CHAPTER 5
THEY WENT HOME before lunch at gaya ng bilin nina Gale at Bethanny ay may dala silang mga inomin at mga pulotan pag-uwi, naabotan niya sa kusina ang ina ni Molly na nagluluto ng pananghalian. Katulong nito si Molly at Mikka, habang si Beth ay nakaupo at naghihiwa ng sibuyas.
“Anong maitutulong ko?” tanong niya.
“Wala tayong maitutulong kasi hindi naman tayo marunong magluto!” nakasimangot na sabi ni Beth.
Napangiwi naman siya. “Oo nga pala. Anyway, I have some ice cream's and soda here. Ilalagay ko muna sa ref.”
Lumapit siya sa ref at inilagay sa loob ang mga dala niya at lumabas ng kusina. Umupo siya sa kahoy na upoan sa sala at ibinigay kay Gale ang card nito.
“May laman pa naman siguro ito noh?”
Inirapan niya ito. “Meron pa, makakabili ka pa ng ilang bahay at lupa sa dami ng laman niyan!”
“Good girl!” nakangiting sabi ni Gale.
“May nahanap na ba kayong worker's para bukas? We are not here for vacation, dapat masimulan na ang pagpapaayos ng bahay nina Molly.”
“Meron na, mga kapitbahay nina Molly. Mayroon din sa kabilang sitio!”
“Good to hear that!” humarap siya kay Gale. “How's life here in the Island? No girls to f**k?”
Inis na bumaling sa kanya si Gale. “There's a resort in here according to my research, I'm pretty sure maraming bakasyonista doon!”
“Wow! So, talagang nagresearch ka para alam mo kung saan ka pupunta kapag natigang ka?”
“Hindi lang ako, kundi kami ni Dart.” nakangising sabi ni Gale.
“Come on Gale, huwag mo ng isama si Dart sa kalandian mo. I want him to change!”
“A playboy won't change unless he's inlove and in case of Dart, hindi ikaw ang makakapagpabago sa kanya.”
Pinukol niya ng masamang tingin si Gale, hindi niya nagugustohan ang mga lumalabas sa bibig nito. Naputol lang ang masamang tingin niya dito ng lumabas si Molly mula sa kusina at tinawag sila para mananghalian.
PASULYAP-SULYAP si Dart kay Athena habang naglalakad sila papunta sa dalampasigan, it was four o'clock in the afternoon. Hindi nakatakas sa paningin niya ang matalim na sulyap nito kay Gale.
“Nag-away ba kayo ni Athena?” bulong niya kay Gale ng tumakbo na papunta sa dagat sina Athena.
Ngumisi lang si Gale. “Hindi noh, masyado lang niya lang sineryoso ang mga sinabi ko kanina.”
“Ano ba ang sinabi mo sa kaniya?”
“Secret! Sa amin nalang 'yon!”
Hindi na niya kinulit pa ang kaibigan, knowing Gale hindi talaga 'yon magsasalita kahit pilitin niya pa. Nilatag nila ang dalawang malaking mat sa buhangin, hindi naman mainit sa pwesto nila dahil hapon na at nasa lilim iyon ng dalawang malalaking puno.
Tinulongan sila nina Ulysess at Kenneth sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa na dala nila, nasa gilid na ng dagat ang mga dalaga at panay kuha ng litrato.
“Girl's attitude, parang hindi sila napapagod magselfie!” naiiling na sabi ni Kenneth.
“That was the reason why I don't do girlfriends, kasi aalilain ka lang nila. Taga dala ng shopping bags at taga picture, tch!” sang-ayon ni Ulysess
Nasa dulo sila na paligoan lang ng mga taga doon sa sitio, 'yong kabilang dulo kasi ay daongan ng mga bangka ginagamit ng mga taga roon sa pangingisda.
Tumakbo papunta sa mat nila sina Athena.
“Kakain na ba kayo?” tanong niya sa tatlong dalaga ng makalapit ang mga ito.
Umiling si Athena. “Magsuswimming na kami.”
