Azriel's PoV Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata nang makarinig ako ng mahinang hikbi mula sa hindi kalayuan. Napatingala ako nang mapansin ang maliwanag na liwanag mula sa itaas. 'Nasaan ako?' tanong ko sa sarili saka dahan-dahang bumangon. Iginala ko ang paningin sa paligid at agad na tumambad sa paningin ko si Alette na umiiyak sa isang tabi. Nakaakbay rito si Vera na sa tingin ko ay dinadamayan. Alette...oo nga pala. Sa aming lahat ay siya ang pinaka nasasaktan sa nangyari. Una ay ang nangyari sa ama niya, kay Ginoong Vespar. Maging ang natatagong sikreto ng kanyang ina. Ang nangyari sa kulungan at maging ang totoong katauhan ni Jing, na isa sa tingin ko ay pinakamatalik niyang kaibigan sa aming lahat. Ito rin kasi ang naging sandalan niya noong mga panahong naging makasarili a

