“HUWAG mona ulit ako ipag luluto. Hindi ka masarap mag luto at hindi ko gusto lahat ng mga ginagawa mo” tiim bagang saad ni Romuel, habang matalim na tingin ang ipinukol nito sa katabing asawa.
Kasalukuyan na silang nasa loob ng kulay itim na limousine, magka tabi ngunit para naman silang aso't pusa.
“sinabi mo nangang masarap 'yung mga nakahain sa'yo kaninang umaga. Naubos munga eh, kaya pala kasi hindi masarap” pigil ang ngiting saad ni Bianca
Tumaas naman ang kaliwang kilay ni Romuel tsaka muling nag tagis na naman ang bagang nito. Dahil kanina pa siya kumukulo sa inis sa babae. Ngunit ngini-ngitian lamang siya nito at kung sasagot man ay pabalang o kaya'y pelosopong babae.
“hindi porket kinain ko mga niluto mo kanina ay masarap na tsss hindi masarap lahat ng mga iyun. Masyadong maalat, kaya sa susunod huwag ka ng mag luluto” ani ng lalaki, habang hindi maka tingin sa babaeng nag pipigil lamang ngumiti.
“hindi daw masarap mga luto ko, pero walang natira kahit isang kanin sa Plato. Ubus lahat, kaya naman pala kasi masarap” mahinang bulong ni Bianca habang may mapanudyong ngiti sa labi
“what did you say, May sinasabi ka?” seryosong saad ng lalaki
“ha… Wa-wala, may sinabi ba ako? Ang sinabi ko matagal paba ta'yo?”
“tsss, stop asking me at huwag mo akong kinakausap”
“ikaw nga itong kumakausap saakin” mahinang bulong ni Bianca
para silang aso't-pusa sa loob ng sasakiyan, kaya lihim na napapailing na lamang ang Driver maging ang isang kasambahay na pinasama nila. Upang may kasama umano si Bianca sa bagong mansyon nilang mag-asawa.
Hindi rin nag tagal ay pumasok ang magarang sasakyan sa isang napaka laki at napaka gandang subdivision. May walong malalaking bahay na itinayo ruon at ang iba ay hindi pa tuluyang natatapos. Mag kakaiba ng kulay ngunit parepareho ng laki at lawak ng mga bakuran. Puro magaganda na talagang iisipin ng kahit na sino na mga Millionaryo o Billionaryo lahat ng mga naka tira duon.
“wow” manghang saad ni Bianca, mulat na mulat ang kaniyang mga Mata habang naka hugis Oh pa ang bibig nito. Dahil sa labis na pagka mangha
“close your mouth stup*t”
“tsss may regla siguro ang lalaking 'to, napaka sungit” mahinang bulong ni Bianca at lihim na inirapan ang lalaking katabi.
“Manang Jossa, kompleto na lahat ng mga stuck sa Kusina. Kung may kulang pa o kailangan kayo nand'yan ang telephone, direct nayun sa Groceries at Kitchen needs. Dito rin sa loob ng subdivision ng Apollo's ang mag dedeliver kaya hindi niyo na kakailanganing lumabas para mamili para sa mga lulutuin at kakailanganing gamitin para sa loob ng bahay. ” ani ni Romuel at deretso nang pumasok sa malaking bahay.
Namamangha parin si Bianca, kaya naman hindi parin niya maitikom ang kaniyang bibig. Hanggang sa maka pasok na siya kasunod ang driver na bitbit ang ibang dinala ng kaniyang asawa.
“pssst St*pid! Mag linis ka, si Manang Josa ang mag luluto. Darating mamaya lahat ng mga kaibigan ko kaya dapat malinis ang buong bahay” ani ng seryosong boses na nag mula sa hagdan. Kaya napa baling duon ng tingin si Bianca
Mas lalong namangha ang kaniyang mga Mata dahil napaka ganda nanga ng loob ng bahay ay napaka ganda pa ng tanawin na kaniyang nakikita. Paano ba naman kasi, pababa ng hagdan ang kaniyang asawa habang naka brief lamang ito at may naka sampay na towel sa braso nito.
Pakiramdam ni Bianca ay nasa napaka init at napaka sikip na lugar siya dahil nag sisimula na siyang pag pawisan.
“Hey St*pid, nakikinig kaba?” ani ulit ng lalaki sabay pitik sa noo ng naka tulalang babae.
Bahagyan namang napa pitlag si Bianca dahil sa kaniyang pagka gulat at kamuntikan na siyang masamid sa sariling laway niya.
“ha–ha? Ah–anong sabi mo? Ma…may sinabi ka?”
“tsss, hindi kalang pala St*pid, bingi kapag. Ang sabi ko mag linis ka dito sa loob ng bahay. Gusto ko malinis na malinis. Darating ang mga kaibigan ko kaya huwag kang pabagal bagal. Si Manang Jossa ang nag luluto kaya ikaw ang mag lilinis intended?” mahabang saad ni Romuel.
Napa simangot naman ang labi ni Bianca pagka tapos ay napa nguso naman bago napa kagat labi kaya tuloy napa tingin duon si Romuel
“stop playing your lips St*pid” tiim bagang saad ng lalaki at hindi naka takas sa mata ni Bianca ang mabilis na pag lunok ng lalaki maging ang pag taas baba ng Adam's apple nito.
