngiting tugon ni Manang Jossa “tsss, okey Manang…kayo na ho ang bahala d'yan. Pupunta na ako sa kuwarto ko” aniya tsaka tumayo na at walang lingon likod na nag patuloy na siya sa pag lakad patungo sa kaniyang silid. Nang maka rating at maka pasok ay kumunot naman ang nuo ni Romuel nang makita ang naka busangot na mukha ni Bianca “Oh ba't ganyan ang mukha mo?” saad ni Romuel tsaka walang alinlangang hinubad nito ang suot nito. Nuon lamang napansin nina Romuel at Bianca ang kanilang suot na basang basa pala sila ng tubig Naka limutan na nilang mag palit. Bago hinarap ang mga kaibigan. Mabuti na lamang hindi napansin ng tatlong babae ang kanilang ayos. Kundi talagang mapapahiya silang dalawa. Lalo na't maninipis pa naman na tela and kanilang suot. //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD