Rini's PoV Mabilis na dumalo palapit sa akin si Azriel. Rini! Rini!! Hayop ka, Jing!!" malakas na sigaw nito. Napatingin na lamang ako kay Jing habang naglalakad palapit kay Alette. Maya-maya pa ay narinig ko na lamang ang malakas na tunog mula sa pagbagsak ni Alette sa sahig. Agad na nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Alette... Hindi ko akalain na magagawang suntukin ni Jing ang isang mahinang babae. Isa pa ay itinuring niyang kaibigan ang dalaga. Hindi man niya sabihin ngunit alam ko. Nahalata ko rin kung paanong iningatan niya si Alette kahit na nasa kulungan kami. Nag-aapoy sa galit ang binata na napatayo matapos bumagsak sa sahig si Alette. Kusang gumalaw ang mga paa ko at pilit na tumayo ngunit laking gulat ko nang biglang sumigaw ng napakalakas si Azriel. Kasabay ng sigaw