“ewan ko sa'yo ang dami mong arte, pati lips ko binabantayan mo. Eh ikaw nga halos mag hubad kana hindi kita pinapakelaman”
“talagang hindi mo ako puwedeng pakealaman, dahil wala na tayo sa poder ni Mommy. Nandito kana ngayon sa pamamahay ko kaya dito ako ang masusunod. Dito hindi tayo mag asawa, hindi kita asawa, kasal lang tayo sa papel.. Kaya ngayon umpisahan mona lahat ng mga inuutos ko.” ani ni Romuel tsaka tumalikod na, upang mag tungo sa pool area
Naiwan namang tulala si Bianca, napa tulala siya dahil para siyang sinampal ng kaniyang asawa dahil sa mga sinabi nito. 'Hindi ka puwedeng mag paapekto self, ginusto mo ito at pinasok mo. Kaya kayanin mong tiisin lahat ng mga masasakit na salitang sinasabi at mga puwede pang mangyare para lang pasakitan ni Romuel ang damdamin mo. Huwag mong ipakitang apektado ka self. Malakas tayo, tama malakas tayo, kahit ano pang sabihin at gawin niya may karapatan ka self dahil asawa kana ngayon ng isang Romuel Kimson' ani ng isip at kalooban ni Bianca.
Pagod na pagod sa pag lilinis si Bianca, inabot na siya ng apat na oras bago matapos. Third floor ang bahay at lahat ng mga iyon ay nilinis niya at ipina linis ulit sa kaniya ni Romuel kahit malinis na at wala naman dumi. Kahit mga kortina na hindi pa nagagamit ay ipina laba rin sa kaniya ng lalaki. Matapos sa loob ng bahay ay ipina linis rin ni Romuel ang swimming pool na ginamit nito dahil gagamitin raw umano ng mga kaibigan nito iyon.
“Bianca iha, kumain muna tayo…mag tatanghali na, hapon or gabi pa darating mga kaibigan ni Senyorito kaya huwag mo masyadong bilisan ang trabaho” wika ni Aling Jossa na kaka lapit lamang
Nakita nitong naka upo na sa sahig si Bianca dahil sa labis na pagod. Pawis na pawis ito maging ang manipis nitong damit ay basang basa narin ng pawis kaya na aaninag na ang suot nitong pang loob.
“haaayst pawis na pawis ka iha, haayst gusto man kitang tulungan kaso diko magawa, dahil baka ako pa ang mapag balingan ni Senyorito” ani ng Mayordoma sabay hipo sa buhok ni Bianca
“ayus lang po Manang, naiintindihan ko po” tipid na ngiting tugon niya
“ hala eh, halikana para malamigan ka at alam Kong gutom na gutom kana dahil hindi kapag naka pag almusal diba?”
“opo, si–si Romuel ho?”
“ah huwag mona hanapin 'yun, nasa Library 'yun nag tatrabaho. Kumain narin siya at tayo nalang dalawa ang hindi pa. Kaya halikana” tugon ni Aling Jossa kaya naman sumang ayon na lamang si Bianca. Ngunit lihim siyang napa simangot dahil kumain na pala ang kaniyang asawa habang siya ay napapagod na dahil sa mga utos nito at nagugutom narin dahil hindi man lang siya pinag almusal nito.
“maliligo po muna ako Manang bago maligo” aniya nang maka pasok na sila ng matanda sa loob ng kusina.
“oh siya bilisan mo ha, hihintayin kita iha mas nakaka ganadong kumain kapag may kasama” tugon ni Aling Jossa
“Oho manang”
Nakayung nag lalakad si Bianca habang laglag ang kaniyang mga balikat dahil sa labis na pagod. Parang gusto niyang ihiga sa malambot na kama ang pagod niyang katawan. Subalit hindi naman niya kayang matulog nang basang basa ng pawis.
Nasa pangalawang hagdan na siya nang may bigla siyang mabangga. Nasa ibaba ang kaniyang tingin kaya hindi niya nakikita kung sino o kung ano ang nababangga niya.
“tsss, St*pid! Ba't hindi ka tumitingin sa harapan” ani ng baritong boses na may ari ng matigas na dibdib.
Pagod na pagod ang buong katawan ni Bianca, maging ang kaniyang isipan. Kaya ayaw muna niyang maki pag talo o maka rinig ng kahit na anong salita. Dahil wala talaga siya sa mood.
Tamad niyang tinignan ang lalaking kaharap. Tsaka walang salitang umalis siya sa harapan nito at nag patulog sa pag lakad.
Kaya naman napa tiim bagang ang lalaki dahil sa hindi pag pansin ni Bianca dito. Mabilis nitong nahawakan ang palapulsuhan ni Bianca. Dahilan upang mapa hinto ito sa pag lakad.
“who told you na puwede mo akong talikuran habang kinakausap kita”
“bitiwan mo ang kamay ko” tamad na sabi ni Bianca, habang naka tingin siya sa palapulsuhan niyang hawak ng asawa.
“look at me St*pid” inis na sabi ng lalaki, dahil kanina pa siya hindi tinitignan ni Bianca
“sabing bitiwan mo ang kamay ko” naiinis naring sabi ni Bianca sabay piksi sa kamay nito. Dahilan upang mabitawan ito ng lalaki.
//Continue