Kina umagahan, maagang nagising si Bianca upang ipag handa ng almusal ang kaniyang asawa. Kahit hindi siya pinapansin nito at galit ito sa kaniya ay responsibilidad niya paring ipag handa ito at asikasuhin dahil asawa niya parin ito.
“oh, iha ang aga mo naman nagising” saad ni Mrs Carmela na kakapasok lamang ng kusina. Nadatnan nito si Bianca na nag piprito ng bacon at hotdog habang may naka hain na sinangag na kanin sa pabilog na lamesa.
“Good morning mommy, yes po gusto kopong ipag luto ang asawa ko” saad niya tsaka lumapit sa biyanan upang ibeseto ito at mag mano.
“oh, what a nice girl. That's my daughter, sana habaan mopa ang pasensya mo kay Romuel, oh by the way good morning too iha” malambing na saad ni Mrs Carmela
Samantala, kakagising lamang ni Romuel mula sa malalim na pagkaka tulog. Pag gising niya ay napa hawak siya sa kaniyang ulo dahil bigla nalamang iyon kumirot. Dulot ng hangover sa dami niyang ininom na alak kagabi
“d*mn it! Sh*t Petra, where is my coffee! ” sigaw ni Romuel habang naka pikit at naka hawak sa kaniyang ulo. Naka upo parin siya sa kama habang naka suot lamang siya ng boxer short.
“kuya, naka handa napo ang almusal niyo.” humahangos saad ni Petra. May hawak pa itong sandok at isang kutsilyo.
“what, where?”
“ayun po oh” tugon ng babae sabay turo sa maliit na lamesang pang isahan lamang. Napalingon naman duon si Romuel at duon ay nakita niyang napaka daming naka hain na pagkain. Sinangag, pritong itlog, bacon torta, hatdog at marami pang iba na tanging pang probinsyang pagkain talaga.
Walang salitang tumayo na si Romuel tsaka sinenyasang umalis na ang babae na agad namang tumalima ito.
Naupo na siya sa isang bangko upang harapin lahat ng naka handa sa lamesa. Una niyang tinikman ang mainit na kape. Napa pikit pa siya dahil sa mabangong amoy nito.
Wala siyang ka alam-alam na ang kaniyang asawa ang nag luto nang lahat ng iyon. Napapa tango at napapa pikit siya dahil sobrang pasado sa panlasa niya ang lahat ng nakahain.
Sobrang ganadong ganado siya sa pagkain kaya naman hindi niya namalayan na naubos na niya lahat ng naka handang pagkain.
Nang matapos ay kumuha naman siya ng isang stick na sigarilyo. Naka boxer lamang siya at habang naninigarilyo ay nag tungo siya sa tabi ng lampshade upang tawagan ang katulong o ni Petra
“Come to my room” aniya matapos niyang pindutin ang intercom na naka konekta sa Kusina. Pagka tapos ay nag tungo naman siya sa terrace upang mag pahangin. Hindi na niya pinansin ang pag bukas ng Pinto at hindi na niya nilingon kung sino man ang pumasok sa kaniyang silid.
“thank-you Petra, hindi ko alam na masarap ka palang mag luto” saad ni Romuel, habang naka talikod parin.
Samantala pigil naman ang pag ngiti ni Bianca nang makitang naubos lahat ng asawa ang kaniyang niluto. Ang akala niya ay hindi nito kakainin ang kaniyang ginawa. Ngayon naman ay mas lalong napa ngiti ang kaniyang puso dahil narinig niyang sinabi mismo ng binata na masarap ang kaniyang mga niluto.
“Petra, bukas gawaan mo ulit —you? What are you doing here? Nasaan si Petra” kunot nuong saad ni Romuel nang makitang si Bianca pala ang babaeng pumasok sa kaniyang kuwarto.
“e liligpit hindi maka tanging tugon ni Bianca, ngunit hindi naman naka ligtas kay Romuel ang lihim na ngiting tinatago ng asawa.
