Azriel POV Dumiretso na ako sa loob ng unit ko. Pagkatapos turukan si Alette ng isang hindi ko maintindihan na gamot ay umalis na rin ako. Sa totoo lang ay hindi na ako nagpakita sa kanila pagkatapos ng nangyari kanina. Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko sa harap nila pero wala akong pakialam. Hangga't walang batayan ang pagtitiwala ko sa kanila ay wala rin akong ibibigay ni isa sa kanila. Kahit ako ay nagulat sa sinabi ko. Nakaramdam ako ng kung anong inis na may halong galit sa aking puso. Para bang pinapakita niya na ako ang mas masama sa akin. Gusto ko siyang sapakin. Gusto ko siyang murahin at saktan pero pinipigilan ko lang dahil sa presensya ni Alette. Wala na akong ibang iniisip ng mga oras na iyon kundi ang inis at galit ko kay Jing. Gusto ko mang humingi ng paumanhin