Napasipol sina Ulysess, Gale at Kenneth ng maghubad ng damit si Bethanny leaving her two piece swimsuit.
“Hoy ate! Huwag kang magtwotwo piece, baka may makakita sa'yo at isumbong ka kay Itang.” sabi ng kapatid ni Molly.
“Alam ko!” inis na sabi ni Molly.
“Let's go girls!!” bumaling siya kay Athena na nakatwo piece na rin.
Pasimple siyang napalunok ng laway ng makita ang katawan ng dalaga, this is the second time she saw her in two piece. Una ay noong nasa second year college ito at nagswimming ang family nila. Agad siyang umiwas ng tingin at nakita ang tatlong asungot na nakangisi habang nakatingin sa kanya.
“Shut up and back off!!” sigaw niya no'ng magtangkang magsalita si Gale. Agad na nagtawanan ang tatlo kaya naman umupo na siya sa mat na nakalatag sa buhangin, at pinagmasdan ang tatlong dalaga na nagtatampisaw na sa dagat.
“Uminom na tayo, wine lang muna para hindi tayo malasing agad.” sabi ni Ulysess.
Tumabi na ang tatlo sa kanya at binuksan ang red wine na dala.
Panaka-naka ang pagsulyap niya sa dagat kung saan naliligo ang tatlo. He gulped everytime his eyes travelled down to Athena's body, agad naman niyang inilalayo ang paningin at atensyon sa dalaga. He shouldn't feel this way towards Athena, kailangan niyang patayin ang pagnanasa na nabubuo niya para sa dalaga.
MADILIM na noong umahon sa dagat sina Athena, agad siyang lumapit sa monoblock chair na pinaglagyan niya ng kanyang damit. Si Beth naman ay nakatwo piece na umupo sa mat. Pagkatapos suotin ang damit ay kumuha siya ng in-can beer at umupo sa tabi ni Dart.
Binuksan niya ang canned beer at iinom na sana ng biglang inagaw iyon sa kaniya ni Dart.
“The hell, Dart!!” singhal niya rito.
“Here, drink this wine!!” sabi nito at inabot sa kanya ang baso na may lamang wine. Wala sa sariling tinanggap niya 'yon, at uminom. Agad siyang kumuha ng barbeque na inilapag ni Molly sa gitna ng mat, kumagat siya bago inabot iyon kay Dart.
“Have a bite honey.” aniya at kinindatan pa ito. Bumuntong-hininga ito bago kumagat sa pork barbeque na inalok niya.
Napangiti siya no'ng makitang may sauce na nagkalat sa gilid ng labi nito, wala sa sariling pinunasan niya iyon na siyang ikinagulat ng binata.
“A-anong ginagawa mo?”
“Removing the sauce? Ang kalat mo kasing kumain, and by the way ang cute mo kapag nauutal ka!” natatawang sabi niya.
Agad na nag-iwas ng tingin si Dart. “Stop teasing me, Athena. Hindi nakakatuwa!”
She pouted her lips. “Kailan ka ba natuwa sa mga ginagawa ko??”
“ajejskkensgav” kumunot ang noo niya dahil sa mabilis at pabulong na pagsasalita ni Dart.
“Anong sabi mo?”
“Nothing, don't mind it!” anito at muling uminom ng beer.
Nacurious siya sa sinabi nito pero baka kapag kinulit niya ito ay masira ang moment nila dito sa Isla.
Bago pa mag-alas nuebe ng gabi ay bumalik na sila sa bahay nina Molly dahil bukas na magsisimula ang construction ng bahay nila, agad siyang nagbanlaw sa banyo bago pumasok sa kwarto at nahiga. Nilibang niya muna ang sarili niya dahil hindi pa siya puwedeng matulog, dahil basa pa ang buhok niya. Noong matuyo na ito ay umayos na siya ng higa at ipinikit ang mga mata.
Morning came, maagang nagising sina Athena. Excited siya para sa construction ng bahay nila Molly, mabuti nalang at malaki ang lupain na kinatitirikan ng bahay kaya hindi na nila kailangang umalis sa bahay habang nagpapagawa ng bagong bahay.
