MAHIGIT DALAWANG LINGGO ang lumipas mag mula nang gawin ni Romuel ang isang romantikong gabi kasama si Bianca Mag mula niyon ay tinupad nga ni Romuel ang sinabi at pinangako nito sa asawa. Araw-araw nitong nililigawan si Bianca, araw-araw nag dadala nang iba't-ibang magagandang bulaklak at masasarap at matatamis na mga prutas at kung minsan ay ang mga paburitong tsokolate ni Bianca Araw-araw nitong pinapadama kung paano ka espesyal na babae ang asawa at araw-araw nitong pinapakita na talagang nag bago na siya. Subalit hindi parin nito nakukuha ang matamis na 'OO' ni Bianca Sa mahigit dalawang linggo na iyon ay hindi na muling naulit ang naganap sa kanilang dalawa. Kahit sobrang nakaka akit ang katawan na't kinis at ganda ni Bianca ay talagang nag pipigil lamang si Romuel. Nag pipigi

