MULING NAGISING SI BIANCA sa hindi pamilyar na silid, kaya naman halos mag salubong na ang dalawang magandang kilay niya, dahil sa pag kakakunot. Napaka ganda nang silid na iyon. Napaka maaliwalas sa mata kaya naman hindi mapigilang mapa hanga ni Bianca. Ngunit ang paghangang iyon ay bigla namang napalitan ng takot. Dahil halos kilabutan naman siya sa sobrang lamig ng Aircon nang silid na iyon, tapos halos mabingi pa siya sa sobrang katahimikan. “Ma–Manang…” paos na tawag niya sa mayordoma. Subalit inabot na nang ilang beses na pag tawag ay wala paring Manang Jossa na nag papakita. Medyo gumaan narin ang pakiramdam niya kaya naman palagay niya ay kaya na niyang tumayo. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama at bawat kilos niya ay ingat na ingat siya na animoy isa siyang babasaging ba