They need to finish the house as soon as possible para makabalik na rin sila sa Manila, pero may bahagi ng isip niya na mas gusto nalang manatili sa Isla. Hindi niya alam, pero parang natatakot na siyang bumalik sa Manila, siguro dahil dito sa Isla ay napapansin siya ni Dart kahit papaano. She was afraid of the thought that maybe when they get back to Manila, ay bumalik sa dati ang pagtrato sa kanya ni Dart. Here in this place she feels like she's special to Dart and she was happy with that, masaya na ayaw na niyang matapos pa.
“LET'S TAKE A BREAK men's!” malakas ang boses na anunsiyo ni Gale sa mga trabahador para sa lunch break.
Tumigil naman ang mga manggagawa, sabay-sabay na silang pumunta sa first floor ng bahay dahil nandoon ang mga pagkain.
“Kain na po kayo.” aya ni Athena sa mga workers nila nandoon ito malapit sa mahabang mesa kung saan nakalagay ang mga pagkain.
Si Molly at Beth naman ang nagbigay ng mga plato sa kanila para makakain na sila. It was one month and one week since they started the construction of the house, mabilis pero pulido ang trabaho nila. Three months ang target nila para matapos ang bahay, they need to do it as fast as they can. Tumutulong na din sila sa mga worker's, that was the reason kung bakit isinama niya ang tatlong kaibigang engineer.
“Water?” alok sa kaniya ni Athena na may dalang isang basong tubig.
“Thanks!” aniya at uminom.
Umupo ito sa tabi niya. “Are you tired?”
“Hindi naman masyado, mas nakakapagod ang trabaho nila.” sabi niya at itinuro ang mga construction workers.
“Yeah, they are vey hard working! I'm planning to give them a bonus kapag natapos na ang bahay.” sabi ni Athena kaya napatingin siya dito. “They deserve it, right?”
“Yup!” nakangiting aniya.
Tumingin sa kaniya si Athena. “Magdodonate daw ng bagong fishing boat si Gale sa mga taga rito.”
“Well, kailangan niyang bawasan ang mga kayaman at pera na meron siya.”
“I agree with that!” natatawang sabi ni Athena. He can't help himself to stare at her face.
She raised her eyebrows. “Inlove ka na ba sa akin?”
“Assuming as ever!” naiiling na sabi niya.
“Yeah right, kailan ka nga ba maiinlove sa'kin?”
He was caught off guard by Athena's question, he can't find a word to answer her.
“No need to answer, I'm not pressuring you. I'm willing to wait!”
“Look Athena, you're a woman dapat ikaw ang hinhintay at hindi ikaw 'yong maghihintay!”
“Pagdating sa'yo kaya kung maghintay, alam ko rin naman na sa akin ang bagsak mo!” anito at kinindatan siya bago tumayo at lumapit kina Beth.
Giving up is not on Athena's mindset, kaya kahit anong pilit niyang tumigil ito ay ayaw nitong tumigil.
“Dart!!” tawag sa kaniya ni Gale na naglalakad na palapit sa kinaroroonan niya.
“Is there any problem?”
Ngumiti ito. “It's Xyton, he had a good news. Sephanie is pregnant!”
Agad na nagliwanag ang mukha niya dahil sa narinig. “Woah! Kailangan kong maghanap ng signal mamaya para ma-congratulate siya!”
“You really have to, nagtatampo sa atin dahil isang buwang na niya tayong hindi nako-contact.”
“That guy, siya ang maldito sa atin pero mawala lang tayo saglit parang bata na nawawalan ng magulang.” naiiling na sabi niya.
“Sinabi mo pa, kapag kasama niya tayo ang sama naman ng ugali sa atin. Tapos kapag wala tayo, ayon hanap ng hanap!”
Parang gusto niyang matawa habang iniimagine ang nagtatampong mukha ni Xyton.
Pagkatapos mananghalian ay nagpahinga lang sila saglit bago bumalik sa pagtatrabaho.