“bakit ka naka ngiti?” seryosong saad ng lalaki. Napa tingin naman si Bianca dito.
“ha? Nakangiti, si–sino?”
“tsss, stupid bakit may iba pabang tao dito?” ani ni Romuel habang naka taas ang kaliwang kilay
“O–oo, ikaw hmm ako?”
“arrg stupid! Ligpitin mona lahat ng mga iyan at bilisan mo dahil duon na tayo titira sa bahay ko” ani ng binata tsaka tumalikod na ito
“ba–bahay mo? Ta–tayo…tayo lang dalawa?”parang tangang saad ni Bianca, kaya muli na naman napa lingon dito ang lalaki
“arrrg binubuw*sit moba ako Bianca?”
“ha? Hi–hindi…Sa–sabi konga mag liligpit na” tarantang saad ni Bianca tsaka lihim na napapanguso
Parang gusto niyang pektusan at sabunutan ang kaniyang sarili dahil paano ba naman nag lalakbay ang salbe niyang utak lalo na't talagang nakaka himatay ang napaka gandang tanawin sa kaniyang harapan. Kaya tuloy nag mumukha siyang tanga at stupidang babae sa harap ng kaniyang asawa.
'Enebe nemen kese, masyadong pinag pala ang guwapong unggoy na'to' tili ng malanding kabilang isip niya
'Haaayst tumigil ka Bianca.. Nag mumukhang tanga ka tuloy' saway naman ng matinong isipan niya. Kaya muli na naman siyang napa nguso
“stop pouting your lips stup*d” ani ng seryosong boses mula sa kaniyang likuran. Dahil sa pag wawala ng isip niya ay hindi na niya namalayan ang pag lapit ng kaniyang asawa mula sa likuran niya.
“pouting? Hi–hindi ah”
“so ano? Hindi ka naka nguso, pero nag papahalik ka?” mapa nud'yong saad ng lalaki pero sa seryosong mukha parin.
“ha? Halik…hi–hindi rin ha” mabilis na sagot ni Bianca. Habang namumula na ang kaniyang pisngi. Dahil sa kahihiyan. Nahihiya siya lalo na't lagi siyang nahuhuli ng lalaki.
“tsss, bilisan mona d'yan stup*d”
“wow? Naubos lahat 'yan ng anak ko iha?” gulat habang may ngiti sa labing saad ng Donya. Nang makita nitong dala-dala ni Bianca ang lahat ng pinag kainan ni Romuel
Naka ngiti rin naman tumango si Bianca “Opo, naubos niya po.. Nagustuhan niya lahat ng mga niluto ko mommy” tugon ni Bianca
“what ikaw ang nag luto?!” parang kulog na sabi ng isang boses mula sa Pinto ng kusina. Naka talikod ang Donya maging si Bianca, kaya hindi na nila namalayan ang tahimik na pag pasok ni Romuel
“yes anak, ang asawa mo ang nag luto. Masarap talaga mag luto ang batang ito. Kaya sobrang proud ako dahil ito ang Daughter-in-law ko.” malambing na sabi ni Mrs Carmela sabay yakap sa isang braso ni Bianca
Napa yuko naman si Bianca habang namumula na naman ang kaniyang pisngi. Kahit nakaka paso ang paraan ng pag tingin sa kaniya ng lalaki ay hindi niya magawang matakot lalo na't sa ganuong ayus. Naka pantalon lamang ito subalit wala namang suot na pang itaas.
“d*mn, tsssk let's go. Mom aalis na kami” ani ng lalaki ng bumaling ito sa ina.
“ha? A-aalis na agad? Pe–pero hindi pa ako naka pag impake at hi–hindi pa ako naka pag palit—
“Marvin, let's go” ani ni Romuel sa Driver na ngayon ay kapapasok lamang. May hawak pa itong egg sandwich sa mag kabilang kamay nito at punong puno ng pagkain ang bibig nito.
Walang salitang tumalikod na si Romuel at naiwang naka nga-nga parin ang tatlo dahil napaka dilim na naman ng awra ng lalaki.
//Continue