EVENING CAME pagkatapos magdinner ay lumabas si Dart ng bahay at pumunta sa likod ng bahay para sana magduyan, pero napaatras siya ng maabotan si Athena na natutulog sa duyan habang may nakasalpak na earphones sa magkabilang tenga nito.
Naiiling na lumapit siya sa dalaga, hindi dapat ito natutulog sa duyan dahil nasa labas iyon. It's not safe for her, dahan-dahan siyang yumuko at tinanggal ang earphones nito bago kinuha ang cellphone na nakapatong sa tiyan nito.
Pinatay niya muna ang music bago nagtangka na buhatin ang dalaga papunta sa kuwarto, ngunit nagising ito.
“Hey, bakit dito ka natutulog?” tanong niya sa dalaga.
Kinusot nito ang mata. “Mas presko dito, e.”
“Are you hungry? Hindi ka nagdinner kanina.” umiling lang ito.
“I'm okay, I just want to stay here.”
“I'll stay with you.”
Kumunot ang noo nito. “Huh? Bakit?”
“Gusto ko lang, umusog kana.”
Wala sa sariling umusog ang dalaga, malapad ang duyan kaya kasya silang dalawa.
“I can hear your hearbeat!” anito at tiningala siya.
Tumikhim siya. “That's the effect of coffee, I drink one earlier!” pagsisinungaling niya.
“Hindi ka makatulog?”
“Hindi pa ako inaantok!”
“Great!” masiglang sabi ni Athena at yumakap sa bewang niya. “I want to do something and since you're here lulubos-lubosin ko na.”
Kunot-noong bumaling siya sa dalaga. “What is it?”
Ngumisi ang dalaga bago dumukwang at hinalikan ang mga labi niya, and again he stilled. This is Athena's effect on him kapag bigla nalang siya nitong hinahalikan. Agad siyang nakabawi sa pagkabigla at tinugon ang halik ng dalaga, bahagya niya itong kinubabawan at mapusok na hinalikan.
He can't control himself anymore! He slid his hand inside Athena's t-shirt and cupped one of her breast, a soft moan came out from Athena's lips between their kiss. Nakapatay ang ilaw sa likod ng bahay kaya't hindi siya nangangamba na baka may makakita sa kanila, ikinawit ng dalaga ang mga braso sa leeg niya at mas pinalalim pa ang palitan nila ng halik.
He was about to remove his shirt no'ng biglang bumukas ang ilaw sa likod ng bahay, mabuti nalang at nasa loob ng bahay ang switch niyon kaya't hindi agad sila makikita ng nagbukas ng ilaw.
“f**k!” mabilis siyang bumaba sa duyan at umupo sa upoang kahoy sa labas.
“Gising pa po pala kayo, cr lang ako.” sabi ng kapatid na lalaki ni Molly at nagmamadaling pumasok sa banyo. Sabay silang napabuntong-hininga, wala sa sariling nabuksan niya ang cellphone ni Athena at dumako sa inbox nito.
From Wyn: I'm going back to New York, baby! My visit in the Philippines is useless, I don't get the chance to see you! ? I miss you. ?
Napatingin siya kay Athena na nakatingin sa kalangitan.
'Who the f**k is Wyn?' Bulong ng isip niya. Agad siyang nag-exit sa inbox at inilagay sa tabi ang cellphone nito.
“I have to sleep!” maya-maya ay sabi ng dalaga at umalis sa duyan bago kinuha ang cellphone at earphone. “Good Night!”
“Night!” ngumiti ito bago pumasok sa loob ng bahay.
Inis na lumipat siya sa duyan at mariing ipinikit ang mga mata, he can't help himself for thinking about the text message on Athena's phone. Hindi iyon nireplyan ng dalaga pero nakaopen na iyon, meaning nabasa na nito ang message.
Sino ba si Wyn sa buhay ng dalaga? Is he her boyfriend? Nakilala ba ito ni Athena sa New York noong pumunta ito doon para sundoin ang Lolo nito? The f**k! Bakit ba siya nakucurious? It's none of his business, mas makakabuti sa dalaga kung maililipat nito sa iba ang pagtingin nito sa kanya.